Chapter 9: Indirect Kiss or Not?

1813 Words
Arshen's PoV: Bored akong napatingin dito sa katabi ko. Kakatapos lang ng school hours at nandito na naman ako sa place nya. Hmp. Driver, tagalinis, tagaluto, tagasagot ng assignment, at marami pang iba. Ayan ang peg ko nitong mga nakaraang araw. Dapat may sahod to eh. Wala na kayang libre sa panahon ngayon. Imbes na nakahiga lang ako sa room ko at nagbabasa ng libro. Pinagsisilbihan ko pa tuloy ang babaeng 'to. I groaned. Paano kaya kung hindi ko sya nabangga non? Edi hindi nya ako slave ngayon. Hmm. Pwede, pwede. Eh kaso may pagkatanga-tanga ako. I don't have the rights din naman para magreklamo kasi nangyari na. Speaking of, taimtim lang na nakatuon ang atensyon ni Yana sa pinapanood namin—— err, sya lang pala kasi busy ako kakabasa ng w*****d. "Hindi ba sumasakit ang mata mo kakatingin dyan?" Pag-iintriga ko sa kanya. Gusto ko lang makasagap ng chismis. Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala akong natatanggap na sagot mula sa kanya. She acts as if she didn't heard anything. Pero hindi 'yun ang makakapigil sa akin noh. I faked a cough. "Mahilig ka pala sa mga movies." Isa 'yun sa mga napapansin ko sa kanya. You can say that I'm quite an observant. Wala lang. There's something urging on me kasi na dapat kong kilalanin si Yana. I can feel that she's something. I can't take my eyes off her. Ewan ko ba kung bakit. Sya na ata ang lodi sa cakes ko. Chos. Straight as a pasta pa rin naman ako. Mabalik uli tayo sa kanya, again, wala na naman akong natanggap na sagot mula sa tanong. "Anong movie so far ang pinaka-favorite mo ha?" "Will you shut your mouth for pete's sake? You're too noisy. Mygoodness." She said with a hint of annoyance on her tone. Napanguso naman ako dahil doon. "Snobber na nga. Masungit pa." Hindi ko maiwasang sabihin. Oo, alam kong maririnig nya 'yun kasi nga magkalapit lang kami. Nasa couch kami ngayon at nakaupo. At hindi nga ako nagkamali. Nagbaling sya ng tingin sa akin. Naniningkit ang kanyang mata. "What did you say?" "Bingi ka ba? Ang sabi ko, snobber at masungit ka." Pag-uulit ko pa. Hmp. Hindi nya ba alam na ganon sya? Pero pwede naman. Kasi may mga taong hindi nila napapansin na ganon na ang behavior nila. Nabaling ang aking atensyon nang makita ang lumilipad nyang kamao. Oh my. Saan naman kaya 'yun pupunta? My eyes widen in shock nang marealize ang lahat. Oh shoot! *Boogsh* Pero huli na. Tinamaan na. Naglanding na ang suntok nya huhuhu. At talagang sa precious face ko pa talaga. I bit my lips. Ang sakit. Gosh. It stings a lot. Ang lakas nya talagang manuntok. "Bakit ka ba nanununtok? Pangarap mo bang maging boxer?" Nagsusumamo kong tanong. Sapo-sapo ko ngayon ang parteng tinamaan nya. "Oo. Isa 'yun sa pangarap ko tapos ikaw 'yung punching bag." Diretso nitong turan habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang mapalunok. Grabe na talaga ito. Baka mamaya ay hindi lang suntok ang matanggap ko sa kanya. Baka nga bugbog pa eh huhu. "Nako. Wag kang mag-alala, hindi naman lahat ng pangarap, natutupad." Kinakabahan na talaga ako ngayon sa totoo lang. May isang salita pa naman sya. "Pero 'yung sa akin parang gusto kong magkatotoo." Napapikit ako nang mariin. Seryoso ba sya? I need to do something. Kailangan kong maging mabait. Yeah, tama nga. Hindi dapat ako gumawa nang ikakainis nya. I faked a cough again. "May boyfriend ka na ba, Yana?" Paglilihis ko ng topic. Iyon na lang talaga ang naisip ko. Pasensya na. "Anong klaseng tanong 'yan?" Nakakunot-noo nitong turan. "Dali na kasi." Pangungulit ko pa. "Tsk. Okay fine. Wala. Dagdag pahirap lang ang boyfriend na 'yan sa akin." Hindi ko maiwasang mapasinghap dahil doon. Really? Pahirap? "What?!" Oa na kung oa pero nagulat lang talaga ako. Suddenly, something crossed my mind. "Oh... Baka naman kasi girlfriend ang gusto mo." Nakangisi kong saad sa kanya. In an instance, matatalim na tingin na ang naramdaman kong ibinibigay nya sa akin. "Umayos ka, Arshen. Hindi mo magugustuhan yung gagawin ko sayo." Madiin ang bawat salitang binibitawan nya. Mabilis naman akong napaayos ng upo. "Yes po, Commander!" I said at sumaludo pa talaga sa kanya. I heaved a sigh. "Ako naman, naghahanap ng boyfriend. Sawa na akong maging single eh." Pagkukwento ko. Suddenly, she laughed like a mad woman. Nahintakutan naman ako dahil doon. Oh my gosh! Anong nangyayari sa kanya? Parang witch kung tumawa eh. Maya-maya pa ay tumigil na rin sya. "Isa akong manghuhula at base sa nakita ko ay hindi ka na talaga magkakaboyfriend." Seryoso nitong turan habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Napanganga naman ako. Huwat? 'Yun ang sabi? Masalimuot pala ang magiging buhay ko huhu. Pero paano naman ako nakakasigurado na nagsasabi sya ng totoo? Baka naman iniechos nya lang ako ha. I was about to say something nang makarinig kami ng isang ring. Alam kong hindi 'yun sa akin dahil hindi ganon ang ringtone. I glanced at Yana's cellphone. Umiilaw 'yun. Nararamdaman kong mukhang nag-aalanganin sya kung sasagutin nya ba 'yun o hindi. But in the end, she grabbed her cellphone at pinindot ang answer button. Lumayo sya sa akin. Naiwan ako rito sa couch. There's something that is bothering me. Nakita ko kung sino ang caller and I assumed that it's her Dad base na rin sa pangalan. At ngayon ko lang naalala, sa ilang araw kong naging slave nya ay ni minsan, hindi ko man lang nakita ang Dad nya. 'Yung parents nya to be specific. Atsaka bakit dito sya sa mall nakatira? Alam kong malaki ang room na 'to para sa kanya pero bakit hindi sa totoong bahay nila sya nag-iistay? Ano 'yung nasa face nya? Scar ba? Bakit ganon ang right eye nya? I know na hindi 'yun napapansin kapag nasa school dahil unang-una ay may bandage ang right face nya. I also know that she's wearing contact lens. Ang daming tanong ang tumatakbo sa isipan ko. I want to ask her. Pero hindi ko alam kung sasagutin nya ba ako. My thoughts were interrupted when I noticed na bumalik na pala si Yana. Mabibigat na yabag ang kanyang ginawa. Hindi rin maipinta ang kanyang mukha. Something is off. May nangyari. Parang may nakikita akong imaginary na dark aura na nakapalibot sa kanya. Ayoko nang dagdagan pa ang pagkainis ng mahal na reyna. Think, Arshen. Anong gagawin mo para naman kumalma sya? Aha! Bigyan ko kaya sya ng Ice Cream para kumalma? Ganon din ang pinabili nya sa akin noong last time eh. Diba kapag ang isang bagay ay mainit, dapat mong palamigin. Siguro naman ay nag-apply rin 'yun sa tao. Napatayo ako bigla. Akmang maglalakad na sana ako nang maramdamang may humawak sa aking pulsuhan. "Where are you going?" Magkasalubong ang dalawa nyang kilay habang nakatingin sa akin. I just smiled at her. "May bibilhin lang ako. Hindi ako aabutin ng ilang minutes. Wag kang mag-alala, hindi kita tatakasan." She's staring at me intently na para bang sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi . Maya-maya pa ay naramdaman kong lumuwag na ang pagkakahawak nya sa akin. "Fine. Bilisan mo." Maawtoridad nitong saad. I just nodded my head at mabilis na lumabas sa kanyang private room. Agad akong nagtungo sa supermarket. Isa rin siguro sa pros na nakatira sya rito ay madali lang makapamili. May supermarket, may boutique. At meron pang arcade. Hanep diba? When I reached my destination, hinanap ko na kung saan ba nakapwesto ang mga ice cream. "Found it." I said to myself. Double Dutch and Hershey's Cookies and Cream na lang ang pinili kong flavor. 'Yung pinakamalaki na rin ang kinuha ko. Hala sige, para magsawa sya. Just kidding. Para naman may pampakalma si Yana if ever na mainis sya diba? I quickly made my way to the counter. Ayaw ko nang patagalin pa dahil paniguradong inaantay na ako non. "Here's your change, Ma'am." Nakangiting saad ng babae sa counter. I smiled at her before getting it. Malalaking hakbang ang ginagawa ko marating lang kaagad sa Private Room ng isang 'yun. "Anong ginawa mo?" Ang unang pambungad nito sa akin nang makapasok ako loob. "I bought these for us." At itinaas pa ang dala-dala ko. I saw how her expression changed. She softened up. Hindi ko maiwasang mapatawa. Ang cute eh. Mukha atang narealize nya 'yun. She faked a cough. "Ayoko. Ikaw na lang." Masungit nitong saad. "Okay lang." Simple kong saad. Aba, akala nya siguro ay pipilitin ko sya noh. Alam ko namang hindi sya makakatiis. I grabbed a spoon first bago umupo sa tabi nya. "Ang sarap." I said. Talagang pinaparinig ko sa isang 'to. Ilang beses kong ginawa 'yun. Pasimpleng tinignan ko si Yana and I can say that she wants to eat too. I turned to her side at talagang pinakita ang pagkain ko ng ice cream. "Ang sarap talaga." With matching papikit-pikit pa. Para syang bata na hindi pinagbigyan sa gusto. Ang cute. "Gusto mo?" I asked her. "Argh! Yes. Gusto ko." Naghuhurementado nitong sagot. Hindi ko maiwasang mapangisi. "Luh. Asa ka!" Automatic na nakatanggap ako ng matatalim na titig mula sa kanya. I gulped. Mali atang nagbiro ako. "J-Joke lang naman. Sabi ko nga, bibigyan kita." "Good. Mabuti 'yung nagkakaintindihan tayo." She said. Napailing na lang ako sa kawalan. Akmang tatayo na sana ako when she stopped me. "San ka na naman ba pupunta ha?" Ano bang kinakainis nya? "Kukuha lang po ako ng kutsara, Mahal na reyna." Pag-eexplain ko pa. I heard she hissed. "Tsk. Wag na." Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. What does she mean by that? "Feed me. Subuan mo ako." Automatic na nanlaki ang aking mata. Napanganga ako dahil doon. Asdfghjkl! Did I heard it right? Seryoso ba sya? Si Yana? Susubuan ko? "Come on. I hate waiting." Dagdag nya pa. I gulped nang maproseso ko yun. Kahit nagdadalawang-isip. I started to feed her. "Nag-indirect kiss na tayo, alam mo ba 'yun?" I said to her. Gosh. Ganon 'yun diba? When you use something tapos may gumamit din na iba? "That sucks. Naniniwala ka pa sa ganong bagay." Mataray nitong asik. "Bakit? Naglapat na ba ang mga labi natin para matawag na kiss?" I bit my lips. Ramdam na ramdam ko nag pag-iinit ng aking pisngi. "H-Hindi naman." "Hindi naman pala eh then that's not consider as a kiss unless..." Nakita ko ang pagguhit ng isang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. "Gusto mo talaga akong mahalikan sa labi." I shooked my head. Gosh. This is so embarrassing. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa babaeng 'to. Aish. "H-Huy, hindi kaya! Ang feeler mo naman." Mabilis kong pagtanggi. But she just laughed as a response. Pero ano nga kayang feeling kapag kiniss ko sya? Mukha pa namang malambot 'yung lips ny— Ugh! Stop it, Arshen. Hindi ka dapat nag-iisip ng ganyan. Straight ka, remember?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD