Nissan's POV Napabuntong hininga ako. Ang tanga mo Nissan! Sinabi ng pamilya lang ang papapasukin at hindi bestfriend. Napahilamos ako ng mukha ko. Galit na sya at sigurado magsusungit na naman sya. Ang tanga mo kasi eh! "Are you okay?" tumingin ako kay Kris at nginitian sya. Nagsulat ako sa whiteboard ko. Kung hindi ba naman kasi ako tanga hindi 'to mangyayari. "Hindi ko sasabihin na hindi mo kasalanan. Laos na yon eh. Hayaan mo na yun. Sa oras na nagkaayos na sila ng bestfriend nya, okay na ang lahat." nginitian ko sya. Sana. Tinulungan ako ni Kris na linisin ang kalat. Sinabi ko na kaya ko na kaso makulit sya kaya hinayaan ko na sya. "Pwede ba akong magtanong?" sabi nya habang kinukuha nya basag na vase. Tumango ako. "Pipe ka ba talaga?" napangiti ako at umiling. Alam kong tatan

