Naging maayos ang opening ng Veterinary ng kanyang kapatid na si Aya, masaya naman si Aliya sa success nito, at marami – rami rin naman ang gustong subukan ang bagong clinic ng kapatid niya.
Kaya naman, mas nakatutok pa siya sa mga hayop, kaysa sa mga taong kagaya niya. Pipiliin pa niyang alagaan, makasama, ang mga hayop kaysa naman sa mga taong ipagkalulong kapag pinagsawaan ng panahon.
Nag – iba na rin ang takbo ng buhay niya, madalang na rin siyang nakakauwi sa kanilang apartment, kapag maramihan din ang kliyente at nag p – pa – admit sa kanila, siya ang nagbabantay at nag – aalalaga rito kapag umaalis si Aya.
Nang malaman iyon ng kanilang magulang, dinalaw sila noon, ngunit, hindi hinarap ng kanyang kapatid ang magulang kaya naman pinagbabantaan na naman sila nito.
Natakot siya sa pagbabanta, ngunit, nilabanan iyon ng kanyang kapatid. Tapos na rin naman ang klase niya, dumidilim – dilim na rin at naiwan pa ang kanilang alagang hayop na nandoon sa clinic.
Nag – text ang kanyang kapatid ngayon na matatagalan siya sa pag – uwi, dahil may aasikasuhin na muna ito. Patungo na rin siya sa clinic, nagpapasalamat siyang walking distance rin ito sa kaniyang paaralan.
Napakunot na lamang ang noo ni Aliya nang bahagyang nakabukas ang pintuan.
Nakalimutan ba ni ate na ma – lock ang pinto? Napatanong na lamang sa kanyang isipan. Dali – dali naman niyang tinahak ang daanan malapit sa parking area. Bawat hakbang niya bumibigat ang kanyang pakiramdam. Tila bang hinihila siya papalayo sa pintuan na kaharap niya ngayon.
Dumaklot ang kaba niya, dahil napakadilim ng paligid, sinasabi ng isipan niyang huwag tumuloy.
No, nandoon ang mga alaga ko. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Nilabanan niya ang takot na namayani sa dibdib niya. Bawat paghakbang niya bumibigat nang bumibigat ang pakiramdam niya ngayon.
Bahagyang nakabukas ang pintuan, sinalubong siya ng isang masangsang na amoy.
Amoy dugo? Napatanong sa kanyang isipan. Dali – dali niyang kinapa ang switch na malapit sa pintuan. Napapikit pa siyang sumalubong ang liwanag sa paningin niya, kaagad siyang napailing – iling.
Tumambad sa kanyang paningin ang mga dugong nagkalat, nanginig ang buo niyang katawan sa nasaksihan. Wala siyang ingay na naririnig na mga hayop. Pumunta siya sa mga kulungan na kung saan naka – admit ang mga maysakit na alaga ng kanilang kliyente.
Napasinghap siya sa kanyang nasaksihan, sumalubong ang mga masangsang na amoy, mga lamang – loob nito ay nagkalat, hindi siya makasigaw, nanginig ang kanyang buong katawan. Narinig niya ang mahinang tahol ng aso.
Si Blue, Si Cloud? Nasaan? Nasaan? Napatanong sa kanyang isipan.
Napatingin siya sa gilid niya nakita niya si Blue ang kanyang aso na nakahiga at naliligo sa sariling dugo, humihingal ito nakita niya ang malaking sugat na halos lumabas na ang bituka nito, nakita niya ang ibang alaga niya ngunit, hindi niya makita si Cloud. Naglalaban ang emosyon ni Aliya ngayon, hindi niya alam kung anong gagawin niya.
Si Ate, Si Ate Aya. Kailangang matawagan ko siya. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Nanginginig ang kamay niya, halos mahulog ang phone niya sa kaharap niya. Tumutulo na rin ang kanyang luha sa nasaksihan niya ngayon.
Hinanap niya ang number ng kanyang kapatid.
Calm down, Aliya. Calm down. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. May narinig siyang yabag papunta sa kanyang direksyon.
Narinig niya si Blue na galit ang tahol nito kahit pa man sobrang nasaktan nito. May bigla na lamang palakol na tumama kay Blue sa bungo nito, napasigaw na lamang siya nasaksihan.
Agad niyang tiningnan kung sino ito, may dala – dala itong ulo ng mga alaga nila at mga pasyente na nadamay rito. Nasusuka na siya sa kanyang nakita ngayon, nakatakip ang mukha nito na may dala – dalang mahabang pang – katay binato ito kahit saan.
Nag – r – ring pa rin ang tinatawagan niya. Nahihilo siya sa amoy nito. Kailangan niyang humihingi nang tulong. Ang kanyang uniporme ay napupuno ng dugo dahil kay Blue. Napapaiyak na lamang siya.
Diretso siya sa exit ng building, nakasunod pa rin ito sa kanya.
Ate, sumagot ka. Napasabi sa kanyang isipan. Nakailang dial siya ngunit, hindi pa rin sumasagot ang kapatid niya. Naisipan niyang tumawag sa emergency sa hotline ng kapulisan.
Kumalma siya nang may sumagot, nang papalabas siya sa exit, naabutan siya nito, marahas siyang hinila kaya nalaglag ang phone niya. Lumaban si Aliya, hindi siya pwedeng mamatay at bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ng mga hayop na walang kinalaman.
Wala siyang maisip na dahilan kung bakit kailangang gawin iyon sa kanila.
“Hindi ka makakatakas! Mamamatay ka rito!” iyon lang ang narinig niya sa lalaking nakatabon ang mukha.
Hinatak siya nito, alam niyang sasaksakin siya sa hawak – hawak nitong kutsilyo sa kamay nito. Pinipigilan siyang gumalaw nito. Lumaban siya sa makakaya niya nang may naramdaman siyang isang matulis na bagay sa kanyang tagiliran.
Napapikit siya sa sakit, marahas niyang hinila ang nakatago nitong mukha. May nakita siyang bite mark sa leeg, sa kamay at kalmot ng mga pusa. Nagulat siya kung sino ang salarin.
Sa huling pagkakataon, kahit nanginginig ang kamay niya, in – on niya ang video recording at tinapat sa mukha nito.
Naramdaman niyang mababawian na siya nang buhay, nakita niya si Cloud na nagtatago, sinenyasan niya itong huwag maingay, takot na takot ito na nakatayo ang balahibo. Sinasaksak siya nang maraming beses. Itinapon nito ang phone niya.
Cloud, magtago ka. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Bumibigat ang pakiramdam niya ngayon, nawawalan na siya ng dugo sa katawan dahil alam niyang naliligo siya sa kanyang sariling dugo. Kilala niya kung sino ang may sala.
A – Ate A – Aya. Pumikit ang talukap sa kanyang mga mata at naging tahimik ang paligid ni Aliya.
XXX
Hindi na niya matawagan ang kanyang kapatid, naka – silent ang phone ni Aya dahil may meeting silang mga veterinarian noon, nabigla na lamang siya na pagtingin niya sa kanyang phone ay marami na itong missed calls.
Dali – dali siyang umalis at hindi na nagpaalam dahil baka kung anong nangyari sa kanyang kapatid na babae. Habang nasa byahe siya hindi na niya ma- contact ito, kinakabahan siya ngayon.
Calm down Aya, baka abala lang ang bata. Napasabi sa kanyang isipan, habang nagmamaneho siya patungo sa veterinary clinic niya. Malapit na siyang makarating, hindi pa siya nakaparada ng sasakyan, may mga taong nag – uumpukan sa clinic niya at may mga kapulisan na nandoon.
Agad siyang bumaba nang nakarating na siya, takbo – lakad ang kanyang ginawa. Hindi siya makaraan dahil sa mga taong nakipag – osyoso noon.
Anong nangyayari? Napatanong na lamang sa kanyang isipan noon.
“Ikaw ba ay si Aya Grace Castro?” tanong naman ng isang pulis sa kanya.
Kahit litong – lito ang isipan niya sinagot niya ang katanungan nito. “Opo, a – anong nangyari sa loob?” tanong naman niya matapos niyang sagutin ang katanungan nito.
Walang paglagyan ang kaba niya ngayon, ang takot niya ngayon, nasulyapan niyang maraming mga dugo ang nakakalat sa loob.
Hindi niya inantay ang paliwanag ng kapulisan, agad siyang pumasok sa kanyang clinic. Bumungad kaagad sa kanya ang mga dugong nakakalat, mga balahibo ng mga alaga ng kliyente niya. Naglakad – lakad siya noon na halos takasan siya nang pag – iisip.
Biglang siyang nabingi kahit napaka – ingay ng paligid niya, nakita niya si Blue naliligo sa sariling dugo, wala ng buhay, wasak ang bungo na lumabas ang utak nito. Napahawak siya sa kanyang bibig, sa mga alagang parang nakapako sa krus nakakalunos ang mga mukha nito, siya ang nasasaktan, bigla na lamang bumalisbis sa pisngi niya ang kanyang luha.
Hindi siya makahinga, masakit napakasakit nang nasaksihan niya.
Aliya, nasaan si Aliya? Bigla siyang naalarma dahil hindi niya nakita ang kanyang kapatid na babae.
“Miss bawal ka rito.” Iyon lang ang sabi ng pulis sa kanya.
Napatitig naman siya. “May nakita ba kayong dalaga rito, iyong kapatid kong babae?” napatanong na lamang niya na pinipigilan ang pagpatak ng kanyang luha, sasabog na ang pakiramdam niya ngayon.
Nagtinginan naman ang mga nandoon. Iwinaksi niya ang nakahawak sa kanya, pumunta siya sa exit nakita niya ring pinapatay talaga nito ang lahat ng alagang nandoon sa kanilang pangangalaga. Nanginginig ang kalamnan niya.
“Wala kaming nakitang tao rito, pero, sa exit may nakita kaming isang braso.” Napasabi na lamang nito sa kanya.
“Braso?” napatanong na lamang niya. Mas lalo siyang kinabahan.
May narinig siyang isang kaluskos na nanggaling sa locker, dali – daling tiningnan ito ng kapulisan, isang pusa.
“Cloud, cloud.” Tawag niya rito, nakita niya sa mukha ang takot at alam niyang mangangalmot ito kapag linapitan, ang stress nitong anyo, at balahibong nakatayo, alam niyang may nasaksihan ito.
Kinuha niya ang pusa, takot na takot ito, kaya pilit niyang pinapakalma ito ngayon.
“Miss.” Tawag sa kanya.
Nakita niya ang isang braso noon, halos tumigil ang oras sa nakita niya, pinakawalan na muna niya si Cloud, lumapit siya rito.
Kahit itanggi sa kanyang isipan ang nakita niya, alam niyang kay Aliya ang brasong pinapakita sa kanya. Mawawalan na siya ng ulirat, inabot niya ang palad nito.
May nakita siyang uniporme, kinilala niya ito, uniporme ito ni Aliya. Hindi niya napigilan ang sarili niyang mag – iiyak, walang katawang nahanap noon sa pinangyarihan, tanging ang malamig na braso lamang ang natira nito at mga nagkalat na mga gamit at hayop lang.
Magbabayad kayo! Magbabayad kayo sa ginawa ninyo sa kapatid ko! Isinigaw niya ang lahat – lahat ng sakit na naramdaman niya ngayon. Kay bigat ng pakiramdam niya na mawalan siya ng kapatid at mga alaga.
“Aliya!” Tanging palahaw niya lamang niya, niyakap niya ang brasong naiwan nito, wala siyang alam kung paano niya mahahanap ang katawan ng kapatid niyang babae.
Napakasakit ng gabing iyon ni Aya na halos mababaliw siya sa mabilis na pangyayari.