ONE

1437 Words
Dalawang taon ang nakalipas na nagpakalayo sila sa kanilang pamilya, lumaki na rin nang malusog ang alaga ni Aliya na dati’y napulot niya sa kalsada noon, isa pa’y dumarami rin ang kanilang alaga, aso at pusa. Kaya sa bawat pag – uwi niya sa paaralan, nasasabik siyang makita ang kanyang mga alagang nandoon sa apartment nag – aantay sa kanila. Malayo naman sila sa mga kapit – bahay, kaya pinayagan na rin sila ng may – ari ng apartment na inaabangan ng kanyang kapatid. Grade nine na siya ngayon, habang nasa siyudad siya, nagkakaroon siya ng isang pananaw tungkol sa buhay ng tao sa mundo. Mali ba na kamuhian ang kagaya kong tao sa mundong ito? Biglang napatanong na lamang sa kanyang isipan, habang tinitingnan ang abalang daanan, papauwi na rin siya. Sa dalawang taong nandito siya sa siyudad, marami siyang mga bagay na napapansin nadidismaya siya sa takbo ng buhay sa mundo. May narinig siyang isang asong nagmamakaawa sa mga taong nandoon, mga binata na masayang sinasaktan ang walang kalaban – labang aso na siyang buto’t – balat at maraming pasa sa katawan. Pinuntahan niya iyon. Hindi niya maatim na may isang hayop na sinasaktan sa harap pa niya talaga, ayaw niyang magbulag - bulagan sa nasaksihan niya. “Oy.” Tawag niya sa mga ito. Tiningnan naman siya at napatigil pa ito sa pinagagawa. “Wala namang ginagawang masama ang asong iyan, bakit ninyo sinasaktan?” diretsahan niyang tanong, seryoso ang boses at mukha niya. “Bakit alaga mo ito? Maraming galis at saka nanghihingi pa ng pagkain, dapat nga nasa compound na ito at pinapatay e. Walang silbi ang asong iyan!” Sinipa pa ito sa kanyang harapan at nagtatawanan pa ang mga kasamahan. “Tatanungin ko kayo, kapag ba sinipa ko kayo, matutuwa kayo?” tanong niya naman rito. Sinipatan niya ang isang binatang sumipa sa aso na walang kalaban – laban. “Gusto mo ba ng gulo? Sinong magkakagusto sa mga palaboy na pusa at aso rito na napakadungis.” “Sino bang may kasalanan kung bakit sila nagkaganyan? Mga tao rin hindi ba? Mga taong iresponsable kagaya ng mga pagmumukha ninyo.” Napataas pa ang kilay niya. “What did you say?” Maang – maangan pang tanong sa kanya. Napabuntong – hininga na lamang siya at napailing – iling. “Pakawalan mo ang asong iyan, huwag mong saktan kung ayaw mong pakainin, may buhay sila kagaya mo, natuturuan ka ba ng ganoon? I bet, hindi.” “This bitch.” Napangisi pa ito sa kanya na alam niyang naasar sa kanya ngayon. Bago pa dumapo ang suntok nito sa kanya, kaagad niya itong sinipa sa private parts at napahiyaw pa ito sa sakit sa ginawa niya, nakikita pa niyang naiiyak pa ito. Nilagpasan niya ang mga kabataang kagaya niya. Takot na takot ang aso nang lumapit siya rito, naging agresibo ito dahil sa natamong sugat na gawa ng kalalakihan, kinapa niya ang kanyang bag kung may dala ba siyang pagkain. May tinapay na natira. Binigay naman niya ito sa aso, nangangatog pa itong lumapit sa kanya na inamoy – amoy ang tinapay, matapos, dali – dali itong pinulot gamit ang bibig nito at tumakbo nang malayo at kinain ito. Tiningnan niya nang masamang tingin ang mga ito, wala siyang salita na dumiretso sa pag – uwi ng apartment nila ngayon. Nang nakarating na siya, alam niyang nandoon na rin ang kanyang kapatid na si Aya. Maaga ata si ate ngayon? Napatanong na lamang sa kanyang isipan. “Aliya, nandiyan ka na pala.” Nakangiti lang ito sa kanya. Tumango na lamang siya noon. “Pasensya na natagalan ako sa pag – uwi, may tinulungan lang akong aspin na pinag – iinitan ng mga taong walang magawa sa buhay.” napailing – iling na lamang siya. “Aliya, anong sabi ko sa iyo, its okay to help, but ang makipag – away sa taong hindi mo kilala, baka mapahamak ka niyan.” Paalala naman sa kanya ni Aya. “Nag – iingat naman ako ate.” Napasabi pa niya. “Nasaan si Cloud at Fren?” tanong naman niya na hinahanap ang dalawa niyang makukulit na pusa. “Ayon, kumakain na. Kakain na tayo.” Sabi pa nito sa kanya. Tumango na lamang siya. “Aliya, iyong sinabi ko sa iyo ha?” tanong pa nito sa kanya. “Yes po ate Aya.” Nasa hapag sila ngayon, kumakain na rin. “By the way, susunduin kita bukas ng hapon sa school ninyo.” “Ha bakit?” tanong naman niyang naguguluhan. “Basta, may pupuntahan tayo bukas.” Ngumiti lang ito sa kanya na malapad. Napangiti na rin siya noon. “Okay.” Tanging tango lang ang kanyang isinagot noon. XXX Isusurpresa niya ang kanyang kapatid bukas, masaya siya ngayon, dahil malapit na ring matupad ang pinapangarap niya at pangarap ng kanyang kapatid. Isa pa’y nakapasa na siya sa board exam bilang isang veterinarian, at kaya siya abala, dahil pinapatayo na rin niya ang matatawag niyang sa kanya na Veterinary Clinic, lahat nang iyon ay itinago niya sa kanyang kapatid. Papalihim siyang napangiti, at alam niyang magiging masaya rin si Aliya sa isusurpresa niya. Handa na ang lahat para bukas. Napasabi na lamang niya sa kanyang isipan. Madaling nag – umaga at siya naman nasa apartment lang dahil ihahanda niya ang surpresa na mamaya – maya, paglabas niya ng kanilang apartment, may sumalubong kaagad siyang isang masangsang na amoy, kaya naman tiningnan niya ito. Bumaliktad ang sikmura niya, nakita niya ang isang kawawang kuting na hindi niya nakilala, ang bituka nito’y lumabas na sa tiyan ang dila nito na halatang pinahirapan nang husto, isa pa’y lumabas na ang eyeball nito. Mga taong walang magawa. Napasabi na lamang sa kanyang isipan at napailing – iling na lamang. Sumuka na naman siya, dali – dali siyang pumasok sa kanilang apartment, napansin niyang may mga matang nakatingin sa kanya, kaya naman napalingon siya sa direksyon nito, ngunit, wala namang tao ang nandoon. Pumasok siya sa loob, kapag naalala niya iyon, hindi niya mapigilan ang sumuka. Bigla na lamang niyang naalala ng bata pa siya. Kung saan pinatay niya ang isang rabbit, dahil napag – utusan siya, isang bangungot na hindi niya malimutan, kapag naalala niya iyon nanginginig ang kalamnan at kamay niya. Calm down, Aya, Calm down, you’re a veterinarian now. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Pinapakalma niya ang kanyang kalamnan na nangangatog, isa sa dahilan na ayaw na niyang bumalik sa pamilya niya, dahil pagkatapos niya iyong gawin ay para siyang isang criminal na binabawian ang isang buhay. Mangiyak – ngiyak siya nang bata siya, kaya magbuhat ng pangyayaring iyon, hindi na niya iyon ginawa, kaya noong lumaki ang kapatid niya, hindi niya pinapayagan ang kapatid niyang babae na gawin ang pagkakamaling iyon. Alam niya ang trauma na dinaranas ni Aliya sa kamay ng magulang niya. Dahil hindi rin siya nakatatakas sa trauma ng pagkabata niya noon. Huminga na muna siya nang malalim, inulit ni Aya para mawala iyon sa kanyang isipan. I need to get ready. Napasabi sa kanyang isipan. Hindi pwedeng masira ang selebrasyon namin ngayon ni Aliya. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Dali – dali niyang tiningnan ang mga alaga nila at baka mapahamak pa ito ngayon. Nakita niyang natutulog naman ito nang mahimbing. Dadalhin niya ang mga alaga nila ngayon sa pagsundo niya kay Aliya mamaya – maya. Mabilis tumakbo ang oras, naghanda na siya at inabangan na niya si Aliya kung saan ito nag – aaral. Hindi naman siya masyadong natagalan sa pag – antay, nakita niya kaagad na lumabas na ang kanyang kapatid sa gate ng paaralan. Kinawayan niya lamang ito, napailing – iling pa ito sa kanya ngayon, kaya naman agad itong sumakay sa kotse. “Oh, dala – dala mo pa itong makukulit.” Napasabi na lamang ni Aliya nang mapansin nito na dala – dala niya ang mga alaga nila. “Of course.” Napatawa na lamang si Aya. “Oh by the way, dahil surprise.” Kinuha niya ang panyo noon at piniringan pa niya si Aliya. “Anong trip mo ngayon, ate Aya?” Napatawa na lamang ito sa ginagawa niya. “Wala ka na bang nakikita?” tanong pa niya. “Wala na po.” Sagot naman nito sa kanya. “It’s a surprise kaya kailangan mong naka – blind – fold ka.” Napasabi pa niya. “Okay, okay.” Napasabi pa nito at napatawa na lamang. “Pupunta na tayo.” Sabi pa niya at na excite na rin siya kung anong reaksyon ang makikita niya kay Aliya, napangiti na lamang si Aya noon habang nagmamaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD