Tumigil ako sa pagbasa ng libro at tumingin kay maid na lumabas ng banyo. Nahihiyang nagpunas sya ng buhok nya. Nakita ko pang pasimpleng tingin nya sakin at agad din umiwas. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti sa ka-cute-an nya. Itinabi ko ang librong hawak ko sa drawer at tumingin kay maid na nakaupo sa couch. Siguro napapansin nyang nakatingin ako sa kanya kaya panay ang tingin nya sakin pero iiwas din agad. Ang cute nyang pagtripan. "Maid dito ka." itinap ko ang tabi ko. Nagtaka sya sakin. "Pumunta ka na dito at wag ng umarte." sumunod naman sya. Dami ang arte susunod din naman pala. Tinitigan ko sya at alam kong naiilang sya sa titig ko. Ikaw ba naman titigan, hindi ka maiilang? Binasa ko ang sinusulat nya. May problema po ba? Kung siguro nakakapagsalita sya ay nauutal sya panig

