Nakipagkita ngayon si Aya sa kanyang bagong Attorney ngayon, kahit man nanalo at naabsuwelto ang kaso na tungkol sa kanyang clinic, ay isinaayos na muna niya sa kanyang kapatid. Nakatingin na lamang siya sa mataas na building na kanyang kaharap ngayon.
Napapabuntong – hininga na lamang siya, bago siya tumuloy at makipagkita sa kanyang bagong attorney na ibinigay sa kanya.
Kumalma ka Aya. Napasabi na lamang sa kanyang isipan noon. Gusto na munang makipag – usap sa kanya ang bagong attorney na hahawak sa kaso ng kanyang kapatid kapag nagkademandahan na kung sino ang magiging salarin sa pagkamatay ni Aliya.
Tinunton kaagad niya ito, tiningnan niya ang lugar kung saan sila magkikita. Sinunod niya ang instruksyon na sinabi nito. May nasalubong sa kanyang tingin, at napatitig sa kanya. Ngumiti ito sa kanya noon.
“You’re Miss Aya Grace Bartolome – Castro, if I’m not mistaken?” Napatanong naman nito sa kanya.
Tanging tango na lamang ang kanyang isinagot. “I’m Justine Zach Madrigal.” Pagpapakilala naman nito sa kanya na inabot ang kamay nito para makipag – shake – hands.
Inabot naman niya ang kanyang kamay. Ngumiti ito sa kanya. Siguro’y napansin nito na hindi pa siya komportable sa taong kanyang kaharap ngayon.
“Take a seat.” Yaya pa nito sa kanya.
Tumango na lamang siya. Inilibot ni Aya ang kanyang paningin noon. Napansin niya ang kanyang bagong attorney, tantiya niya’y matanda ito ng ilang taon sa kanya, ngunit, hindi napaghahalataan dahil sa magandang tindig at mukha nito.
May dala – dala pa itong mga dokumento. Isinoot pa nito ang reading glass nito. Kung kagaya lang siya sa ibang babae’y mapatitig siya nito na hindi kumukurap.
“You’re a little bit anxious, just calm down.” Sabi pa nito sa kanya.
“Pasensya na.” tanging paghihingi niya nang paumanhin rito.
“I see. Sinabi na sa akin ni Mr. Agoncillo about your case na kinaharap mo noong isang buwan about your veterinary clinic, but, because of the other circumstances nanalo ka at kakaunting damyos lang ang binayaran mo, hindi ba?” Tanong pa nito sa kanya, nakatingin lang ito sa mga dokumento na may binabasa.
Tumango lang siya noon bilang pagsang – ayon, saka’y bukas na ulit ang kanyang clinic ngayon. Alam niyang maraming mga matang naka – antabay sa kanya, iniiwasan pa rin siya.
“I heard your sister named Aliya is missing until now, only her right arms found?” Nakita pa nitong napakunot ang noo.
“Yes po, until now nandoon pa rin po sa kapulisan ang – ang –” hindi niya matuloy – tuloy ang kanyang sasabihin.
“It’s okay, I understand. Hanggang ngayon, hindi pa rin mahanap ng mga kapulisan ang gumawa nang ganoong krimen, inilipat ka sa akin ni Mr. Agoncillo para sumangguni sa akin.” napasabi pa nito sa kanya.
Tumango si Aya, ang sabi’y isa ito sa pinakamahusay na abogado ang kanyang kaharap ngayon. Tiningnan lang siya nang mataman.
“Don’t worry, I just do my best to serve justice to your sister, just cooperate to police, saka, if they need me, here’s my contact number incase if you need it.” May ibinigay pa itong card na nakalagay ang pangalan at contact number nito.
“Maraming salamat po.” Pagpapasalamat na lamang niya noon.
Tumango ito sa kanya. “If you have some questions for further question, you can ask me anytime, okay?” Tanong pa nito at ngumiti.
Tinapik lang siya noon. Napabuntong – hininga na lamang siya. Ang tanging magagawa lang ng isang abogado ay protektahan ang privacy and personal documents niya at some other matter, kailangan pa rin niyang makipagtulungan sa kapulisan.
Ngunit, nauubos na ang kanyang oras kapag hindi rin siya kikilos ngayon.
“If you have no other questions, I will go now, may isa pa akong kliyente ngayon.” sabi pa nito sa kanya.
Tanging tango na lamang ang kanyang nagawa. Umalis na ang abogadong kanyang kausap, siya nama’y naiwan doon.
XXX
Pinagmasdan ni Aliya ang unti – unting pagkawala ng buhay sa naninirahan ng karagatan. Nasilayan niya si Tiara, may tinitingnan ito at may iniisip. Napansin niyang may lumapit sa kanyang mga nilalang sa karagatan.
Bakit ganoon ang mga tao? Narinig niyang tanong, malungkot na tinig at tiningnan ang mga taong kagagawan ng pagpatay sa kasama niya ngayon.
“Halina kayo?” tanging nasabi na lamang niya.
Sinisira nila ang karagatan. Napasabi pa nito.
Tiningnan niya si Tiara, galit itong tiningnan ang mga tao.
“Balang araw kayo naman ang iiyak at magmamakaawa, balang araw kayo naman ang magdurusa sa kaparusahang ginagawa ninyo sa kalikasan na nagpoprotekta sa inyo.” Rinig niyang sabi ni Tiara noon.
Nasalubong niya ang tingin ni Tiara. May nakita siyang mga larawan na ‘singbilis ng kidlat. Pinikit niya ang kanyang mga mata, hindi niya mahagilap kung ano ang mga larawang nakikita niya ngayon.
Isang babae? Duguan? Humihingi ng tulong? Napasabi na lamang sa kanyang isipan, hindi niya maaninag dahil malabo ang larawan na iyon, bigla na lamang sumakit ang ulo niya, kaya napapikit siya.
Sa huling pagkakataon, nakita niya si Tiara, naghihingalo, inilibing ito sa isang liblib na lugar. Napapitlag siya noon, winaksi niya ang kanyang iniisip.
Napatingin ulit siya ni Tiara, ngunit, dinedma lang siya noon, bigla itong naglaho kaagad. Kailangan na rin niyang umalis at ihatid ang sinundo niya.
Matapos niyang maihatid ito, bumalik kaagad siya, tahimik siyang nakaupo at ang isipan naman niya’y walang tigil sa paghahalungkat ng kanyang aalala, subalit, kapag pinipilit niya ang kanyang sarili’y na alalahanin iyon, sumasakit ang sentido niya.
Napabuntong – hininga na lamang siya noon.
Namatay ba si Tiara sa nakulunos na pangyayari? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
Nabigla na lamang siyang may tumapik sa kanyang likuran.
“Nagulat ba kita?” Tanong naman ni Daniel sa kanya.
Napatitig na lamang siya, tumabi ito sa kanya. Hindi siya nagsalita. Bigla itong ngumiti sa kanya. Tinitigan niya ang mga mata nito.
Nabigla na lamang siyang tila hinigop siya sa mga alaala nito. Napasinghap pa siya noon.
“Ayos ka lang, Aliya?” Tanong pa nito sa kanya na nag – aalala at nabibigla sa kanyang kinikilos.
“Daniel, p – paano ka pala n—namatay?” Tanong pa niya.
Napatitig pa ito sa kanya. “Pasensya na, kalimutan mo na lamang ang katanungan ko.” Napailing – iling na lamang siya.
“Kailangan mo munang magpahinga. Iwan na muna kita rito.” sabi pa nito sa kanya, ngumiti lang ito sa kanya.
Tumango na lamang siya. Nais niyang magtanong, ngunit, pinipigilan na muna niya ang sarili niya.
Baka’y nakikita rin nila kung paano ako pumanaw? Napatanong na lamang sa kanyang makulit na isipan.
Napabuntong – hininga siya ulit, pinagmasdan niya muna ang tahimik na paligid. Hindi kagaya sa mundo ng mga taong maingay at magulong paligid.
Bigla – bigla na lamang niyang pumapasok sa kanyang isipan ang taong tumutulong sa mga hayop. Bigla siyang naging kyuryos sa buhay nito.
Wala naman sigurong masama kung pupunta at magmamasid ako, hindi ba? Napapatanong na lamang sa kanyang isipan.
Tumayo siya, ikinumpas niya ang kamay niya, nakita niya kaagad ang pintuang papunta sa mundo ng mga tao. Ang nakakatuwa pa’y kung saan ng kanyang isipan siya pupunta, dinadala siya kaagad nito.
Napansin niyang nakarating kaagad siya sa isang clinic, nakikita niya ang mga isinagip nitong nanggaling sa laboratory. Ang aso na pinangalanang black ay nandoon at naging malusog naman.
Tahimik naman ang clinic ngayon, hindi niya nakita ang babaeng manggagamot. Nakakabinging katahimikan ang nandoon. Hindi niya alam kung bakit kalmado ang isipan niya kapag nandirito siya.
Inilibot niya ang kanyang paningin, bigla – bigla na lamang bumukas ang pintuan ng clinic, nakita niya ang babaeng manggagamot na dala – dala ang isang pusa noon.
Nakikita ba nila kami? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
Pinagmasdan na lamang nito kung ano ang ginagawa ng babae, naupo na muna ito at malalim ang iniisip. Napabuntong – hininga pa ito at nag – check sa mga pasyente nitong hayop.
Nakita niya kung paano ito mag – alaga ng mga hayop. Ginugulo na naman siya ng kanyang makulit na isipan ngayon, nakikita niya ang babaeng manggagamot na may inaalagaang mga hayop noong sa kabataan nito.
Bigla na lamang nagwala ang kanyang alarma kaya naman nagulat siya’t napatalon, hindi niya muna ninais na umalis ngunit, kailangan na muna niyang puntahan ang lugar kung saan may susunduin siya.