FOUR

1630 Words
Nagising bigla si Aliya sa isang panaginip, ngunit, noong nagkamalay siya nakalimutan niya kung ano ang kanyang napaginipan. Bumibigat ang ulo niya, at para bang nag – aalsa – balutan ang kanyang memorya sa kanyang isipan, ngunit, parang may isang nakaharang rito. Tiningnan niya ang kanyang kamay, ang kanyang anyo, tantiya niya’y nakasoot siya ng puting damit, wala siyang sapin sa paa, napakamaaliwalas ng kanyang paligid na napipinturahan ng puti ang silid niya. “Gising ka na pala.” Napabaling siya kung saan niya narinig ang boses, isang lalaking tantiya ay kaedaran niya, may dala – dala itong mahabang stick, nakasoot ito ng puting damit at nakasoot ito ng lumang sandalayas sa paa nito. “Nasaan ako?” tanging napatanong na lamang niya. “Patay ka na.” hindi sinagot nito ang kanyang katanungan. Nilampasan siya nito. Prinoseso niya ang sinabi ng kanyang kaharap. Tiningnan niya ang palad niya at nakita nga niyang wala na siya sa kanyang katawan, isa na siyang kaluluwa. Sinundan niya ng tingin ang lalaking kausap niya kanina. Hinawakan nito ang pader ng kanyang kwarto, nabuo nito ang isang pintuan at lumabas. Tiningnan siya nito na waring nagsasabing sumunod siya rito. Dali – dali siyang lumabas, paglabas niya, biglang nawala ang silid kung saan siya natutulog kanina. Naglalakad sila sa kawalan, sa mahabang daanan na walang katapusan, nakasunod lang siya rito, may ilaw itong dala – dala. “Hindi mo ba naalala ang pagkatao mo?” tanong naman nito sa kanya na nilingon siya. Seryoso ang mukha nito, halatang hindi mahilig magbiro. Tanging iling lamang ang kanyang nasagot. “Hindi mo ba naalala ang pangalan mo?” tanong naman nito sa kanya. May mga tinig siyang naririnig na tila bumubulong sa kanya. Tinakpan niya lamang ang kanyang tenga dahil nabibingi siya. “A –” napahinto siya at napalunok. “Aliya ang pangalan ko.” Tanging nasabi niya noon. May bigla na lamang siyang mga larawan na kanyang nakikita ngunit, hindi malinaw, sumisikip ang paghinga niya, kaya napahinto siya sa paglalakad. Binalingan na lamang siya ng kanyang kasama, nakatingin lang itong walang imik sa kanya, pinakalma niya ang kanyang isipan, para makahinga siya nang maluwag. Hanggang sa unti – unti itong nawawala. “Pasensya na.” Paghihingi niya ng pasensya sa kasama niya. Naglakad lang ito na parang walang nangyari sa kanya. Hindi niya alam kung gaano na kahaba ang linakad nilang dalawa, hindi siya nakaramdam ng pagod, hindi niya rin alam kung saan na sila dahil nasa kawalan silang naglalakad sa mahabang daang walang katapusan. Maya – maya’y sumasalubong sa kanila ang maliit na liwanag, sinundan nila iyon, at nakarating na sila at siya naman napapikit na lamang sa pagsalubong ng nakasisilaw na liwanag, kaya naman napatakip ang braso niya sa kanyang mga mata. Nang maramdaman niyang wala na ang nakasisilaw na liwanag, binuka niya nang dahan – dahan ang kanyang mata, tumambad sa kanya ang ibang kasama nitong nakasoot ng puting damit, mapalalaki at mapababae. May kung anong sumalubong sa kanila at ang iba nama’y napaluhod pa sa isang liwanag na hindi niya kayang tingnan, ngunit napapakalma ang kanyang isipan at wari mainit ito na hindi nakasusunog sa balat ng isang tao. “Ama naming Hari.” Nagulat pa siya sa sabay – sabay nitong sabi sa mga ito. Hindi niya alam kung magbibigay – galang ba siya o kaya’y mananatili siyang nakatayo na parang bato? Napalunok na lamang si Aliya noon. “Ilahad mo ang pangyayari, Isaac.” Kalma nitong pagkakasabi. Tumayo naman ang kasama niya, may dala – dala itong isa papel na pinaglumaan na ng panahon. Namangha naman si Aliya. Nandito ba ako para husgahan ang buhay ko noon? Napatanong na lamang sa kanyang isipan, na siyang hindi pa rin niya maproseso ang nangyayari. XXX Dalawang linggo na ang nakaraan nang mangyari ang trahedyang iyon, hanggang ngayon, bangungot pa ring maituturing ni Aya, isinarado na muna niya ang kanyang clinic, maraming nag – file ng complaints sa mga alagang nadamay sa nangyari, alam niyang responsibilidad niya ang nangyaring iyon, wala pa rin siyang naririnig sa kaso ng kanyang kapatid. Nakahiga ngayon si Aya, wala siyang ganang bumangon, yakap – yakap pa rin niya si Cloud, ang tanging alaala niya sa kanyang kapatid na babae na hindi niya alam kung saan niya hahanapin ang katawan nito. Nasa kustodiya pa rin ng kapulisan ang braso ni Aliya dahil ito ang magiging lead sa kapulisan, ngunit, nababagot na siya, wala pa rin siyang naririnig. Paano ba siya magdadalamhati kung wala siyang nakitang katawan ni Aliya. Ayon sa kapulisan, sa exit ng kanilang clinic, hindi iyon napapabilang sa dugo ng hayop, kundi, tao ang nagmamay – ari, nakompirma nga na ang nagmamay – ari nito ay ang kanyang kapatid dahil sa DNA Test nito. Napabuntong – hininga siya tiningnan niya si Cloud, walang gabing hindi siya umiiyak sa nangyari. Kung nagmadali ba akong nakauwi noon, maliligtas ko kaya silang lahat? Napatanong sa kanyang isipan. Aya, huwag kang tumunganga rito, you need to do something! Utos ng kanyang isipan. Ngunit, nag – uunahan ang isipan niya sa mga katanungan, kung saan siya maghahanap, sino ang mga taong nasa krimen ng trahedyang iyon. Napabangon siya bigla at napaisip. Baka silang Mom and Dad? Napatanong na lamang sa kanyang isipan. Hindi niya basta – bastang mapakulong ang magulang niya dahil lang sa hinala niya,she needs proof and evidence sa mga bintang niya. Bigla na lamang tumunog ang phone niya, tiningnan niya kung sinong tumawag sa kanya, isa sa mga police na nag – aasikaso sa kaso ng kanyang kapatid. Sinagot niya ito, nagbabakasakali siyang may lead na ito sa nangyari ng kanyang kapatid. “Hello.” Sagot ni Aya sa tawag. “Miss Aya Grace Castro, inaanyayahan po namin kayong pumunta rito, dahil may pag – uusapan po rito sa opisina, tungkol sa kapatid mo.” Napakunot naman ang kanyang noo. Hindi siya pwedeng humindi, baka nga may nahanap na nga ito. “Okay po.” Tanging sagot na lamang niya. Dali – dali siyang nagbihis, sinama niya si Cloud, ayaw na niya itong iwanan at baka anong mangyari rito. Nadaanan niya ang kanyang clinic patungo sa kapulisan, sumasakit pa rin ang dibdib niya, inaasikaso rin ng kanyang abogado ang mga nagsampa sa kanya ng kaso, dahil sa mga hayop na nandoon. Maraming mga maling impormasyon ang lumabas at nalamang anak siya ng isang scientist na nagpa – practice ng pang – aabuso ng mga hayop, kailanman hindi niya iyon ginawa pagkatapos ng pagkakamali nang bata pa siya. Kailangan niyang harapin, para rin sa kanyang kapatid, hahanapin at hahanapin niya kung sino ang nasa likod ng pangyayaring siya ang nagdurusa. Aliya, maaayos ko ito, huwag kang mag – aalala. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Nakarating na siya sa opisina, hinarap naman siya sa pulis na tumawag sa kanya. Nandito sila sa confinement room may laptop ito sa harapan. “Bawal ba ang hayop rito?” napatanong na lamang niya sa mga ito. “Go on, its okay.” Sabi pa nito sa kanya. Nilagay niya si Cloud sa tabi niya, sinisigurado niyang tahimik ito at hindi manggugulo. “May nahanap ba kayo?” matipid niyang tanong. May ipinakita siyang isang phone, napakunot na lamang ang kanyang noo. “Kilala mo kung sinong nagmamay – ari nito?” tanong naman sa kanya. “Kay Aliya, sa kanya iyan.” Tanging nasagot niya. “Nakita namin iyan sa crime scene malapit sa exit na kung saan doon pinatay si Aliya.” Sabi nito. “May nakalap ba kayong ebedinsya sa phone niya?” kalmang tanong ni Aya sa mga ito. Sinenyasan nito ang kasamahan, may projector ito, nakita niya ang isang video, kung saan, isang lalaking naka – soot ng mask. “Mamatay ka na, mamatay ka na!” paulit – ulit sabi ng lalaki. Nanlaki ang kanyang mata sa nakita, napatitig siya sa screen nito at napabaling sa mga kapulisan. “B – Bakit mo i—ito gina --- gawa?” tanging tanong lamang ng kanyang kapatid na nag – aagaw buhay. Napakuyom si Aya, napansin niyang galit na galit si Cloud habang nakatingin ito sa screen, gusto nitong manakmal ngayon, ang kalmadong si Cloud na kilala niya ay ibang – iba ito umasta. Cloud? Napatanong sa kanyang isipan. Rinig na rinig ni Aya ang huling hininga ng kanyang kapatid. Isa pa’y natanggal ang mask nito, ngunit, hindi klaro ang mukha, dahil walang ilaw ang nandoon, ngunit, may nakita siyang mga sugat. “May lead nga tayo, ang suspek sa krimen ay may kagat ng hayop o aso at mga kalmot na galing kay Aliya.” Paliwanag naman sa kanya rito. “May nakita kaming hindi match sa DNA ni Aliya at sa mga hayop na nandoon, may sugat ang suspek natin.” “Kung mapapansin mong may tattoo siya sa may tenga.” Napasabi naman nito. “Mukhang kilala ni Aliya ang suspek.” Napatingin naman ito sa kanya. “May hint ka ba na malapit kay Aliya o kaya’y sa inyo, o kaya’y galit sa inyong magkakapatid?” napatanong na lamang nito sa kanya. Nag – iisip naman si Aya, napatda siya nang akyatin ni Cloud ang screen at kinalmot - kalmot nito, kaya naman dali – dali niyang kinuha si Cloud. Hindi niya alam kung masasagot ba niya ang katanungan ng kapulisan. “Pwede po ba ninyong makahingi ng kopya sa video? Kapag may lead akong tao, ire – report ko po sa inyo.” Napatanong na lamang niya. Tumango ito. “Don’t be so reckless, hindi natin alam baka ikaw ang isunod.” Babala naman ng pulis sa kanya. Tumango siya, pinakalma niya si Cloud noon. Ngayon, may lead na siya, pero, hindi pa rin niya alam kung sino ang suspek. Magulo pa rin ang isipan ni Aya na umuwi sa apartment niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD