chapter 2

2004 Words
KOFIE'S POV: "The other two say hi." Para iyong sirang plakang paulit-ulit sa utak ko. Naalala ba nila ako kaya nasabi iyon ni Klaus my labs ko? Kinikilig na naman ako at tumitibok ang pempem ko, este puso pala!! Eighteen pa lang ako pero ang landi ko na kapag iyong triplets ang usapan. Ang tanong, kakayanin ko kaya silang tatlo? Ang lalaking tao pa naman nila kahit 19 pa lang sila. Ang dumi na talaga ng utak ko! Kailangan ko na sigurong magpapako sa krus! Napakamakasalanan naman kasi ng kagwapohan ng tatlong iyon! Sikat na sikat sila dito sa school at halos lahat ng babae mapaestudyante o maging iyong mga professors na babae dito o maging mga lalaking pusong babae ay lihim na pinagnasahan ang tatlong iyon. Di ko naman sila masisisi kasi maging ako ay naakit sa tatlong iyon. Kahapon nga habang tinatakasan ko iyong Bruno na inireto sa'kin ni Mama ay parang hulog ng lakit na nakasabay ko sa elevator ang tatlo. Grabe! Nayakap at naamoy ko sila kahapon at bunos pang nahawakan ko ang yummyness na dibdib ni Kevin at nakiss ko pa si Kian at iyong abs niya, nakakagigil. Si Klaus my labs naman ay napisil ko ang pisngi! s**t ang kinis at ang pinkish! At kani-kanina lang ay muli kong nasilayan ang gwapong mukha ni Klaus my labs nang pumunta siya sa classroom namin. Pinansin niya ako mga beshie!!!! At sinabi niya ang mga katagang bumuhay sa katawang lupa ko!! "The other two say hi!" Oh Lord! Ang sarap sa ears!! "Kofie!...una na ako, nandiyan na ang sundo ko," paalam sa'kin ng bestfriend kong si Lyza Carson. You read it right guys, isang Carson ang bestfriend ko. Pinsan niya ang tatlong lalaking nagpapainit sa katawang lupa ko. " O-okay...bye soon to be cousin in law, " pilya kong paalam sa kanya na tinawanan lang niya. Pagkaalis ng kaibigan ko ay kinikilig akong nagtitili sa kinatatayuan ko sa gilid ng gate ng campus. Kanina ko pa gustong gawin ito pero nahihiya ako dahil madaming tao pero ngayong wala akong napansing napadaan ay kilig na kilig ang lola ni'yo. Malawak ang ngiting napahawak ako sa tapat ng puso ko na nag-summersault dahil sa kilig. Kalma lang heart, may bukas pa! "Are you done?" "Ay!F*ck na masarap!" gulat kong bulalas at nanlaki ang mga matang nilingon ang taong nanggulat sa akin. Ang seryosong mukha ni Klaus my labs ko ang bumungad sa akin. " Masarap nga, " wala sa loob kong anas habang napapalunok na pinasadahan ng tingin ang masarap na katawan ng kaharap ko. Inosenti nga ako pero marumi iyong isip ko at balahura ang bibig ko. "Tapos ka na ba sa kilig episode mo? Siguraduhin mo lang na hindi ibang lalaki ang dahilan niyan, " seryoso ang mukha nitong saad. Alam kong nagsasalita si Klaus my labs pero promise, wala akong maintindihan dahil mas naka-focus ako sa bawat pagbuka ng mapupula niyang mga labi. Ano kayang feeling kung mahalikan ko ang mga labing iyan? Parang nahipotismong napalapit ako sa my labs ko. Ang gwapo niya talaga kahit salubong ang mga kilay niya at matiim ang mga titig niya sa'kin. " Sandali lang ito Klaus my labs...promise sandali lang ito kaya huwag kang gumalaw, " pigil hininga kong sabi. Sumisigaw ang utak ko na tumigil na ako sa anumang binabalak ko pero may sariling malibog na pag-iisip ang katawan ko. Awang ang labing napaungol ako nang tuluyang dumikit sa'kin ang matigas na katawan ni Klaus my labs. Ramdam ko ang bahagyang paninigas niya dahil sa ginawa kong biglaang pagdaiti ng katawan ko sa katawan niya pero in fairness ay di siya gumalaw tulad ng pakiusap ko. "Klaus my labs! Ayokong makulong kaya please huwag mo akong idemanda dito sa gagawin ko, " nagmamakaawa kong bulong sa kanya. Lalong kumunot ang noo nito at bago pa nangibabaw ang katinuan ng pag-iisip ko ay mabilis kong inilapat ang mga labi ko sa nakakatakam na mga labi ni Klaus. Ang balak ko sana ay smack lang pero naingganyo ako dahil sa lambot at tamis ng mga labi niya kaya idiniin ko pang lalo ang mga labi ko sa mga labi niya. Wala talaga siyang kakilos-kilos at mukhang maging paghinga ay pigil na pigil niya. Masyado siyang matangkad para sa'kin at nakakangawit din tumingkayad maabot lang siya kaya kumapit ako sa batok niya at doon nangumpayot upang mas lalong mahalikan ko ang mga labi niya. Nang mapagtantong mukhang natagalan ang pinangako kong sandali lang ay agad akong bumitiw sa batok niya at dahan-dahang inilayo ang mga labi ko sa mga labi niya. " Sarap," wala sa loob kong anas habang nakatitig sa namamasa niyang mga labi na kani-kanina lang ay hinalikan ko. Mukhang na-shock yata si Klaus dahil wala pa rin siyang kakurap-kurap na nakatitig sa'kin. Tanging ang paggalaw lang lalamunan niya dahil sa paglunok ang indikasyon na di siya tuluyang naging bato dahil sa halik ko. "Pa-kiss nga ulit!" di ko napigilang hirit. By this time ay si Klaus my labs na unang kumilos. Bigla niya na:lang akong kinabig padikit sa katawan niya. Iyong sobrang dikit talaga na halos mapisa na ang dalawa kong dibdib na tumama sa matipuno niyang katawan at ramdam ko ang bawat bukol ng mga abs niya sa tiyan. Di ko rin masabi kong ano itong matigas na bukol na tumutusok sa bandang puson ko dahil mas aware ako sa isang palad niyang nakasapo sa pang-upo ko habang iyong isang kamay naman niya ay nasa likod ng ulo ko habang kinakain niya ang buong bibig ko. Hindi na matawag na paghalik ang ginagawa niya dahil sinisipsip niya na ang dila ko habang ginagalugad naman ng dila niya ang buong bibig ko. Oh sheeet! Nanginginig ang tuhod ko! Kung 'di dahil sa higpit ng pagkakasapo ng kamay niya sa pang-upo ko ay tiyak para akong yelo na natunaw sa kinatatayuan ko. Grabeng init ang hatid sa'kin ng bawat galaw ng mga labi ni Klaus my labs sa mga labi ko at bawat paglilikot ng mapaglaro niyang dila sa loob ng bibig ko. Idagdag niyo pa ang masarap na pagkakadikit ng katawan ko sa matigas at mainit niyang katawan. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa alapaap at isang panaginip ang lahat! Baka naman sa sobrang pagnanasa ko sa triplets ay nakabuo ako ng ganito ka-intense na eksena sa isip ko at hindi pala totoong nandito si Klaus at nilalasap ang mga labi ko. "Oh! Ang sarap ng imagination na ito!" paungol kong anas nang biglang bumaba sa panga ko ang mga labi ni Klaus. Saglit na tinigil ni Klaus ang paghalik sa'kin upang tingnan ako ng seryoso niyang mga mata. " Pati ba naman sa imagination ko suplado ka pa rin Klaus my labs? Sige lang ipagpatuloy mo ang paghalik sa leeg ko, " nakabungisngis kong utos sa kaharap ko na tiyak ay bunga lang ng malikot kong isipan. Imposible kasi na talagang reality itong nangyayari sa'kin! "This is not the right place for that." Napasinghap ako sabay kawala sa pagkakahawak sa'kin ni Klaus at nilingon ang biglang nagsalita. "Oh my Gosh! T-totoo ito? Hindi ako nanaginip o nag-iimagine??" gulat kong bulalas habang pabalik-balik ng tingin sa seryosong mukha ni Klaus at sa blangkong mukha ni Kian. Wala sa loob na napahawak ako sa namamaga kong mga labi. Sheeeet! Hinalikan nga ako ni Klaus, IN REAL LIFE! Totoong nangyari nga iyon! Halos di ako makahinga sa sobrang excitement at bigla na lang nagdilim ang paligid ko. Bago ako tuloyang nawalan ng malay ay may narinig pa akong mga nagmura bago ako sinalo ng matitipunong bisig na kasing bango ng Bebelabs ko na si Kian. =================== NAPAKURAP-KURAP ako nang magmulat ako ng mga mata at nasa di pamilyar na silid ako. Anong nangyari? Nakidnap ba ako? Wala kasi ako sa silid ko. Nasaan ako? Nang ilibot ko ang mga mata ko sa paligid ay magarbong mga kagamitan ang nasa paligid ko. Di naman siguro ito kidnap for ransom dahil mas mayaman pa yata ang may-ari ng silid na ito kaysa pamilya ko, at sa tigas ng ulo ko tiyak ay babayaran pa ni Mama ang kidnapper ko upang di na ako ibalik pa sa bahay namin. Babangon na sana ako sa malapad na kamang kinahihigaan ko nang biglang bumukas ang pinto ng silid at magkasunod na pumasok ang ,Carson triplets?! " Oh God! Itinanan niyo ba ako?" bigla kong bulalas sabay bangon at upo sa kama.. Agad akong napatakip ng matabil kong bibig at nag-peace sign sa kanilang tatlo. "Ah, excuse me po. Ano pong ginagawa ko dito?" napakamot kong tanong. Kahit nasa ganitong sitwasyon ako ay di ko pa rin mapigilang kiligin sa kagwapohan ng tatlong kaharap. Walang itulak kabigin lahat gusto kong angkinin! Charr lang pero pwede na ring totohanin. " You don't remember passing out on me?" seryosong tanong ni Klaus. Passing out? Talaga? Iyong kissing, licking , biting at sipping lang ang mabilis na bumalik sa isipan ko. Napakagat-labi tuloy ako. Feeling ko, lalo yatang namamaga ang mga labi ko. "Stop biting your lips, Sweetheart, " paungol na sabi ni Kian at pagapang na umakyat sa kama at pasimpleng humiga sa tabi ko. Oh, tukso layuan mo ako!! Nakabukas ang ilang butones ng suot niyang polo kaya nasisilip ko ang maskulado niyang dibdib. " You can touch it, " nakangising udyok ni Kian habang tuluyang kinalas ang ilang mga butones ng suot niya. "Talaga?!!Huh— ano bang pinagsasabi mong touch it- touch it diyan?!" kuntodo deny kong sabi pero ang totoo ay nangangati na ang mga kamay kong paunlakan ang paanyaya niya. Narinig kong bahagyang natawa si Kevin na nakahalukipkip na nakatayo sa paan ko. Ang gwapo talaga ni Honeybunch ko! Sarap dilaan all over his sexy body! " Wala ka bang masakit na nararamdaman? Hinimatay ka kasi kanina, wala ka bang ibang dinaramdam?" seryoso pero may pag-alalang tanong ni Klaus. "Maliban sa kumakabog ang dibdib ko at kinikilig ako ay wala na akong ibang naramdaman, " parang lutang kong sabi. Sige lang Klaus my labs, tanungin mo pa ako. Ang gwapo mo talaga. " So, saan ka namin pwedeng ihatid pauwi?" tanong naman ni Kian na nasa tabi ko nakahiga. "Nakalimutan ko yata kung saan ako nakatira. Pwede bang makitira na lang dito sa inyo?" wala sa loob kong sagot. Ano ulit? May sinabi ba ako? Mukhang meron nga dahil kakaiba ang tingin sa'kin ng triplets. " Joke lang! Sa Mars Village ako, " naka-peace sign kong bawi sa nauna kong sinagot. "Pwede namang dito ka na lang sa amin tumira pero iyon nga sama-sama tayong apat sa iisang kama dahil iisa lang ang kwarto nitong condo namin, " pilyong sabi ni Kevin pero nag-iinit ako sa paraan ng pagkakatitig niya. " Iuuwi ka na namin sa inyo sweetheart baka magbago pa ang isip namin at maaga ka naming mayari, " halos bulong na sabi ni Kian kaya di ko gaanong narinig iyong huli niyang mga sinabi. "Come here, " seryosong inilahad ni Klaus sa akin ang isang kamay niya. Dahil marupok ako ay agad akong bumangon at tinaggap iyon. Bahagya niya akong binuhat pababa ng kama. " You're so soft." "Huh? May sinabi ka?" tanong ko sa kanya dahil narinig kong may sinabi siya bago niya ako binitiwan. " I said let's go. Ako na ang maghahatid sayo, " poker face niyang sagot. "Okay!" malapad ang pagkakangiti kong sabi. " Bebelabs, Honeybunch, una na kami ni my Labs. Ingat kayo dito dahil hindi ko pa kayo natsansingan, " bungisngis kong paalam kina Kian at Kevin bago tuluyang sumunod kay Klaus na napailing-iling lalo na nang mag-flying kiss ako sa dalawa. Feeling close agad akong kumapit sa braso ni Klaus. Saglit siyang natigilan pero sa huli ay hinayaan na lang niya na nakapulupot ako sa braso niya. Sarap sa feeling! Ihahatid niya ako pauwi! Maiinggit na naman iyong iba! Ganda ko grabe! Di na kailangan ang gluta para pumuti dahil heto nga at di ako kaputian pero napapansin pa rin ako ng Carson triplets. Paano pa kaya kung puputi ako? Tiyak, maghahabol sila sa beauty ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD