Madalang pa rin na dalawin ng mga tao ang kanyang clinic, hindi naman niya masisisi ang mga taong lumayo sa kanyang clinic. Napapatawa na lamang siya kapag narinig niya iyon. Sumpang Veterinarian Clinic. Napasabi na lamang sa kanyang isipan na napapailing na lamang siya. Nasa counter siya ngayon, dinadalaw na siya ng antok ngayon. Napatda siya nang may batang pumasok sa kanyang clinic. Napakunot na lamang ang kanyang noo. Sinalubong naman niya ito, maiiyak na ang mukha nito kaya naman tinanong niya ito. “May problema ka ba?” tanong naman niya. Binigyan siya ng 500 pesos nito. “Ate, alam kong kulang ang bayad ko, please iligtas mo po siya.” Nalito naman siya, dumadaloy ang luha nito sa mukha. “S – Sino ang ililigtas ko?” Napalingon – lingon na lamang siya kung sinong ililigtas niya

