Yana's PoV:
"Are we alone?" My professor asked. Well, we're doing a recitation at ako na nga ang sasagot.
Unti-unting umangat ang gilid ng aking labi at pumorma ng isang ngisi. This question is so easy. Lalo na at self-explanatory at base lang sya sa opinion ko.
"For me, we're not alone. Astronomers have been searching for many years or even a decade in our universe. They already found water and many more things that we, human can used. Radio telescopes receive signals from the universe that can't be explain by us."
Well, marami pa tayong kailangang aralin at inaalyze. For sure, in the next few years ay magkakaroon na rin ng sagot ang ilan sa mga tanong natin about the universe.
"What can you say about Mars? If meron nang naninirahan doon?" Dagdag pa ni Prof. Oh, follow-up question.
"We all can say that there are life on Mars. Not a human but maybe a species. Carbon dioxide is the most abundant gases on its atmosphere and that gases can be equivalent to Oxygen." Mabilis kong sagot. "Who knows, maybe they're searching for life too?"
I faked a cough. "Isn't it much scarier to think that we're alone in this gigantic universe?" May point naman siguro ako diba?
Nakita kong napatango-tango ang proffesor namin. Maya-maya pa ay nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mukha.
"You never failed to impress me, Miss Del Fierro. Maganda ang opinion mo. May point." She said. I gave her a slight smile bago naglakad pabalik sa aking upuan.
Ramdam na ramdam ko ang mga tinging ibinibigay sa akin ng mga kaklase ko. I can't blame them though. I'm really fabulous kasi.
I can also hear them and it looks like ako ang topic nila.
"Ang ganda talaga ni Miss Yana, Pre. Ang talino pa."
"Oo nga, Pre. Ang swerte natin. Nakakaganang pumasok kapag nakikita ko sya."
"I really wonder kung ano ang tinatakpan ni Miss Yana."
"Oo nga, Girl. Lagi syang may bandage sa mukha noh?"
Automatic na napakuyom ang aking kamao dahil sa huling dalawa kong narinig. Alam ko namang hindi nila maiwasang magtaka kung bakit ako laging may bandage sa mukha.
I'm using it to hide that freaking thing. Nakakainis! Bakit ba kasi ako nagkaroon ng ganito? Pati na rin 'yung right eye ko. Argh.
Kaya ba tinatawag akong freak? Katulad ng sinasabi ni Samantha?
Ugh! Mas lalo akong naiinis kapag naiisip ko sya. Nag-iinit ang ulo ko.
I heaved a sigh at pilit na pinapakalma ang aking sarili. I decided na ituon na lang ang aking atensyon sa mga classmate kong nagrerecite rin.
"Okay. Itutuloy natin 'to sa next meeting. Class Dismiss." Our professor said nang tumunog na ang bell. Sya na rin kasi ang last period namin. I'm glad na hindi sya katulad ng ibang teacher na ang tagal magpadismiss.
Agad kong inayos ang aking sarili pati na rin ang mga gamit ko. Excited na akong umuwi. And oh, makikita ko na naman pala ang slave ko.
I don't know why but I just found myself smiling while thinking of her. Mygoodness. Ano na bang nangyayari sa akin?
"Speaking of the devil and the devil shall come." I said to myself nang makita ang familiar na pigura.
She's panting really hard na para bang kakatapos nya lang tumakbo sa isang marathon. Weird.
"Whoo! Mabuti naman at sakto lang ang dating ko."
I hissed as a response. "Good. I hate waiting, just so you know."
She giggled. May nakakatawa ba?
"Noted po, mahal na reyna. Let's go na nga. Alam kong gusto mo nang umuwi." asik nya at ngumiti pa talaga. Isang irap ang ibinigay ko sa kanya bago naunang maglakad.
"Hayst. Ang isang 'to talaga. Iniwan pa ako." Narinig kong bulong ni Arshen. I just shooked my head at hindi na lang 'yun pinatulan pa.
Now, nasa tabi ko na sya habang naglalakad papunta sa parking lot.
Nakita kong napapatingin ang mga estudyanteng nakakasalubong namin. I know that they're wondering kung bakit lagi kaming magkasama. At alam ko rin na may nabubuo nang assumption sa isipan nila.
But I don't owe them an explanation. Hahayaan ko lang sila riyang mag-isip ng kung ano-ano.
When we reached her car, agad nya akong pinagbuksan ng pintuan. I sat on the front seat katabi nya. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na rin syang magmaneho.
In the past few days, hatid-sundo ako ni Arshen. Sinama ko talaga 'yun dahil mukhang lugi ako. I'm glad that she's following me naman.
"Ahm, Yana.." I startled when she called me by my name. Bakit parang ang sarap pakinggang kapag sya ang nagsasabi?
"Hmm?" Nasa kalagitnaan kami ngayon ng daan.
"A-Ano kasi... Hindi ako makakapagstay sa private room mo today." I can sense the hesitation on her voice. "Isipin mo na lang na day-off ko ngayon."
Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. At bakit naman?
"Why? Busy ka ba? Sinong kasama mo? Anong gagawin nyo?" I interrogated her. Suddenly, may naalala ako. "'Yung Luxxe at Laney ba ang kasama mo ha?!"
Just by that thought, mas lalo akong naging eager na malaman. f**k. I don't know what's happening to me.
But geez. Dalawa pa talaga huh?
Inihinto nya muna ang pagdadrive at itinabi ang sasakyan.
Ipinatong nya ang kanyang kamay sa aking balikat. "Anong nangyari sayo? Galit ka agad eh. Wala naman akong ginagawang masama."
Automatic na sinamaan ko ng tingin si Arshen. Aba't. Subukan nya lang talaga. Mukhang makakasuntok na naman ako.
"Just answer my question. Tss." I'm starting to get irritated. Lalo na't hindi ko pa nagugustuhan ang sagot nya.
I saw how she pouted her lips. "Alin doon? Ang dami-dami eh."
Isang matalim na irap ang binigay ko sa kanya. "Ugh. Of course lahat 'yun. Magtatanong ba ako kung hindi ko kailangan ng sagot?" Sarcastic kong turan sa kanya.
She giggled. Ano ba kasing nakakatawa? "Okay, okay. Kalma." At itinaas ang kanyang kamay na para bang sumusuko.
"May pinapagawa kasi 'yung isang prof namin. At grabe, bukas na agad yung pasahan. Medyo mahirap kaya kailangan ko talaga syang gawin na para matapos ako ng maaga."
"Wala akong kasamang iba. Atsaka si Luxxe at Laney ay mga frenny ko. Wala kang dapat na ipag-alala." Nakangiting saad nito. Napairap na lang ako sa kawalan.
Kaibigan? Talaga lang ha.
"Ayan. Nakapag-explain na ako, Mahal na reyna. Wag ka nang mainis. Nakakabawas ng beauty 'yan." And winked at me.
My mouth gaped because of that. W-What the? Bakit feeling ko ay namumula ang pisngi ko?
Damn. Marami nang kumindat sa akin pero bakit 'yung sa kanya lang yung acceptable ha? Ang cute.
Maya-maya pa ay naiproseso ko rin ang lahat.
"Iliko mo."
"Huh?" She asked habang ang kanyang mata ay nasa daan pa rin.
I groaned. "Didn't I say na iliko mo?"
"Bakit nga?"
"That's simple, sasama ako sayo." After I said that, naramdaman kong huminto uli kami.
She looked at me. "Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang turan nito sa akin.
I scoffed. "Hindi ba halata?" Tss. She's stating the obvious kasi.
Nakita kong napalunok sya. "B-Bakit naman? Ayaw mo bang magstay na lang sa private room mo?"
"Ayaw ko. May angal ka ba?" Nakataas-kilay kong balik-turan sa kanya. I crossed my arms as I wait for her answer.
Pero mukha atang wala na akong matatanggap dahil ibinalik nya na ang kanyang tingin sa high-way.
I secretly smiled. I won. Hinding-hindi nya talaga ako kaya.
Through the whole ride, nakatuon lang ang buong atensyon ko sa labas. At as usual, sinunod nya ako.
We entered a village nearby. Hindi naman pala kalayuan ang bahay nya.
"We're here." Pag-anunsyo nya. We stopped in a house. It's huge. Hindi nagkakalayo nung sa amin.
She turned around and opened the door for me. "Behave ka lang ha." She said once makababa ako.
Hindi ko maiwasang mapakunot-noo dahil doon. What does she mean by that huh? f**k. Iniinis nya ako ah, pwes ibabalik ko rin ang favor.
We entered her house. A woman and man in their early 40s ang sumalubong sa akin. I guess, parents sila ni Arshen?
Pasimpleng tinignan ko ang katabi ko ngayon. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"M-Mom, Dad, nandito pala kayo." She greeted them by kissing their cheeks.
"Yeah. Maaga kaming lumabas ni Dad mo eh." Her Mom said. Nagbaling sya ng tingin sa akin. "So who's this beautiful young lady na kasama mo? Kaibigan mo ba sya, Sweetheart?"
Suddenly, an idea crossed my mind. Napangisi ako bigla. "Ahm... No po. Actually, girlfriend ako ng anak nyo. Right, Arshen?"
Habang 'yung katabi ko ay nakatanga lang. Nakatameme. Her mouth gaped. Parang inaanalyze pa ang sinabi ko.
"Really? Bakit wala kayong endearment, Iha?"
"First name basis pa po kasi kami atsaka hindi pa po kami makapili. Siguro ay next time na lang 'yung endearment."
"M-Mom, wag kayong maniwala kay Yana. Malakas talaga ang trip nya." Pag-eextra ni Arshen na mukhang naprocess na ang lahat ng sinabi ko.
I don't know why pero natutuwa ako sa reaction nya. Ang epic kasi. Namumutla sya ngayon.
"A-Atsaka palabiro rin kasi ang isang 'to." At pilit pang ngumiti. Her parents giggled.
"Sweetie, don't be shy if you're into girls. Tanggap ka naman namin. Kaya pala hindi ka pa nagkakaboyfriend dahil girlfriend ang gusto mo." Her Dad said while wiggling his one eyebrow.
Hindi ko maiwasang mapatawa dahil doon. Inis na inis na kasi si Arshen. I heard that she groaned.
"Ugh. Kaibigan ko lang si Yana. Mauuna na po kami, Mom, Dad." Hindi nya na inantay pa ang magiging reaction nila dahil walang habas ako nitong hinila papaakyat.
"H-Hey, san mo ba ako dadalhin?" I asked ngunit hindi ko tinatanggal ang pagkakahawak nya sa akin.
Her touch, it sends shivers to me. Kakaiba. Ngayon ko lang 'yun naramdaman.
"Sa room ko. Wag kang mag-alala, wala akong gagawing masama sayo." We reached our destination. Pumasok kami sa loob.
"Bakit mo naman sinabi 'yun, Yana?" Ang unang tanong nito sa akin. Kitang-kita ko ang pagkainis sa kanyang mukha. Wow.
Napataas ang isa kong kilay. "Why? Ayaw mo ba akong maging girlfriend?" Tss. She should be thankful dahil ang daming may gustong maging girlfriend nila ako. Duh.
I saw that she massaged her temple.
"Ayoko. Kung magkakagirlfriend man ako, hindi ang katulad mo ang tipo ko."
Napakuyom ang aking kamao. Nakakainit ng ulo. Nakakainsulto. Damn. How dare her?! Sya na nga 'tong may opportunity tapos ayaw nya pa?
Ang lakas ng loob nyang sabihin na hindi nya ako type ha!
Naningkit ang aking mata.
"Alam mo bang ang daming nagkakagusto sa akin huh?!" Dahan-dahan akong naglakad sa papalapit sa kanya. "And really? Hindi mo ako type?"
"Oo nga. Ang kulit mo noh? Hindi nga kita type."
And that's my cue. Marahas kong tinulak papaupo si Arshen sa couch na naririto sa loob. Hindi ako nagdalawang-isip na umupo sa kanyang kandungan.
"Then let me change your mind." And started to grind on her.