chapter 3

1794 Words
Habang inihatid ako ni Klaus my Labs pauwi sakay ng magara niyang kotse ay panay ang nakaw ko ng sulyap sa seryoso pero gwapo niyang mukha. Ang sarap talagang pagmasdan ng mukha niya at ng bawat pag-flex kanyang mga muscles sa braso. Lahat ng mga babae at mga pusong babae na lalaki sa school namin ay patay na patay sa Carson's triplets. Feeling ko tuloy napakaswerte ko dahil ilang beses ko nang nakakasama ang mga ito at natsansingan ko pa. Wala sa loob na napahawak ako sa mga labi ko dahil naalala ko ang lambot ng mga labi ni Klaus nang halikan ko siya kanina. Mariin kong nakagat ang pang-ibabang labi ko dahil sa biglang pagragasa ng kilig sa puso ko. IMAGINE!! TOTOONG NAHALIKAN KO SI KLAUS CARSON!!! AT HINALIKAN DIN NIYA AKO!! Hindi iyon isang pangarap lang dahil totoong lumapat ang mga labi ko sa mapupula niyang mga labi. "D*mn! Stop biting your lips while staring at me, " bigla ay masungit na sita sa'kin ni Klaus habang nasa daan ang atensiyon. Napalabi naman ako sa kasungitan niya pero agad ding napangiti nang lalo yata siyang gumwapo sa paningin ko kahit nagsusungit. Malala na talaga ang tama ko. " Oh woman! What will I do with you, " tila problemado niyang bulalas habang humigpit ang pagkakahawak sa manibela. Napairap ako dahil wala naman akong masamang ginawa para mamroblema siya maliban sa di ko kayang ihiwalay ang mga mata ko sa gwapo niyang mukha. Kasalanan iyon ng kagwapuhan niya! Parang ang bilis ng oras dahil di ko pa nga napagsawaan ang kagwapuhan ni Klaus ay nakarating na kami sa harap ng tinitirhan ko. Parang ayaw ko pa sanang bumaba ng sasakyan pero napilitan na lang ako dahil pinagbuksan na ako ni my Labs. Akala ko ay aatras siya upang bigyan akong daan pagkalabas ko ng kotse pero sa halip ay itinukod niya sa bubong ng kotse ang kanyang dalawa braso habang na-trap ako sa pagitan ng kotse sa likuran ko at sa nakakalaway niyang katawan na nakabakod sa harapan . "Pumasok ka sa loob at magpahinga ka na, " seryoso niyang bilin pero mas lalo akong iginiit sa sasakyan gamit ang katawan niya. Pigil hininga naman ako lalo na at bahagyang dumikit sa'kin ang mainit niyang katawan at nalalanghap ko ang samyo ng mabango niyang hininga. " O-okay?" tangi kong nasambit kasi di ko alam kung ano ang dapat sabihin. Para namang may sariling isip ang katawan ko dahil ito na mismo ang dumikit sa katawan ni Klaus. Isang ungol ang lumabas sa mga labi ko nang tuluyang lumapat ang malambot kong katawan sa matigas niyang katawan. Kakaibang init ang biglang lumukob sa buo kong katawan na halos magpanginig sa mga binti ko. "Bahala na, " bulalas ko bago ko tuluyang ikinawit ang mga braso sa leeg ni Klaus upang lalo kaming magkalapit. Matangkad si Klaus at hanggang dibdib niya lang ako kaya kailangan kong tumingkayad upang maabot ang mapupula niyang mga labi. Pilya kong muling ninakawan ng smack na halik ang seryosong si Klaus. Ilang segundo ring naglapat ang mga labi namin at dahil nakakangalay ang katangkaran niya agad akong bumitiw para lang muling mapasinghap nang pumulupot sa bewang ko ang matipuno niyang mga braso at bahagya akong kinabig upang lalong maglapat ang mga katawan namin kasabay nang paghabol ng mga labi niya sa papalayo kong mga labi. Parang sa pelikula lang kami dahil talagang naramdaman ko ang pagsabog ng mga bituin sa paligid nang muli ay nilasap ng mga labi ni Klaus ang mga labi ko. Sadya sigurong nakakawala sa sariling huwisyo ang mga halik ni Klaus dahil natagpuan ko na lang ang sariling halos nakaupo na sa hood ng sasakyan niya habang nakakawit sa kanyang baywang ang dalawa kong binti. Himala ngang wala pang naeeskandalo sa eksena namin dito sa labas ng bahay. Parang gusto ko tuloy ipagpasalamat ang pagkasira ng pinakamalapit na poste rito sa amin dahil medyo natatago kami sa dilim. Ginabi man ako sa pag-uwi pero worth it naman dahil kita ni'yo namang sarap na sarap ako sa bawat halik ni Klaus. "D*mn! I can't get enough of you, " hinihingal na saad ni Klaus habang nagsimula nang maglakbay ang mga palad sa katawan ko. " Ang sarap mo rin, " wala sa loob kong sambit. "Sh*t! Watch your mouth woman, lalo mo akong pinahihirapan, " paungol niyang reklamo habang pagigil na pinisil ang pag-upo ko. " Oh! Klaus! May tumutusok sa'kin!" naeskandalo kong reklamo nang maramdaman kong may matigas na nasasagi ang mga hita ko. Imbes na sumagot ay umungol lang siya at inayos ang pagkakasaklang ko sa harapan niya kaya iyong nasasaging matigas ng mga hita ko ay deretsong tumama na sa pinakasensitibong bahagi ng aking katawan sa mismong gitna ng mga hita ko. Palda ang uniform na suot ko at dahil nakaangkla sa baywang ni Klaus ang dalawa kong binti ay lumihis ito at deretsong tumama ang matigas na iyon sa kaselanan kong natatabingan lang ng suot na panty. Lalo akong napadikit sa matigas na umbok nang mas dumiin ang pagpisil ni Klaus sa'king pang-upo. Umawang ang mga labi ko nang kakaibang kiliti ang sumabog sa'king loob dahil sa bahagyang pagkiskis ng kaselanan ko sa matigas na umbok na iyon. Ngayon ay may idea na ako kung ano iyong matigas na iyon. Feeling ko ang ganda-ganda ko dahil naaapektuhan pala ang isang Klaus Carson ng taglay kong alindog . "Sweetheart, kailangan mo nang pumasok sa loob, " pahayag ni Klaus pero patuloy pa rin akong hinalik-halikan sa leeg. "You smell addicted." Umungol siya at lalo akong pinanggigilan bago ko naramdaman ang bahagya niyang paglayo. " Sandali lang.." reklamo ko at lalong isiniksik ang sarili sa matipuno niyang dibdib. Heaven na dis! Ayaw ko munang bumitaw...five minutes more! Ilang five minutes din ang lumipas bago ako napilitang pumasok sa bahay. Ayoko pa sanang humiwalay kay Klaus pero kailangan dahil kung magtatagal pa kami sa ayos namin ay tiyak mas lalo akong mahihirapang umalis sa pagkakayakap sa kanya. Bago ako tuluyang nakapasok sa gate ng bahay namin ay mabilis kong nanakawan ng halik si Klaus. Kaya halos buong gabing laman ng mga panaginip ko ang mga nangyari sa'kin buong araw. Himalang kinaumagahan ay full charge pa rin ang energy ko kahit halos di ako makatulog sa kakaisip sa nangyari sa amin ni Klaus at kung kailan ko rin iyon maranasan kina Kian at Kevin. Pagdating ko sa school ay inspired ang lola ni'yo. Feeling mestiza ako dahil nagre-replay sa utak ko kung paano ako halikan at yakapin ni Klaus kahapon. "Ano? May binugbog na naman si Kian?" Napalingon ako dahil sa malakas na tanong ng isa sa mga kasabayan kong estudyante. "Alam naman nilang mainitin iyong ulo ni Kian Carson pero di pa rin sila natuto, " sagot naman ng kausap no'ng nagtanong. " Sana ay may umawat na doon. Wala pa naman iyong mga kakambal ni Kian, " nag-alalang sabat no'ng isa pa. "Sino ba naman ang maglakas loob na umawat kay Kian kung ganyang umaatake na naman ang temper niya?" " Pero, in fairness, ang hot niya pa rin tuwing sumasabog ang volcanic temper niya, " kinikilig na sabi no'ng isa na sinang-ayunan naman ng lahat. Hahay, isa na namang grupo ng mga kababaihang nababaliw sa kagwapuhan ni Kian. Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil naiirita ako sa naririnig kong usapan ng mga nakasabayan ko kung gaano raw kakagigil ang abs ni Kian. Nahawakan ko na kaya iyon kaya akin na iyon 'no! Dumaan ako sa bandang likod ng building A na di gaanong dinadaanan upang malaya kong muling i-refresh ang halikan namin kahapon ni Klaus sa isipan ko nang walang istorbo at di ako mapagkamalang may sira. Parang baliw akong ngiting-ngiti dahil alam kong walang makakita sa'kin dito. Pero napahawak ako sa dibdib ko sabay hiyaw nang biglang may bumagsak na tao sa harapan ko. "Oh! God!" gulat kong bulalas sabay tingin sa taas ng dinadaan kong building baka roon nanggaling itong lalaki pero wala namang malapit na building dito sa kinatatayuan ko. Mga puno lang naman ang nandito dahil likurang bahagi na ito ng school. Isa pang lagabog ang kumuha sa atensiyon ko at doon ko lang napagtuunan ng pansin kung anong nangyayari sa harapan ko. Ilang mga estudyante ang kasalukuyang binubugbog ng pinaka-hot na basagulerong nakilala ko. Natulala ako habang pinapanood kung paano pinatumba ni Kian ang mga estudyanteng nagtulungan pa yata upang labanan siya. Kahit halatang kayang-kaya ni Kian ang mga kalaban niya ay hindi pa rin fair ang nangyayari dahil marami sila laban kay Kian na nag-iisa lang. Kinabahan pa ako noong patuloy pa rin sa pambubugbog si Kian kahit di na kayang lumaban pa ng mga nakaaway niya. Wala bang aawat? Napalingon-lingon ako pero walang ibang taong nandito maliban sa akin. Totoo ngang tuwing nambubogbog si Kian ay walang may gustong nasa malapit dahil tiyak daw ay madadamay ang sinumang mapagtuonan ng pansin nito. Kailangan talaga may umawat baka makapatay pa si Kian! Ang gwapo niya namang maghimas ng rehas. " K-Kian.." nauutal kong tawag sa atensiyon niya. Kinilabutan ako nang bumaling sa'kin ang madilim niyang mukha matapos bitiwan ang kasalukuyang binubugbog. Parang slow motion ang nangyayari nang dahan-dahang lumapit sa'kin si Kian habang di nagbabago ang emosyon sa mukha niya. Susuntukin niya rin ba ako tulad ng mga binugbog niya? "Damn! You're so beautiful!" bigla ay bulalas niya nang nasa mismong harapan ko na siya. Napakurap-kurap pa ako dahil bigla ay napalitan ng malambot na ekspresyon ang madilim niyang mukha kani-kanina lang. Imaginations ko lang ba ito?? Lalo akong natulala nang masuyong humaplos sa pisngi ko ang isa niyang palad habang malamlam ang mga matang nakatitig sa mukha ko. " My Kofie...my own cup of Kofie, " tila ay nahihipotismo niyang anas. Ako rin, para akong naengkanto habang nakipagtitigan sa mala-black hole niyang mga mata na hinihigop ang katinuang meron ako. Kilala niya ako? Alam niya ang pangalan ko! Pero...baka naman kape ang ibig niyang sabihin at medyo nabingi lang ako. "Y-you want coffee?" alanganin kong tanong. " Yes, I want you," deretso nitong sagot. "Huh?" naguguluhan kong tanong. Imbes na magpaliwanag ay masuyo niyang sinapo ang mukha ko bago ko naramdaman ang paglapat ng mainit niyang mga labi sa mga labi ko. " You taste sweet, my kind of sweetness, " napapikit nitong anas bago muling nilasap ang napaawang kong mga labi. " Good morning, " malambing niyang anas sa pagitan ng magagaan niyang mga halik. Ang layo ng Kian na masuyong humahalik ngayon sa akin kaysa doon sa Kian na nambubugbog kani-kanina lang. "Woooh! Akala ko ba may away pa kaming dapat awatin?" Nabigla ako nang may biglang malakas na nagsalita. Ang gwapo at nakangising mukha ni Kevin ang nalingunan ko kasama ang seryosong si Klaus. Shet men! It's raining men!! Ang gugwapo nila!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD