Nanonood ako ng tv nang may kumalbit sa balikat ko, pagtingin ko si maid. Binasa ko ang nakasulat sa white board nya na binili ko sa mall. Mabuti at hindi nya na ginamit ang sketchpad nya, ano silbi ng binili ko sa kanya kung hindi nya gagamitin.
May pinadala po si Sir Right na chocolate cake kasama po ang isang kahon po.
"Ipaghanda mo ako ng cake at pakidala dito yung kahon." utos ko at ibinalik ang tingin sa tv.
Ilang linggong tinagal dito ni maid at nasanay na ako na nasa paligid sya ng bahay ko. Hindi na ako masyado nagkikilos sa bahay dahil sya na ang gumagawa. Okay naman si maid, masipag syang kumilos, natural kailangan nya magsipag kung ayaw nya matanggal sa trabaho. Nakakairita lang minsan dahil nasasayang ang oras sa pagsulat at pagbura ng sinusulat nya. Yung talaga ang nakakairita sa kanya, yung tipong nagmamadali ako at nagsusulat pa sya para sa sasabihin nya, nakakabadtrip kaya minsan nilalayasan ko sya. Ang bagal eh! Sayang sa oras, mahalaga sakin ang oras kaya lahat ng bagay na kailangan gawin tinatapos ko na para at least hindi ako magahol tapos sa pagsusulat nya pa lang ay nauubos ang isang minuto at segundo ko? Dapat talaga pinilit ko si Mama na ibahin maid ko eh. Nahihirapan ako makipag-communicate sa taong ito.
"Nasaan ang cake ko?" tanong ko kay maid. Yung kahon lang kasi ang dinala nya.
Imbis na sagutin ako ay umalis sya. Langya ang bastos non ah kinakausap ko tapos nilalayasan ako? Tsk..
Binuksan ko ang kahon na pinadala ni Right. Mga libro ito na kailangan ko sa walangyang thesis na yan na nagpapahirap sa mga estudyante na maggra-graduate.
Tinignan ko ang tray na dala ni maid.
"Wala naman akong sinabi na magdala ka ng juice, bakit may juice dyan? Cake lang ang sinabi ko hindi ba?" sabi ko. Napayuko sya dahil don. Tsk...ito pa ang nakakainis sa taong 'to eh, kung ano inutos ko may kasama pang iba. Kung ano inutos ko yun lang ang gagawin nya wala ng iba.
"Ibalik mo yang juice at ikuha mo ako ng tubig." sabi ko. Agad naman syang sumunod.
Sumubo ako ng cake. Biglang may pumutok na baril kasunod ng pagbasag ng babasaging bagay sa kusina. Agad akong tumakbo papunta don. Nakita ko si maid na nakayuko habang nakatakpan ang mga tainga nya gamit ang dalawang kamay nya at sa harap nya ang basag na baso. Nagulat siguro sa putok ng baril, miski ako nagulat eh muntik pa ako mabilaukan.
"Linisan mo na yan, titignan ko kung ano nangyayari." utos ko sa kanya. Tumango lang sya at sinimulan na damputin ang basag na baso pero napansin ko na nanginginig sya habang dinadampot ang basag na baso.
Umalis na ako at lumabas ng bahay. Mukhang hindi lang ako ang nabulabog sa putok ng baril dahil nakita ko ang mga kapitbahay ko na nagsisilabasan at inaalam kung ano ang nangyari.
May mag-asawa lang pala na nag-aaway dahil may kabit yung babae. Tinutukan ng asawa ng babae yung kabit ng babae at sa takot siguro na mapatay sya ng asawa ay nakipag-agawan ang kabit sa asawa at pumutok sa ere ang bala. Agad naman hinuli ng mga guwardya ang dalawa at dinala sa baranggay para mag-usap.
Umalis na yung mga gumawa ng eksena pero itong mga kapitbahay ko todo sa tsimisan sa nangyari. Mga chismakers. Pumasok na lang ulit ako sa loob dahil ayokong makisawsaw sa kanila.
Pumunta ako ng kusina para tignan kung nalinis na ba ni maid ang basag na baso. Nalinis na nga nya. Aalis na dapat ako nang may napansin akong dugo sa sahig. Konti lang ang dugo, siguro isang butil lang ng bigas pero dahil pula ang kulay at puti ang tiles ng bahay ko ay madali kong napansin.
Hinanap ko kung nasaan si maid. Nakita ko sya sa harap ng basurahan, nakatayo lang sya don pero halata na naginginig ang katawan nya. Hindi pa sya naka-move on sa putok ng baril?
"Maid ano-" hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang makita ko syang namumutla. Bago pa sya himatayin ay agad ko syang sinalo. "Hoy maid! Gumising ka! Hays!" labag sa loob kong binuhat sya papunta sa loob.
Inihiga ko sya sofa. Ang gaan ni maid, kumakain pa ba ito? Nagtaka ako kung bakit sya hinimatay tapos yung mukha nya na hindi ata umakyat ang dugo sa ulo nya sa sobrang putla ng mukha nya. Tumingin ako sa kamay nya. Tama ang hinala ko na kay maid nga ang dugong yon. Kinuha ko ang first aid kit sa kusina at nilinis ang kamay nya. May bigla akong naisip. Kanina nanginginig si maid nung pumutok ang baril tapos hinimatay pa sya. Hindi kaya, may nangyari sa kanya noon? kaya ganito na lang ang reaction nya?
Tsk...bakit ko ba iniisip yon? Eh may sarili akong problema. Umupo ako sa kabilang sofa at sinimulan gawin ang Chapter 1 ng thesis ko.
Hindi ko nalamayan nakatulog na pala ako kakagawa ng thesis ko. Bumangon ako at doon ko lang napansin na may kumot pala sakin. Humikab at nag-unat ako. Naglakad ako papunta sa kusina. Bigla ako nakaramdam ng gutom nang makaamoy na mabangong ulam. Ilang oras din pala ako hindi pa kumakain kaya gutom na gutom na ako.
"Ano yang niluto mo?" tanong ko, muntik na ako matawa dahil nagulat ko sya. Magugulatin pala 'to.
Kare kare po.
Tumango ako. Pumunta ako sa dinning table at hinintay syang mag-serve ng pagkain. Habang hinihintay yung pagkain tinitignan ko ang bawat kilos nya. Napapangisi ako dahil mukhang hindi sya komportableng kumilos ngayon at minsan ay pasulyap sulyap sya sakin at bigla din iiwas. Naiilang sya sakin. Bigla akong nakaisip ng kalokohan.
"Maid." at sa pangawalang beses nagulat na naman sya. Napangisi ako. "Pagkatapos mo dyan, ihanda mo ang bathtub, maliligo ako. Gusto ko maligamgam na tubig at gusto ko may petals ng roses." mukhang nagtataka sya at agad nagsulat sa white board.
Wala po tayong roses dito.
"Hindi ko na problema yon. Basta pagkatapos kong kumain nakahanda na ang paliliguan ko." sabi ko at napangisi. Mahihirapan sya makakuha ng roses dito dahil wala naman akong tanim non at malayo pa dito ang flower shop. Tignan natin kung makakakuha 'to.
Okay po.
Natatawa na lang ako sa kanya dahil mukhang problemadong problemado sya. Sinimulan ko ng kumain habang si maid ay lumabas ng bahay para maghanap ng roses. Goodluck sa kanya.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Pumunta muna ako sa banyo para tignan kung nagawa ba ni maid ang inuutos ko.
"Saan ka nakakuha ng roses?" tanong ko. Nagawa nga ni maid ang inuutos ko pero paano sya nakakuha ng roses?
Kay Mark po, may tanim po sya ng roses.
"Sinong Mark?" nakataas kilay kong tanong. Sino naman ang pesteng lalaking yun?
Yung nakatira sa harap ng bahay. May mga tanim syang bulaklak.
Kailan pa naging close sa mga kapitbahay itong si maid?
"Lumabas ka na, linisin mo ang kwarto ko." naghubad na ako ng damit kahit na nandyan pa si maid. Parehas naman kaming babae.
Nagbabad ako sa bathtub ng kahalating oras tsaka ko naisipan na linisin na ang katawan ko. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo na walang tapis sa katawan. Ganito ako pagkatapos maligo, wala naman nakakakita sakin pwera na lang kung nandito ang pamilya ko. Minsan pumapasok ang mga yon ng walang katok katok.
Pinunasan ko ang buhok ko habang papunta sa closet ko. Kumuha lang ako ng tshirt at panty. Tapos na ako mag-ayos, papatuyuin ko na lang buhok ko.
Napatingin ako sa pinto na magsara yon. Nakakitbitbalikat ako at tinuloy ang pagpatuyo ng buhok ko.
Lumabas ako ng kwarto at bumalik sa sala. Hindi ko pa natatapos ang Chapter 1 ng thesis ko. Napatingin ako kay maid. Nagtaka ako kung bakit namumula ang mukha nya. May sakit ba 'to? Hindi ko na lang sya pinansin.
Habang gumagawa ako ng thesis, narinig kong may nag-doorbell. Agad naman pinuntahan ni maid kung sino man ang nag-doorbell. Bigla sumagi sa isipan ko ang mga gago. s**t baka sila yon at malaman nila na may maid ako. Agad akong nagmadaling habulin si maid para pigilan sya wag buksan ang gate kaso huli na at nabuksan nya na.
"Hi Nissan! Para sayo oh, bagong pitas lang yan at hinog na yan." nakahinga ako ng maluwag na hindi ang mga gago ang nagdoorbell pero nagtaka ako kung sinong lalaki itong may dala ng mangga.
Hindi ko nakita kung anong nakasulat sa white board ni maid pero mukhang thank you yon.
"Wala yon." sabi nung lalaki. Napairap ako, mapupunit na ang labi nya kakangiting malapad.
"Hindi ito oras ng landian." napatingin silang dalawa sakin. Tinaasan ko ng kilay yung lalaki ng tignan nya ako mula paa hanggang ulo. "Kung wala ka ng kailangan pwede ka ng umalis. Iniistorbo mo ang katulong ko." mataray kong sabi nya sa kanya at naglakad papasok ng loob.
Napansin kong nakasunod sakin si maid.
"Sa susunod kapag oras ng trabaho, trabaho hindi landian, okay?" hindi ko na sya nilingon pa para malaman ang sagot nya. Tsk..siguro kapag wala ako nakikipaglandian sya sa lalaking yon, humanda sya sakin pahihirapan ko sya.
---------------