Inaral ni Aya ang video na nakuhanan ng kanyang kapatid nang gabing iyon, napapakamot siya, dahil masyadong madilim at hindi niya aninag ang nangyayari, pero isa lang ang nasa kanyang isipan, ito ang pumatay sa kanyang kapatid. Napapabuntong – hininga siya, nakita nga niya na may bite marks ito sa leeg, may isa rin itong tattoo malapit sa tainga. Pinag – aralan niya ang tattoo na nakita niya, napapaisip naman siya. Kahit saang anggulo tingnan ni Aya, hindi pa rin niya iyon pamilyar. Isinarado na muna niya ang kanyang laptop, nahihilo na rin siya, dahil hindi sapat itong ebedensiya, hinilot niya ang kanyang sentedo, tiningnan niya si Cloud na nagkakaroon ng pagpapakitang pagiging agresibo nito kapag nakita ang video na tinitingnan niya ngayon. Hinipo niya si Cloud para kumalma ito, at ni

