Busy ako sa paggawa ng assignment ko nang may kumatok sa pinto. Yung katok na sila lang ang gumagawa ng ganon klaseng katok. Huminga ako ng malalim at tinakpan ang tainga ko. "Ate!" Kahit na tinakpan ko ng tainga ko ang lakas pa din ng boses nila. Biglang bumukas ang pintuan at nagsabay-sabay na nagsalita ang tatlo. "Ano ba triplets!" kapag sabay sabay silang sumigaw para silang microphone na tinapat sa tainga. Ang lakas! "Sya." sabay sabay sila nagturuan. Napafacepalm na lang ako. "Bakit ba kayo nandito?" tanong ko. Tinaasan ko ng kilay si Frost nung nagtaas sya ng kamay. "Me! Me! Me!" "Fine, what?" "Maglalaro kami dito!" proud na sabi nya pa. "Hindi ito playground, Frost." gagawin pa itong palaruan, ang tahimik ng bahay ko tapos mag-iingay sila. "Dito namin gusto i-try ang bag

