ELEVEN

1432 Words
“Saan ba nagmana ang anak mong iyon, Josh?” napatanong na lamang ni Catherine na umusbong na naman ang inis niya sa ginawa ng kanyang anak na si Aya. Hindi man ito nagsalita, napailing – iling pa ito sa kanya, nakauwi na sila sa kanilang bahay. Kailangan na rin nilang magtrabaho, dahil maraming mga kliyente ang nag – aantay sa kanilang mag – asawa. “Kapag nasira ang negosyo natin, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa babaeng iyon!” “Calm down, kapag may nangyari kay Aya, tayo rin ang magiging suspek, kaya, we need to lie low now.” “Lie low you say Josh?” hindi siya makapaniwala sa narinig ng kanyang asawa ngayon. “Sinasabi mo rin bang tayo ang pumatay kay Aliya?” “It’s not that! Just calm down, you need to relax.” Sabi naman ni Josh sa kanya. “How can I calm down, isa tayo sa naging suspetsya sa nangyayari.” Napatingin na lamang siya sa kanyang asawa. “Josh, umamin ka nga sa akin, ikaw ba’y may kinalaman sa pagkamatay ni Aliya?” tanong naman niiya. “Tell me, honestly, Josh.” “What are you talking about? Iba – iba tayo ng alibi at that time, pero, hindi ko rin kayang pumatay sa nanggaling nating laman.” Napasabi na lamang nito sa kanya. “Alam mo, you need to rest, malapit ka ng mabaliw.” Napasabi pa nito sa kanya. Magpapahinga na sana siya nang may tumawag bigla sa kanyang asawa. Hindi na siya nakinig pa, hindi pa siya nakaabot sa taas ng kwarto, bigla siyang sinenyasan ng kanyang asawa na bumaba ulit. The heck! Asar niyang sabi, at padabog siyang bumaba. Tapos na itong makipag – usap kung sino mang kausap nito. “Ano?” pasinghal niyang tanong. “You need to get ready, may bisita tayong haharapin.” Napabuntong – hininga naman ito. “At hindi mo pa talaga tinanggihan, kahit ngayong araw lang.” nanggagalaiti na sa galit si Catherine sa kanyang asawang si Josh. “Tanggihan, malaking tao ang haharapin natin, ngayon, Catherine.” Napasabi pa nito sa kanya na halata sa boses nito ang pagkairita. “And who it will be that important person?” Napatanong na lamang niya. “Mr. Buenaventura.” Napatitig pa siya sa kanyang asawa na kung tama ba ang kanyang narinig. “Yeah, personal tayong pupuntahan dito sa atin, kaya get ready.” Napabuntong – hininga na lamang siya. “Bwisit!” napasabi na lamang niya at agad siyang bumalik sa pag – akyat ng patungo sa taas para makapagpahinga sa kanyang kwarto. Nabubuhay sila bilang isang scientist at ang kanilang field ay experiment, lalong – lalo na sa mga hayop. Hindi na muna siya bumisita sa laboratory niya at baka mapatay niya lahat ang mga hayop na laan sa experiment nilang mag – asawa. Binabayaran din naman sila nang malalaki, kapag na – meet nito ang standard ng kanilang kliyente. Isa pa’y ang kanilang mga kliyente ay mga namamahala sa black-market o kaya’y ipinagbabawal sa batas ng lipunan. Sanayan lang naman iyon sa kanila, at doon nila binuhay ang dalawa niyang anak na siyang tinalikuran sila, dahil hindi nito masikmura ang ginagawa nilang Josh. Hindi mo dapat isipin ito ngayon, Catherine. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Naghanap siya ng desenteng damit na siyang kanyang ihaharap sa importante nilang bisita. Wala siyang pahinga ngayon, kakauwi pa lamang niya galing syudad dahil sa magaling niyang anak. Just calm down. She takes a deep breath again and again until her mind calm down. XXX “Buti gumaling na iyang kagat ng aso, are you really, okay?” tanong ng matanda sa kanya na may tungkod pa. Pupunta sila sa bahay ng kilalang mad scientist para makipag – sosyo at makiusap sa personal ang mag – asawang siyentista. Tumango na lamang si Malchor, kasama nito ang apo nitong si Brandon na tiningnan siya nang masamang tingin. “You really pathetic, iyon lang ang pinagawa sa iyo ang dami mo ng sugat pagbalik, isn’t that hard?” tanong pa nito sa kanya. Hindi na lamang siya sumagot. Kailangan niyang taasan ang kanyang pasensya, baka ano pa ang mangyari sa buhay niya. Nakarating na sila sa kanilang destinasyon, nakikita niyang nasa liblib na lugar ito, at hindi makapaniwalang may dalawang anak itong babae. Malaki rin naman ang espasyo ng bahay, tantiya niya’y nasa sampung tao o dalawampung katao ang kasya nito, napakalaki rin ng bahay na dalawang tao lamang ang nakatira rito. May dalawang taong sumalubong sa kanila, tantiya niya’y ito na nga ang mag – asawang kikitain ni Don Buenaventura. “Welcome to out humble home.” Napangiti naman ang lalaking nakasoot ng lab gown at malapad rin ang ngiti ng babae na tantiya ni Malchor ay asawa nito. “Halika kayo sa aming tahanan, pasensya na kung masyadong magulo.” Sabi naman ng babae na pinangunahan sa paglalakad papasok sa tahanan na kanyang nakita. Binuksan naman ang pintuan para makapasok silang mga bisita, nilibot niya ang tingin sa loob. Parang hindi naman isang siyentista ang nagmamay – ari rito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan noon. Tahimik lang siyang sumunod sa matanda at sa apo nito. “It’s glad that one of our partners ay dumalaw rito, what can I do for you Don Buenaventura?” napatanong naman ng lalaki. “Well, we have an important thing to discuss kaya naman naparito kami, at sa apo kong si Brandon.” Napasabi pa nito na ngumiti pa ang matanda. Hindi na siya nakinig pa, dahil alam na niya kung bakit sila naparito, kumikirot pa rin ang kagat ng aso, pilit niyang binabalewala iyon, pero, malalim ang sugat na natamo niya nang dahil sa lintik na pakiusap na iyon. Napabuntong – hininga na lamang siya, at napailing – iling na lamang. Alam niyang may mga hayop itong ini – experiment na walang awa. Ilang mga hayop kaya ang pinapatay nila sa isang araw? Napatanong na lamang sa isipan ni Malchor. “Pwede ba kaming mamasyal sa humble lab ninyo?” napantig ang kanyang tenga sa kanyang narinig noon at napabaling sa nagsalita. “Well, yes of course! Come in!” magiliw pang sabi ng lalaki. “Matibay bang mga sikmura ng kasama mo?” napatanong naman ng babae, alam niyang pabiro lang iyon, ngunit, sinusubukan pa rin sila. “Don’t worry, matatapang ang mga kasama ko.” Napasabi na lamang nito. Tumayo ang matanda at alalay lamang si Brandon kay Don Buenaventura, nakasunod lamang siya. Isa pa’y, napapalunok siya kung anong hitsura ang lab nito. Nasa basement sila ng bahay, dito, ginagawa ang experiment ng mgag – asawa, hindi niya alam kung matutuwa ba si Malchor sa kanyang desisyon na pumasok rito. Tila naduduwag siyang pumasok. “Kung hindi mo kaya, Malchor, you can stay put.” Napansin siguro nito ang kanyang pagdadalawang – isip noon. “No, I’m okay.” Napasabi na lamang niya. “It’s your decision.” Napasabi pa nito sa kanya. Tumango na lamang siya. Hindi pa nga siya nakapasok, ang balahibo niya sa katawan ay nagsisitayuan, umalingasaw kaagad, ang mga naghahalong amoy na sumalubong sa kanyang pang – amoy. “Don’t worry, please wear facemask, para hindi po kayo makalanghap ng virus sa laboratory.” Sabi naman ng babae na binigyan sila isa – isa ng facemask. Pagpasok ni Malchor, tumambad kaagad sa kanya ang mga lamang – loob ng mga hayop na parang nakasabit pa, mga balahibo nitong hindi na niya kayang kilalanin kung anong hayop ang nandoon, ang mga kuko nito na halatang pinahirapan nang husto, ang mga mata nitong parang nakatingin sa kanila ngayon. Gusto na ngang bumaliktad ng kanyang sikmura ngayon, pero, pilit niyang pinipigilan iyon. Paano nila nasisikmura ang ganitong hanap – buhay? napatanong na lamang sa kanyang isipan noon, na halatang pinoproseso niya sa kanyang utak ang mga impormasyon na kanyang nakikita ngayon. “Gusto ba ninyong makita ang mag – dissect ng hayop?” napatanong pa nito sa kanila. “Sure, our pleasure.” Sabi pa ni Brandon. Bigla na lamang may tumawag sa kanya, kaya napatingin naman ito sa kanya. “P – Pasensya na, lalabas lang ako saglit.” Dali – dali niyang kinuha ang phone niya, tumungo sa labasan ng laboratory, kinuha niya ang facemask, at naramdaman niyang nag – r – rambol ang sikmura niya, lumabas siya sa tahanan. Doon, nagsusuka siya sa kanyang nakita, hindi na niya kayang panoorin iyon. Napabuntong – hininga na lamang siya kung nadatnan niya kung paano pinatay ang mga kaawa – awang hayop na nakakulong sa impyernong bahay na nakikita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD