Disclaimer:
Hello out there, people, isa na namang walang kwentang kwento ang isusulat ko, di rin naman ako namimilit sa inyo. As usual wala po itong SPG pero may kaunting p*****n – yeah – kaunti lang. Hindi rin ako mananakot sa kwentong ito, -- yeah – spiritual again – pake ninyo ba? Just read at your own risk gaya ng pagbabasa ng BED SCENES. A little of brutality din pala, pero, ayoko ring ma restrict, bahala na kayo riyan.
A/N: Ang mga kwentong naisulat ng baliw na manunulat sa kanyang akda ay puro at purong imahinasyon lang ng kanyang walang kwentang utak. Saka pala don’t correct my grammar because I’m not grahams. Bye!
--------
Aliya Rhea Bartolome - Castro, bata pa lamang siya ang kanyang pamumuhay ay hindi normal sa isang bata na kailangan makakita ng kahit ano – anong karumal – dumal na gawain. Ang kanyang magulang ay isang mad scientist, dahil sa trabaho na iyon, walang hayop na nagtatagal sa kanya, dahil pinapatay ito sa nakalulunos na pagpatay.
Minsan, naliligaw siya sa laboratory ng kanyang magulang, at doon, halos masuka siya sa kanyang makita, mga lamang loob, mga mata ng kung ano – anong hayop, mga dugong nakakalat, ang mga balahibo na pakiramdam niya’y siya rin ang nasasaktan.
Gusto ko na’ng umalis rito. Ayoko rito. Napapasabi na lamang sa kanyang isipan, ayaw niyang makarinig na kung anong iyak ng hayop na pinapatay nito.
“Aliya, gusto mo bang umalis dito?” tanong ng kanyang nakatatandang kapatid na pareho rin niya na hindi maatim ang nakikita nito.
Agad naman siyang tumango. “Paano tayo makaalis rito, ate?” tanong naman niya rito.
“Huwag kang mag – aalala, kukunin kita rito kapag nakapunta na ako sa siyudad.” Sabi pa nito sa kanya.
Pitong taong gulang pa lamang si Aliya at ang kanyang nakatatandang kapatid naman ay nasa labinlimang taong gulang.
“Iiwan mo ako rito, ate Aya?” tanong naman niya.
“Babalikan kita, babalik ako don’t worry about it, saka, titira tayong malayang gawin ang lahat. Just promise me, okay?” tanong naman nito sa kanya.
Kahit nalulungkot man, tumango na lamang siya noon. Pagkatapos, mamaalam ng kanyang kapatid, umalis kaagad ito, siya naman, kailangan niyang tiisin ang lahat nang iyon.
Sumasalubong sa kanya minsan ang masangsang na amoy na tinatapon ng kanyang magulang sa likuran ng kanilang bahay. Maiiyak na lamang siya dahil araw – araw kahit ano na lamang ang ini – expirement nito.
Kapag pumasok siya sa paaralan, tinitingnan niya ang malaking bahay, na lihim niyang sinusumpa at ayaw niyang umuwi kung maaari.
Hanggang nagdalaga siya at biglang umuwi ang kanyang kapatid na si Aya Grace Bartolome - Castro.
“Aalis na kami, kailangan kong dalhin si Aliya.” Pagpapaalam naman ng kanyang kapatid.
Nabigla ito sa desisyon ng kanyang kapatid. “Bakit? Maayos naman ang buhay ng kapatid mo rito.” Napatanong pa nito.
“Sa pisikal oo, pero sa emotion ng batang nasa pitong taong gulang ay umukit sa kanyang isipan ang masamang pangyayari sa kanya.” Sagot pa nito.
Napabuntong – hininga naman ang kanilang ama na tiningnan silang magkakapatid.
“Kaya ba nawala ka nang ganoon katagal, Aya? Para mag – rebelde sa amin at idamay ang bunso mo?” tanong pa nito.
“Bilang respeto na isang anak, hayaan mo po kaming magpakalayo rito.” Tanging sabi ni Aya.
“Whatever, fine, but make sure kaya mong buhayin ang kapatid mo, huwag kang babalik rito na humihingi ng pera.” Babala pa sa kanila.
“Sure, hindi po kami hihingi ng tulong sa inyo, nag – aral akong wala ang tulong ninyo noon, ngayon pa kaya? Ako ang magpapa - aral kay Aliya.” Matapang nitong sabi.
Sasampalin sana ito ng kanilang ama, buti na lang napigilan pa ito ng kanilang ina.
“Lumayas na kayo, malalaki na rin naman kayo.” Napasabi pa ng kanilang ina.
Walang sabing agad dinala ng kanyang kapatid ang kanyang gamit. Sumunod na lamang siya rito.
“Aliya, huwag na huwag kang lilingon.” Napasabi na lamang nito sa kanya.
Napangiti na lamang siya at tumango, hindi siya lumingon man lamang sa kanilang tahanan na sana’y punong – puno ng alaala.
Labingtatlong taong gulang si Aliya nang umalis siya sa kanilang tahanan, at ang kanyang kapatid naman ay dalawampung taong gulang.
Pumunta sila sa siyudad, tumira sila sa simpleng apartment, dati pa’y nagtatrabaho na ang kanyang kapatid para lang mapaaral siya.
Pinaaral siya sa pambublikong paaralan na malapit rin para walking distance lang iyon sa kanya. Naging masaya siya at pakiramdam niya’y ligtas siya.
Sa kanyang paglalakad nakakita siya ng isang kuting na kinakailangan ng tulong napupuno ng sugat, tantiya niya’y sinasaktan ito ng mga taong dumaraan, wala siyang nakitang iba pang kapatid nito, nag – antay pa siya ng ilang oras ngunit, hindi niya nakita ang magulang ng kuting. Kaya naman, dali – dali niyang dinala iyon sa kanilang apartment.
Ngayon lang siya mag – aalalaga ulit, simula ng namatay ang kanyang unang alaga nang bata pa siya’y hindi siya nag – aalalaga, dahil natatakot siya.
Magpapagaling ka, baka hindi ako payagan ni ate na mag – alaga ng hayop rito. Napasabi pa sa kanyang isipan.
Natutuwa ang puso niya nang ginagamot niya ang mga sugat nito.
Bakit kaya ang sama ng mundo sa mga hayop? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
Naghanap siya ng isang maliit na cartoon para paglagyan ng kuting, tantiya niya’y nasa dalawang linggo pa lamang ito.
Kawawa ka naman. Hinaplos – haplos niya ang kuting na natutulog na rin.
“Aliya.” Tawag ng kanyang kapatid na babae.
Napalingon naman siya. May dala – dala itong supot na pagkain para pagsaluhan nila.
“Nandiyan ka pala.” Sabi pa nito na napangiti na lamang sa kanya.
Napansin nitong may kuting na natutulog.
“A – Ate ano kasi may sugat po siya at wala namang tumutulong sa kanya kaya dinala ko na lamang para gamutin.” Paliwanag niya, baka magalit ang kanyang kaharap kung bakit nagdadala siya ng hayop sa apartment nila.
“Ate, promise po, kapag malakas na siya maghahanap po ako ng mag – aampon sa kanya.”
Mahinang napatawa si Aya sa pinagsasabi niya ngayon.
“Ano ka ba, nakahanap na siya ng bagong tahanan, bakit pa maghahanap?” tanong pa nito sa kanya.
Prinoseso naman iyon ng kanyang isipan. “Ate, okay lang po sa iyo na mag – alaga ng hayop?” tanong naman niya rito.
“Of course! Saka, wala na tayo sa pamamahay na iyon, we can do whatever we want, ang hiling ko lang na alagaan mo nang maayos ang kuting na iyan.” Sabi pa nito sa kanya.
“Ate.” Napayakap na lamang siya “Thank you po.”
Ginulo na lamang ang kanyang buhok noon. “Nakwento mo sa akin na pinapatay ang alaga mong hayop noon, hindi ba?” tanong naman nito sa kanya.
Malungkot na lamang siyang napatango.
“Hayaan mo, ngayon, pwede mo na siyang alagaan at mahalin sa gusto mo.” Sabi pa nito sa kanya.
“I will be responsible ate.” Pangako naman nito sa kanya.
Napangiti na lamang ang kanyang kapatid, tinutulungan rin siya ng kanyang kapatid na babae na mag – alaga. Napapahanga na lamang siya dahil marami itong alam kung paano ba ang tamang pag – aalaga sa hayop nito.
“Aliya, gusto kong magkaroon tayo ng isang Veterinary Clinic.” Ito na lamang ang narinig niya sa kanyang kapatid.
“Veterinary Clinic?” napatanong na lamang niya.
“Yes, gusto kong magkaroon ng veterinary clinic, dahil para sa mga hayop na siyang iniwanan na ng panahon, alam mo, matagal ko na iyong pangarap e noong nagpakalayo ako sa pamilya natin, dahil gusto kong tumulong sa kanila.”
“Tumulong?” tanong naman niya na hinahaplos ang kanyang alagang kuting.
“Yeah, kagaya niya, sa mundo kasi natin kakaunti na lamang ang may malasakit sa mga hayop, kung alam mo lang ang nangyayari sa marahas na mundo.” Napailing – iling na lamang siya.
Naalala niya ang mga hayop na sinapit sa kamay ng kanyang magulang, walang kalaban – laban, tanging iyak lang ang laban nito habang sinasaktan.
“Ate, alam kong magkakaroon ka rin nang ganoon.” Sabi pa niya.
“Napaka – supportive talaga.” Mahina lang itong napatawa sa kanya.
Napangiti lang siya noon. Siyempre, excited rin siya sa Veterinary Clinic ng kapatid niya n asana matupad ito sa takdang panahon.