“Ate, malapit na ba tayo?” napatawa namang tanong ni Aliya sa kanyang kapatid.
“Yes, malapit na tayo.” May halong excitement ang boses nito. Kaya naman hindi rin niya mapigilan ang kanyang sarili na makaramdam din ng excitement sa katawan niya.
“Nandito na tayo!” sabi pa nito na punong – puno ang kasabikan ang boses nito. Napatawa na lamang siya noon sabay napailing – iling. “Wait mag – p – park muna ako sagilit.”
Tumango na lamang siya. Huminto na rin ang kotse, nag – obserba lang siya sa kanyang paligid ngayon dahil wala siyang nakikita ngayon dahil nakapiring ang kanyang mga mata. May humawak sa kanyang palad.
“Dahan – dahan sa pagbaba.” Sabi naman nito. Si Aliya naman ay pakapa – kapa at nag – iingat sa kanyang kilos ngayon, naglalakad – lakad na sila ngayon.
“Close your eyes na muna.” Sabi pa nito.
Sinunod naman niya ang kanyang kapatid naramdaman niyang tinanggal na ng kanyang kapatid ang panyo. Nananatili pa rin siyang nakapikit.
“You can open your eyes na.” Masaya pa nitong sabi sa kanya.
Dahan – dahan naman niyang inimulat ang kanyang mata, sinalubong siya ng paligid na ngayon niya lamang niya nakita, kaya naman, inilibot niya ang kanyang paningin, malapit lang sila sa daanan at malawak ang espasyo na pwedeng maging parking lot.
Nakatingin lamang ang kanyang kapatid sa kanya na malapad ang ngiti, senenyasan pa siyang ilibot pa ang kanyang paningin. Napansin niyang nasa harap siya ng isang building, napakunot naman siya, may mahina siyang tawa na narinig na nanggaling kay Aya.
Tiningnan niya ang sign board nito, napakunot ang kanyang noo.
A.G. Veterinary Clinic. Basa naman ng kanyang isipan. Hindi kaagad naproseso sa kanyang isipan, at napatingin ulit sa Sign Board na nandoon.
A.G. Aya Grace? Napatanong niya. Nagulat siya nang bigla niyang maalala ang sinabi ng kanyang kapatid noon sa kanya na magkakaroon ito ng sariling Veterinary Clinic.
Napatingin siya sa kanyang kapatid.
“Ate? Sa iyo ito?” napatanong na lamang niya na hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwalang natupad ang pangarap nito.
Tumango ito sa kanya, may ipinakita pa itong isa plastic na nakasulat doon ang pangalan ng kanyang kapatid.
Registered Veterinarian? Napatanong naman niya.
“Ate, kailan lang?” tanong naman niya sa kanyang kaharap. Hindi niya alam at kung paano ito nakapamit ng kanyang kapatid ang lahat – lahat nang ito.
Napatawa pa ito sa kanya. “Nag – aaral na ako noong college sa Vet School, hindi ko sinabi sa iyo for surprise, noong kinuha kita nag – apprentice na ako noon at tuloy – tuloy rin ang schooling ko, and after a year, nagkaroon kami ng board exam at nakapasa naman ako.” Paliwanag pa nito sa kanya.
“And this place, pinaghirapan ko to noong nag – apprentice para maging ganap akong Veterinarian, lahat ng pagod ko napunta rito at ngayon, magkakaroon na ako ng sariling Vet Clinic.” Napasabi naman nito.
“Lahat ng ito, talagang tinago mo ito sa akin ha?” Sabi pa naman niya. “I’m so happy for you ate, may sarili ka na ring matatawag na clinic.” Sabi pa niya at binalingan ang kanyang kapatid.
Yinakap niya ito ngayon. “Na – surprise mo talaga ako. Kailan ang opening ng clinic mo para matulungan naman kita.”
Napatawa pa ito sa kanya. “Well, bago ko buksan officially, halika na muna sa loob.” Bigla na lamang siyang hinila ng kanyang kapatid papasok sa veterinary ng kanyang kapatid. Napatawa na lamang siya noon.
XXX
“Anong sa tingin mo Aliya?” tanong naman niya rito na nasa loob na silang dalawa. Kasama ang mga alaga nila ngayon.
“Napakalaki pala ng espasyo rito ate, saka, bakit hindi pa naka – display ang mga iyan?” turo pa nito sa mga kahon – kahong nakakalat na hindi pa nakalagay sa mga lagayan noon.
“I will arrange it bukas, saka, tutulungan mo naman ako hindi ba?” kinindatan pa niya ang kanyang kapatid noon.
“Of course, I will help you.” Napatawa pa ito sa kanya. Handa na rin ang gamot na nandoon, naka – display na rin ang kakailanganin niya kapag may mga patient na siyang mga hayop. Masaya na ang puso niya ngayon.
Napasyal pa sila kung saan I – confine ang mga hayop kapag madalian ang medikasyon nito. Sinadya niyang maging maaliwalas para naman maging komportable ang mga hayop at nag – aalalaga nito kapag napabisita ito sa kanyang clinic.
May storage room at kwarto kung saan sila magpapahingang magkakapatid kung hindi sila makauwi sa bahay.
“Kaya pala ang husay mong maglinis ng mga sugat noon sa alaga natin, kasi nag – aaral ka.” Napasabi pa ni Aliya sa kanya.
Ngumisi lang siya sa kanyang kapatid na babae na nasurpresa sa kanya ngayon.
“Kapag busy ako pwede ka namang pumunta rito anytime.” Napasabi pa ni Aya.
“Good ba, Aliya?” tanong naman niya.
“Oo ate, excited na rin akong makita kang manggamot at mag – alaga ng hayop.” Napasabi pa nito na masaya para sa kanya.
“Syempre, tutulungan mo rin ako rito.” Napasabi pa niya.
“Ate, hindi ako marunong manggamot ah, pero, matutulungan naman kitang mag -fix ng schedule mo kung sobrang busy mo.” Sabi pa nito sa kanya.
“Sis, salamat ha na nandirito ka.”
“Ako dapat yata magpasalamat sa iyo, dahil nakalaya ako sa impyernong kinasadlakan ko noon.”
Napangiti naman siya rito. “By the way sa lunes magkakaroon na muna tayo ng soft – opening sa clinic, tingnan natin ang masasabi ng iba, lalong – lalo na may mga bisita ako na mentor ko noon.” Napasabi na lamang niya.
Tumango lang ito sa kanya. “No problem!” sabi pa nito sa kanya at napatawa na lamang.
Biyernes naman ngayon, dito na sila matutulog magkakapatid. “Tulungan mo ako rito, ilagay na natin ito sa tamang lagayan.” Yaya pa nito sa kapatid niya. “Saka, nandoon pa silang Cloud, hindi ba? Ako na lang ang kukuha.” Sabi pa ni Aya at dali – daling lumabas.
Tinungo niya ang kotse at nandoon nga ang mga ito na tinitingnan.
“Halina kayo.” Yaya naman niya sa mga ito na kinakausap pa.
Tumahol naman ito sa kanya napatawa na lamang siya. Kinarga rin niya si Cloud ang alagang pusa ni Aliya nang lumipat sila sa apartment.
Naramdaman niyang may nakatingin na naman sa kanila. Mas nagulat pa siya dahil malakas na tumahol ang alaga nilang aso. Paglingon niya, wala namang taong nandoon, binalewala naman niya iyon.
“Halika na.” sabi niya sa kanyang aso na alaga.
“Bakit ate?” tanong naman ni Aliya sa kanya.
Umiling – iling na lamang siya. Kinuha ni Aliya si Cloud ang pusa nito, agad naman niyang isinarado ang pintuan. Tumatahol pa rin ito.
“Anong nangyari kay Blue?” tanong naman ni Aliya sa kanya.
“Ewan ko nga riyan, kanina pa iyan.” Napasabi na lamang ni Aya. “Blue, halika na rito.” Tawag niya.
Tinitingnan pa rin nito ang pintuan, ngunit, lumapit naman ito sa kanya. Binigyan na muna nila ng makakain ang kanilang alaga ngayon.
“Aliya, nagugutom ka ba?” tanong naman niya rito. “Kumain na muna tayo, may binili naman akong pagkain.” Yaya ni Aya kay Aliya.
“Sige Ate, mamaya tatapusin ko lang ito saglit.” Sabi pa nito na ngumiti sa kanya.
Napatango na lamang siya, napatingin na lamang siya sa kanyang naasam ngayon, na hindi umasa sa kanyang magulang.