Mag – isang naglalakad si Isaac, hinahanap niya ang kanyang mga kaklase, dahil nga fieldtrip nila ngayong mag – aaral bilang isang senior high school students, kahit man, ayaw niyang pumunta, kailangan niyang pilitin, dahil iyon ang kagustuhan ng taong nagpapa – aral sa kanya.
Babalik na sana siya sa bus at doon na lamang siya mag – aantay ng kanyang mga kasamahan, dahil uuwi rin naman sila pagkatapos, naglalakad siya nang tahimik, nakatingin siya sa kanyang phone noon. Napansin niyang may huminto ng sasakyan sa kanyang harap, nabigla naman siya at napatitig na lamang sa sasakyan.
Nagsasabi at nagbabala ang kanyang sistema na kailangan niyang makalayo kaagad. Kaya naman, binilisan niya ang kanyang paglalakad, hinanap niya ang bus na kanilang sasakyan. Nakahinga naman siya nang malalim nang makita niya ang bus na kanilang sasakyan papauwi.
Kaagad siyang sumakay, wala pa namang tao at pinasakay naman siya ng driver noon. Nakaupo siya sa pinakahuling upuan ng bus noon.
Napapabuntong – hininga na lamang siya, tiningnan niya ang oras sa kanyang phone, naramdaman na lamang niyang may taong nakatayo sa kanyang harap, kaya naman, tiningnan niya ito, nakita niya ang bus driver.
“P – Pasensya na hijo.” Paghihingi ng pasensya nito sa kanya na hindi naman niya kaagad naintindihan kung bakit humingi ito ng pasensya sa kanya.
Nanginginig ang kamay nito. Napansin niyang may hawak – hawak itong baril, hindi makapangusap at mabuka ang bibig ni Isaac dahil sa gulat, tanging tingin na lamang ang kanyang nagawa.
Umalingawngaw ang putok ng baril, hinipo niya ang kanyang noo, pumapatak ang pulang likido, nanginginig ang kanyang kamay.
“Pasensya na, pasensya na, kailangan ko itong gawin para sa pamilya ko. Pasensya na.” tanging naririnig na lamang niyang paghihingi ng pasensya sa kanya. Nagiging mabigat ang kanyang paghinga noon.
May narinig ulit siyang putok ng baril na tumama sa kanyang puso, nabitawan niya ang kanyang phone na hawak – hawak.
Hindi man lang ako nakapagpaalam. Napasabi na lamang sa kanyang isipan sa kanyang huling hininga.
Hindi maiwasan ni Isaac na hipuin ang noo at dibdib niya kapag naalala niya ang kanyang pagkamatay noon. Nandito siya sa bus kung saan siya binawian ng buhay.
Ang tanging alaala niya noo’y hindi alam ng kanyang kapatid na siya’y namatay, dahil, inilibing siya sa isang liblib na lugar noon. Nagtataka lang siya kung bakit siya pinaslang at sino ang nag – utos nito para paslangin siya.
“Nandito ka lang pala.” May narinig siyang boses, kaya nama’y napalingon siya, tumambad sa kanyang paningin si Daniel.
Hindi siya nagsalita noon. Niluma na ng panahon at hindi na ito ginagamit pa, matapos, may madiskobre na ang kanyang dugo noon sa bus, hindi ito nalinis kaagad ng bus driver noon, dahil nga walang matibay na ebedinsya ay hindi ito nakulong at sinesante ito sa trabaho bilang driver.
“Nasaan si Aliya?” tanging tanong na lamang niya.
“Hinayaan ko na muna siyang mag – isa.” Napabuntong – hininga pa ang kanyang kausap.
“May problema ba?” Tanong naman ni Isaac, lumabas kaagad ito sa bus sinundan lang siya ni Daniel.
Umiling – iling lamang ito. “Tila may kakayahan siyang makita kung paano tayo namatay sa dating buhay natin.”
Nang marinig ni Isaac iyon, napatingin na lamang siya rito. “Nakikita?” Ulit pa niyang tanong kay Daniel.
Tumango ito sa kanya. “May sinabi ba siya kung ano ang buhay mo noon?” Tanong naman ni Isaac na nag – iisip.
Umiling – iling lang ito. “Nagtanong lang siya kung paano ako namatay? Posible ba’ng magising ang kakayahan niya?” Tanong pa nito sa kanya.
“Espesyal si Aliya, hindi niya naalala ang buo niyang pagkatao, hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit hindi niya maalala iyon.”
Napatango – tango na lamang si Daniel sa kanya.
“Isaac? Daniel?”
Kaagad silang napatingin sa pagtawag ng kanilang pangalan.
“Aliya? Anong ginagawa mo sa lugar na ito?” Tanong na lamang niya.
“Ah, ihahatid ko lang sana ito, malapit lang kasi ang pinangyarihan, saka nakita ko kayong dalawa.” sabi pa nito sa kanila.
Napatango na lamang siya. “Aalis na ako.” Sabi pa niya noon.
“May namatay ba rito noon?” Tanong pa nito sa kanila.
Napatingin na lamang siya kay Aliya ngayon.
XXX
Napatitig na lamang si Daniel sa kanyang kasama. “Aliya? Kailangan mo na siyang ihatid.” Tanging nasabi na lamang niya.
Nilampasan silang dalawa ni Isaac, patungo ito pinakadulong upuan ng bus. Hinipo pa nito ang upuan na nandoon.
“Maraming dugo.” Tanging narinig niya kay Aliya.
“Estudyante? Bus driver?” patuloy nitong sabi. Hindi niya alam kung ano ang nakikita nito ngayon.
Napasinghap pa ito. “Nilibing sa isang masukal na kagubatan.”
“Aliya.” Untag na tawag ni Isaac sa kanyang kasama.
Napapitlag ito at lumingon sa kanila. Tila nahimasmasan ito sa pangyayari, hawak – hawak ni Aliya ang sentido niya at halatang may dinaramdam ito.
“P – Pasensya na.” tanging narinig niya rito.
Nagpatiuna ito at nawala sa kanilang paningin, dala – dala ang isang kuneho noon. Napatitig lamang siya kay Isaac.
“Bantayan mo siyang mabuti.” Tanging narinig niyang utos ni Isaac sa kanya.
Tumango na lamang siya. Tinapik na lamang niya, nauna na rin siyang umalis noon. Dinala siya ng kanyang diwa sa isang malaking mansion.
Napabuntong – hininga na lamang siya. Walang kahirap – hirap na nakapasok siya.
“You missed your life, Jayson.” Iyon ang naulinagan niyang boses, dalawang lalaking nag – uusap noon sa sala.
Kaagad niyang nakilala ang mga ito.
“I’m really busy right now.” Tanging sagot na lamang nitong nakatingin sa phone nito.
“Oh, come on, its fulfilling to see that suffering. Kung pinapahintulutan lang ako ni lolo.” Sabi pa nito at napailing – iling na lamang.
Hindi ito sumagot.
“By the way, Jay, hindi ko nakikita ngayon si Reymark.”
“Ah, he needs to heal that wound.”
Sugat? Napatanong na lamang sa kanyang isipan at napapaisip na lamang. Pinagpatuloy niya ang pakikinig sa nag – uusap.
“Eh? Masyado bang malalim ang natamo niyang sugat? That bite marks to his right leg.” Napailing – iling na lamang ito. “Look at Malchor now, nagtatrabaho na siya ngayon.” Tanging narinig niya kay Brandon.
Napabuntong – hininga na lamang ang kausap ni Brandon ngayon. “Of course, Reymark needs to be careful now.” Sabi pa ni Jasyson na napatitig kay Brandon.
“Oh, but I think wala namang nakakaalam kung sinong suspek, hindi ba?” Tanong naman ni Brandon.
“Ewan ko.” Sabi pa ni Jayson.
“You’re a pyscho,” ngumisi na lamang si Brandon sa kapatid nitong lalaki.
“Kailangan ko na’ng magpahinga.” Paalam pa ni Brandon kay Jayson.
Dumaan ito sa kanyang harapan. Napabuntong – hininga na lamang si Daniel. Kaagad siyang lumusot sa nagtataasang pader ng mansion na iyon.
Naglakad – lakad siya. Hanggang napunta siya sa maraming tao.
Bigla na lamang pumasok sa kanyang alaala ang isang taong naglalakad na paika – ika noon.
Reymark? Napatanong sa kanyang isipan.
Siya ba’y kapatid ni Isaac? Nag – iisip na lamang siya.
Napahinto siya nang may nakaagaw sa kanya ng atensyon. Nakita na naman niya ang babaeng nakita niya noon ang sabi’y nagpalamon sa kadiliman.
Naglalakad lang ito sa kawalan, soot – soot nito ang panluksang damit nito. Napatingin din ito sa kanya, napapitlag siya dahil ngumiti ito nang makahulugang ngiti, pumasok ito sa kadiliman.
Iiwasan ko ang mapaghiganteng kaluluwa na iyon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Bumalik na rin siya, hinanap niya ang kasamahan niya. Napakunot naman ang kanyang noo, dahil hindi niya ito nakita, natatakot siyang baka may ginagawa na naman itong labag sa kanilang panuntunan.
Nasalubong niya ang tingin ni Tiara.
“Kung hinahanap mo si Aliya, nakita ko siya kanina, may inihatid at nasa malalim na iniisip.” Sabi pa nito sa kanya.
Tumango na lamang siya. “Salamat, Tiara.”
Kaagad niyang kinumpas ang kamay niya, nakarating kaagad siya kung saan nandoon ang mga hayop na inihatid nila.
Nakita niya si Aliya noon na haplos – haplos ang aso noon, tahimik lang ito.
“Nandito ka lang pala.”
Napalingon pa ito sa kanya at tinitigan siya. Binawi kaagad nito ang tinging pinukol nito sa kanya. Tahimik din siyang nakaupo noon.
Pinagmamasdan niya ang mga hayop na masaya at malayang nagtatakbuhan. Napapangiti na lamang siya.
“May mahal ka ba sa buhay na naiwan sa mundo ng tao?” Tanging tanong ni Aliya sa kanya.
Nabigla siya sa katanungan nito at napakurap na lamang. Binawi niya ang gulat, naghihintay ito sa kanyang kasagutan.
Napabuntong – hininga na lamang siya. “Meron, mga kapatid ko.”
Napatango na lamang ito sa kanya. Bigla itong tumayo. “Babalik na tayo.” Sabi pa nito sa kanya.
Tumayo na rin siya. Nakita niya ang aso na halatang nalulungkot na iiwan na naman ito. Hinaplos lang nito ang ulo ng aso at ngumiti.
Matagal na niyang kinakalimutan ang pagkatao niya sa dating buhay niya noon. Kahit kailan nang pumanaw siya iniiwasan niyang alalahanin ang buhay niya.