Nissan's POV Ang tahimik ng bahay parang walang taong nakatira lamang nasa loob lang ng kwarto nya lang ang may ari nito. After a week naging tahimik na ang bahay. Walang nagpapatugtog ng classic song, walang kalat sa sala, walang nag-uutos at walang Left na nagpapakita. Pagkatapos nung nangyaring katangahan ko ay hindi na ako kinakausap or inuutusan man lang ni Left. Lagi syang nasa kwarto nya buong araw. Dinadalhan ko lang sya ng pagkain kapag naluto na ang pagkain pero iiwan ko lang yon sa tapat ng pinto nya at kukunin nya na lang kapag naisipan nya. Hindi halatang galit sya sakin. Napabuntong hininga na lang ako. Tumingin ako sa buong bahay. Ang tahimik talaga. Wala si Kris ngayon dahil binisita nya ang mga magulang nya kaya nasa probinsya sya ngayon hanggang bukas. Napabuntong hi

