TWELVE

1217 Words
“Kailangan ko ng pumunta.” Paalam ni Daniel. “Sasama ako.” Sabi naman ni Aliya sa kanya. Hindi na nagsalita si Daniel, sumunod na lamang ito sa kanya. Napunta sila sa isang laboratory, umiiyak at kumakawala ang papatayin nitong hayop. Maawa kayo sa akin, huwag. Rinig na rinig niya ang pagmamakaawa ng hayop sa mga taong umaaligid nito sa walang kalaban – labang pusa. Nakita niya ang mga taong nandoon, nag – uusap – usap pa ito na parang nasisiyahan sa isang hayop na umiiyak at mas lalong nag – aalpas pa. Nakita niya ang pagmumukha nito. Napabuntong – hininga na lamang siya, dahil kilala niya ang mga taong ito. Brandon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Huwag! Iyon ang sigaw ng pusang binuksan ang tiyan nito, para hindi siya masaktan sa kanyang nakikita napatitig siya sa lupa. “Kaawa – awa, walang kalaban – laban nilang kinuha ang buhay nito para sa kanilang sariling interes, hindi ba nila alam ang pinagdadaanan ng mga hayop na nabubuhay rito?” Rinig niyang katanungan ni Aliya sa kanya na tinitigan ang pusang isang segundo lang ay wala ng buhay. Hindi nagsalita si Daniel, pumunta siya kung saan hiniwa at tinanggal ang mga organo nito sa katawan, ang bituka, ang puso, ang mga buto – buto nito. Naririnig niya ang mga halakhakan at pagkwentuhan ng mga tao, habang minamasdan niya ang walang buhay na hayop. Narinig niya ang boses ng pusa. Malungkot itong tinitingnan ang katawan nito. “Halika na, hindi ka na masasaktan muli.” Napasabi pa niya noon na kinukuha ang loob ng kanyang ihahatid sa paraiso ng mga hayop. Bigla itong tumakbo at lumusot sa dingding, sinundan nila kung saan ito tutungo. Bumulaga kaagad sa kanila ang mga kulungang nandoon, inilibot niya ang paningin ni Daniel, klase – klaseng mga hayop ang kanyang nakita. Nandoon ang pusang kanyang susunduin, pumunta ito sa isang malaking pusa na may katandaan na. “Aliya, anong ginagawa mo?” tanong na lamang niya rito. Nakita niyang isa – isa nitong hinawakan ang mga hayop na nandoon at nawalan ng buhay. Pinigilan niya ang ginagawa ni Aliya noon. “Ako na mismo ang gagawa na sunduin sila kaysa makaranas sila ng sakit sa kanilang pagkamatay, papalayain ko sila isa – isa.” “Aliya, hindi mo dapat ginagawa iyan, wala tayong karapatan na kitlin ang buhay nito.” “Doon rin naman patungo ang lahat, hindi sila magdurusa sa kamay natin, hindi sila magdurusa sa mga taong walang awang pinapaslang sila sa sariling interes.” Napasabi na lamang nito na tinitigan na lamang siya. “Kung iyon ang gusto mo’y hindi rin tayo nalalayo sa mga taong kinamumuhian mo, Aliya.” Tanging sagot niya noon. Napatigil si Aliya sa ginagawa nito at tinitigan ang mga hayop na nandoon. Alam niyang nasasaktan ito sa nangyayari, ngunit, alam ni Daniel na hindi sila dapat makialam sa ikot ng mundo. Pwede ko bang isama ang mga kapatid at nanay ko? Natatakot na sila. Narinig niyang pakiusap ng pusa sa kanya. Umiling si Daniel kay Aliya sa gagawin nito. “Pasensya ka na, hindi ko pwedeng gawin iyon.” Napasabi pa nito. Hindi ako sasama kapag wala ang kapatid at ang nanay ko. Pagmamatigas nitong sabi. “Kailangan na nating pumunta, huwag kang mag – aalala, balang araw, makakasama mo sila.” Sabi naman niya rito. Nagtago ito at tinakbuhan siya ulit. Ayokong sumama kapag wala si nanay at ang kapatid ko! Pagrerebelde nito sa kanya. Napabuntong – hininga na lamang siya noon. Kailangan niyang hanapin iyon, para matapos na sila sa kanilang misyon ngayong araw. XXX “Hindi kayo nakabalik kaagad?” tanong ni Isaac sa dalawa. Napabuntong – hininga na lamang si Daniel at tiningnan si Aliya. “Kailangan lang naming bigyan ng oras ito.” napabuntong – hininga na lamang si Daniel. Napatango na lamang siya, sinundan niya ito dahil baka ano na naman itong gawin ngayon. Bigla na lamang bumukas ang pintuan, at may nakita silang isang lalaki. Tantiya ni Isaac kasama ito sa nagkatay ng hayop sa laboratory nito. Napatingin siya rito, kilala niya ito sa nang nabubuhay pa si Isaac. Nagtatrabaho pa rin ba si Malchor sa Buenaventura? Napatanong na lamang sa kanyang isipan. Nagkatinginan sila ni Daniel noon. Napabuntong – hininga na lamang siya, hindi niya aasahan ito sa muling pagtapak niya at napunta sa lugar na kung nasaan siya, makikita at masisilayan niya ang mga taong konektado sa pagkamatay nila noon. Tiningnan niya lamang si Malchor, ika – ika itong naglakad, tiningnan ang mga hayop na nandoon. Binuksan nito isa – isa ang mga kulungan nito, inilagay niya ito sa isang kulungan. “Huwag kayong mag – aalala, hindi ko kayo sasaktan.” Isa – isa nitong dinampot at isinilid sa isang kulungan. “Dalian mo.” May isang taong nasa likod ni Malchor. “M – May tatlo o apat na namatay, anong gagawin natin?” rinig niyang tanong kay Malchor. Walang sabing inilabas nito ang mga patay na hayop sa kulungan, na siyang wala man lamang marka ng pagparusa at pagkahilo ng hayop. “Odd.” Rinig nitong sabi. May narinig silang mga yabag patungo sa kulungan ng mga hayop. “Halika na.” napasabi naman nito. Dali – dali itong umalis at dinala ang mga hayop na kinuha sa kulungan nito. “Dito naman ang mga kulungan ng hayop for our experiments.” Nang nakaabot na sila, napatulala naman ang dalawang scientist sa mga kulungan na walang natira kahit isa. Sinundan ng nakabibinging sigaw ng isang babae. “Sino ang may gawa nito?” tanong naman na nanggagalaiting babae. “Brandon, nasaan si Malchor?” “I don’t know, maybe, nagsusuka pa iyon.” “Are you sure?” “I don’t know Lolo.” Napabuntong – hininga na lamang ito. Maya – maya pa ay may lumitaw na tao na naka – facemask. “You! Ikaw ba ang gumawa nito?” tanong naman ng babae kanina na pinapakalma ng isang lalaki. Natulala naman ito at napatingin sa paligid. “K – Kababalik ko lang po.” Sabi pa nito. “Come on, hindi alam ni Malchor kung saan ang lugar na pinagtataguan mo ng mga hayop, Catherine, it’s okay, just calm down.” Napasabi naman ng matanda. “Hindi pwede, hiindi natin maipagpapatuloy pa ang experiment kung wala ang mga iyon.” Sabi pa nito. Sinenyasan niya silang Daniel na umalis na sila rito, kaagad niyang kinumpas ang palad niya, napadpad sila sa isang lugar. Hinahanap pa rin nila ang pusang nakasunod sa mga taong sumira sa plano ng dalawang scientist. Kailangan nilang magmasid kung anong mangyayari. “Aliya.” Tawag niya rito. Napatingin na lamang ito sa kanya. “Ikaw ba ang may gawa sa ilang hayop na nawalan ng buhay?” diretsahan niyang tanong noon. “Kung ako ang may gawa, anong gagawin mo?” tanong naman nito sa kanya. Sinipatan niya si Daniel na umiling – iling sa kanya. Napabuntong – hininga na lamang siya noon, pinagmamasdan niya ang mundo ng mga taong dati siyang nakatira rito. Ang dating magulong buhay niya sa mundo ng tao, napabuntong – hininga na lamang siya. Ayaw niyang alalahanin ang pangyayari. Nakita nila ang hayop na kanilang hinahanap. Nanaog siya at sumunod na lamang ang dalawa patungo sa direksyon kung saan sila pupunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD