PROLOUGE (THEY MEET AGAIN)
Breaktime ko at Nagpapahinga ako sa Hardin nito'ng Restaurant ng tumawag ang kaibigan ko...
"Briah, i'm sorry di ko sinasadya may sinagot lang ako na call tapos di ko namalayan na umakyat pala si crider sa hagdan habang dala ang laruan nya, nhulog sya i'm sorry napabayaan ko sya" humahagulgol s'yang umiiyak sa cellphone, tumalbog ng husto ang kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba, napatayo ako habang humahakbang papasok ng quarters area namin.
"Nasaan kayo?please calm down hindi ako magagalit kumalma ka at mas kailangan ko ang kooperasyon mo ngayon, okey? wala kang kasalanan aksidente ang nangyari , so please calm down, Serina." Kahit kinakabahan ay kailangan ko syang kausapin upang parehas kaming kumalma sa ganitong sitwasyon dahil walang mangyayari, kung parehas kami'ng magpapanic.
"Dinala ko s'ya dito sa Pentagon Medical Hospital, aantayin kita mag-iingat ka huh! I'm sorry talaga" Umiiyak sya habang sinasabi nya yun.
"Okey sige, just calm down magpapaalam lang ako sa trabaho ko, bye." pagkababa ko ng call ay agad akong nagtungo sa manager namin at nagpaalam, ipagpapasalamat ko na kaunti ang costumer kaya napayagan akong makaalis dahil na rin sa emergency ang sinabi ko.
Pagkababa ko ng taxi ay agad akong pumasok sa hospital at pumunta sa Information upang hanapin ang anak ko. Ngunit may nakabangga ako'ng di inaasahan na makikita ko after 3 years.
Nagkatinginan kami at parehas na nagulat ngunit mas una akong naka bawi at binigyan sya ng walang emosyon na mukha.
Lalagpasan ko na sana sya ng hawakan nya ang palapulsuhan ko at hinarap ako sa kanya. Pagka harap ko ay agad ko'ng winaksi ang kamay n'yang nakahawak sa'kin.
"Ano bang problema mo?" kalmadong tanong ko, sapagka't nagmamadali na rin ako at wala akong oras magalit ngayon dahil nakita ko lang naman ang lalaki'ng sinaktan ako noon.
"Kamusta ka?" kinakabahang tanong nya.
"I'm totally fine , yun lang ba ? kasi nagmamadali ako so please , can i go?" Walang emosyon kong tugon sa kanya.
"U-uhmm Okey , maybe next time ? If we meet again? " Umaasang tugon nya.
"No , and the're will be no next time , at sisiguraduhin ko yun." pagkasabi kong yun ay tinalikuran ko na sya kahit naririnig ko pa na tinatawag nya ko, pero di na ako tumingin pa uli, dahil tapos na ako sa nakaraan.
Nang nalaman ko kung saan ang kwarto ng anak ko mula sa information ay lakad-takbo ang ginawa ko.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay di na ako nag abala pang katukin to at kaagad na binuksan, ngunit may narinig akong dumaing at natamaan ya'ta ng pagbukas ko.
"Aray ! Sino bang hinayupak ang nagbukas ng pinto bigla , di mo ba alam ang salitang katok muna bago pumasok ha ? ikaw kaya umpugin ko at—— hehehe ikaw pala." natutop ang bibig nya sa pagratatat ng makita na ako ang nagbukas, parang demonyo na nahiya at niluwa ng impyerno ang itsura ng lokaret kong kaibigan hahahahhahaha.
"May sinasabi ka ?" pinang lakihan ko sya ng mata.
" Ako may sinasabi ? ha! alam mo ang ganda mo sana kaya lang bingi ka , bakit di ka gumaya sa ugali ko yung sobrang ganda na nga ng pagmumukha ko habulin pa ha! sa'n ka pa ?" pagmamalaki nya , ah ganun parang nakalimutan ata nito kanina na humagulgol sya dahil daw sa kapabayaan nya. Mapagtripan nga bwahahahahah.
"Oo nga habulin ka nga, at sa sobrang habulin ka pati aso sa kanto naakit sa'yo , bakit di ka mag audition sa mga Zombie Movies papatok yun, yung tipong bida ka tapos natakbo kailangan mong iligtas yung sarili mo kase HINAHABOL ka ng mga zombie. Imagine mo yung zombie sa Train to busan yung ganoon." pagkukwento ko.
At dahil nga expected ko na slow sya hahhaah.
"Talaga ?sa tingin mo matatanggap ako ? sabi na nga ba eh, alam kong maganda ako kaya pati ikaw iniisip mo na pag aartista ang para sa'kin, thankyou bestfriend." nagtatatalong yakap nya sa'kin, napatampal na lang ako sa noo ko, sabe na nga ba di nya mahahalata ang pagkasarcasm ko kanina tsk! Lord bakit naman ganito ang bestfriend ko, daig pa ang wangwang ng ambulansya pati yung pagong nahiya na sa kanya ! Amen.
Hindi ko na sya pinansin sa pag de-day dream nyang pagiging artista at bida sa isang Zombie movie tsk. Dumaretso ako sa kama at tinignan ang anak ko natutulog ng tahimik nakita kong puro galos sya at halatang galing sa pag iyak.
Nasa tabi ako ng anak ko habang ang kaibigan ko naman ay nanunuod ng tv. Sinagot na nya ang private room dahil kasalanan naman daw nya ang nangyari sa anak ko. Aba ! dapat lang hehhehe . Nasa ganoon kaming sitwasyon ng pumasok ang isang lalaki at dalawang nurse.
Don't tell me sya ang doctor ng anak ko. Small world nga naman, nawala na sa isip ko na naka- salubong ko sya kanina dahil sa nangyari.
Tumingin sya sa akin ng may gulat na ekspresyon sabay baling sa anak kong nakahiga sa kama at binalik uli sa akin ng tingin ng gulat pa rin. Habang ang kaibigan ko naman ay narinig kong napasinghap sa isang tabi , akalain mo yun buhay pa pala sa tagal ng titigan dito sa kwartong toh. Oa naman ng mga toh!
Ako na ang Bumasag ng katahimikan " anong nangyari sa anak ko?" ngunit lalo lamang s'yang natutop sa tanong ko at napatingin sa anak ko. Kinalaro ko ang lalamunan ko upang ipahayag na magsalita na sya dahil nauubos na ang pasensya ko sa puro paninitig nya sa amin.
"U-hm it's a minor injury and bruises that he got , antayin lang natin s'yang magising at pwede na syang ma-discharge , wala naman nabaling mga buto sa kanya ayon sa mga test at safe na safe na sya makakauwe." kalmadong tugon nya.
"Salamat doc" mahinahon kong pagpapasalamat. After nila macheck ang anak ko ay lumabas na ang dalawang nurse, ngunit ayaw pa ya'ta lumabas ng isang toh hayyy.
Nakaramdam ya'ta ang kaibigan kong kanina pa tahimik sa isang tabi na akala ko end of the world na dahil sa sobrang tahimik, imposible sa kanya yun ahhahah . "a-ah ano, natatae ya'ta ako hehehe , oo tama sabe ng puwet ko kailangan ko nang tumae hehehe babush" at ayun nga lumayas na ang baliw kong kaibigan haayyyy.
"Bakit?" tanong ko dahil di sya nagsasalita pero nakatingin lang sya sa'kin ng may pangungulila at panghihinayang.
"May anak ka na ? kaya ba nawala ka bigla? alam kong mali ako pero bakit hindi ka nagpaalam sa akin?" paghihinanakit nya. Walang emosyon akong tumingin sa kanya.
"Hanggang ngayon ba magsisingungaling ka pa rin sa'kin ? tang'ina— paano'ng hindi kita iiwan ? ako ang girlfriend mo pero paano mo nagawa sa akin yun ?" mariin kong pagkakasabi ngunit mahina lamang para di magising ang anak ko,
nagulat sya sa sinabi ko batid kong alam na nya ang susunod kong sasabihin, hahawakan na sana nya ang kamay ko pero umatras ako.
"Ang lakas ng loob mong sabihing mahal na mahal mo ko noon pero sinungaling ka! ga'yong kakasal kana pala noon ! nu'n araw na ibabalita ko sa'yong buntis ako—— nasa simbahan ka na at nakikipag palitan ng singsing." mahinang hikbi ko at dun bumalik na naman ang sakit ng nakaraan ko, kung paano nya ako nagago at nasaktan nang sobra.
HEY SORRY IF MAY GRAMMATICAL ERRORS KUNG SAKALI ?