Kitang – kita sa mukha ng kanilang bagong napabilang bilang taga – bantay na si Aliya ang pagkalito pa rin at napapatingin pa ito sa isang orasan na hawak – hawak nito, napakunot pa ang noo habang tinitingnan ang orasan. “Magagamit mo iyan, Aliya, kung kailan, saan, mo makikita ang gagabayan ang bagong kaluluwa nito.” Paliwanag naman niya rito. Tiningnan niya ang orasan nito, alam niyang may misyon kaagad itong binigay ang kanilang Amang Hari kay Aliya. Bago kay Isaac ang isang taga – bantay na walang alaalang nakabinbin kung paano ito namatay sa katauhan nito. Kinumpas niya ang kanyang kamay, siya na muna ang magsisilbing kasama nito ngayon. Nasa underground sila ngayon, kung saan maraming namamatay na mga hayop rito. “Anong ginagawa natin rito?” tanging tanong ni Aliya sa kanya. Tin

