Inaalagaan pa rin ni Aya ang sampung hayop na inihatid sa kanya ng isang pulis. Isa pa’y ang mag – iinang pus ana nandoon na inihatid din noon. Napabuntong – hininga na lamang siya. Ang sabi sa kanya ng isang pulis ay under investigation ang ilang mga hayop na na – rescue nito. Malakas ang kutob ni Aya na madadawit na naman ang magulang niya. “Miss, magandang umaga.” Kaagad naman niyang tiningnan kung sinong bumati sa kanya. “Ah, sir Malchor.” Tanging pagkilala niya. “K – Kumusta po ang mag – iinang pusa?” Tanong naman nito sa kanya. Nakasoot ito ng long sleeve, may tattoo ito sa gilid ng tainga nito. Hindi na rin ito paika – ika maglakad ngayon. Papalihim niyang sinuri ang binatang si Malchor, nakita niyang may kalmot na naman ito ng pusa. “Nagpabakuna ka ba ng anti – rabies?” Tan

