Chapter 3

2072 Words
Nagising ako nung may yumuyugyog sakin. Ayokong pansin dahil inaantok pa ako at gusto ko pang matulog pero mapilit itong yumuyugyog sakin. "Ano ba?!" sigaw ko sa taong yon. Si maid lang pala. Mukhang natakot ko sya dahil napaatras sya. Ano bang problema nito? Pinapagising po kayo sakin ni Ma'am Letti. May pasok po daw kayo sa school. Yun ang nakasulat sa sketchpad nya. May pasok na? Hindi ba summer palang? "Anong date ngayon?" naiinis ako dahil nasasayang yung oras sa pagsusulat nya. Ugh! hindi na pinalitan ni Mama itong maid ko. Mas gusto nya itong si maid kaysa sa ibang maid sa agency. Ewan ko dito kay Mama, pare-pareho lang naman silang maid eh. Ang arte talaga ni Mama. June 17 po. Pasukan na nga. Kinuha ko cellphone ko at tinext ang apat na bugok. To: Gia, Fin, Jade, Veron Hoy papasok kayo? Pasukan na. Wala pang isang minuto nag-text na si Jade. From: Jade Ikaw? Tignan mo ito, tinanong ko nga, tinanong din ako. Gago ito. Tinignan ko ang text ni Fin. From: Fin Mga sira kayo pumasok kayo! Hindi ako papasok. Letche ito, tinamad na naman. To: Fin, Jade, Gia, Veron Mga gago kayo pumasok tayo, sugurin natin si Teron! Syempre biro lang yon para mag-text si Gia, hanggang ngayon kasi ay hindi pa din kami nag-uusap. Ewan ko don ang arte, pabebe masyado. From: Veron Sige sige gusto yan! Bwahaha! From: Gia Gago ka Kaliwa! Nananahimik ako dito ah! Natawa ako sa reply ng dalawa lalo na si Veron. Ang hilig talaga makipagbakbakan ng isang 'to. From: Veron, Gia Veron ano, abangan natin sa gate? Gia my baby, I love you bwahahaha! Ang sarap talagang pagtripan nitong si Gia. Ang cute nya kasing mapikon, napapamura. From: Jade Kaliwa pakain naman dyan oh walang pagkain sa bahay huhu! To: Jade NO. Ano sya sinuswerte? Hindi ko nga sila pinapapasok tapos kakain sya dito. Ayoko lang magpapasok sa bahay except sa family ko, nanggugulo lang naman sila Fin dito kaya ayokong papasukin. Malinis ako sa bahay pwera sa kwarto ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pang kumuha ng maid si Mama eh kaya ko naman maglinis, magluto at maglaba, in short kaya ko sarili ko. Tumingin ako sa pwesto kanina ni maid. Buti alam nyang gagawin nya, wala na sya dito. Bumangon na ako at nag-text ako sa apat na papasok ako tsaka ako naligo. Pagkatapos ay hindi ko muna sinuot ang uniform ko at nagsuot muna ako na maluwag na tshirt at naka-panty lang. Wala akong paki kung may kasama na ako. Pumunta ako ng kusina at nakahanda na ang pagkain don. Hindi ko nakita don si maid, siguro nasa sala or garden sya. Two weeks na syang nandito, sinabihan ko sya na wag syang magpapakita sakin kung walang kailangan. Katulad ngayon, ginising nya ako dahil kailangan pero ngayon hindi kailangan wala sya. Simple lang. Tinapos ko na ang pagkain ko at umakyat sa kwarto para magbihis. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa garahe. Binuksan ni maid yung gate, inilabas ko ang kotse ko. "Wag na wag kang magpapasok sa bahay ko except to my family." sabi ko at pinaandar ang kotse. Hindi ko na sya pinasagot pa. Hindi din naman sya sasagot. Dumeretso muna ako ng Mcdo para bumili ng Mcfloat. Ang init kahit umaga na. Dumeretso na ako sa school. Pagkapark ko ng kotse ko ay bumaba na ako at naglakad papunta sa bulletin board para malaman ang section ko. Nang malaman ko na section ko ay pumunta na ako sa classroom. Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sakin at bumabati. Hindi ko naman sila kilala bakit ko sila babatiin? Isa akong sikat na cheer dancer kasama yung apat na gago. Hindi halata dahil puro kami kalokohan pero kapag may kasama na kaming ibang tao ay parang kaming maamong tupa. Nagiging kalog lang naman kami kapag kami kami lang. "Hi Left." inirapan ko ang taong humarang sa daan ko. Ito na naman sya. "Umalis ka sa harap ko o uupakan kita?" nakakasura kasi itong lalaking ito, ilang beses ko na sya binusted at pinahiya pero ayaw pa din magpaawat. May lahi ata 'tong higad at dikit ng dikit sakin. "Ang hard mo naman baby Left. Gusto ko lang naman itong ibigay sayo." sabay abot ng isang box ng chocolate at bouquet of red rose. Kinuha ko na lang para magtigil sya, alam ko naman na kapag hindi ko 'to kinuha ay kukulitin nya ako. Lumawak ang ngiti ng ugok. Kaya napairap ako. "Thanks." sabi ko at nilagpasan sya. May nakita akong dalawang babae sa gilid na pinapanood kami kanina, hindi lang naman sila pero sila lang nakita ko. "Swerte ni Left 'no?" sabi nung isa. Napangiti ako at tumigil sa harap nilang dalawa. Mukhang nagulat pa sila nung tumugil ako sa harap nila. "Le-left" sambit ng isa. Nginitian ko silang dalawa at ibinigay ang ibinigay sakin ni Ralph. Alam kong nakatingin sya samin pero paki ko ba? "Sa inyo na lang." sabi ko at umalis na. Napahikab ako habang naglalakad. Inaantok pa ako. Uminom na ako ng float pero inaantok pa din ako. Dapat hindi na ako pumasok dahil alam kong introduce yourself lang ang gagawin. Magrereklamo ako kapag may nagpa-quiz ngayon. Kakaumpisa palang ng klase quiz agad? "Hoy mga bugok para kayong may ginagawang kalokohan dyan." sabi ko sa apat nung makita ko sila sa gilid ng pintuan ng classroom namin. Nagkukumpulan silang apat at paminsan minsan ay lumilinga si Veron na tila may inaabangan. "Kaliwa!" sabay sabay na sabi nilang apat. Napataas kilay ko, kailangan sabay sabay? "May nalaman kami!" sigaw ni Jade kaya napatingin ang ilan samin. Sinamaan ko sya ng tingin. "Oo nga. Walangya ka kung hindi pa namin malalaman hindi mo sasabihin." sabi ni Veron. Pinagsasabi ng mga 'to? Teka hindi kaya tungkol ito kay maid? s**t! hindi ko nasabihan sila Mama na wag sabihin ang tungkol don, magkakaibigan pa naman yung parents namin. "Huh?" maangan ko. Putek makakalimutin na ba talaga ako? "Maang maangan ka pa dyan huli ka na kaliwa!" sabi ni Fin na tila bata akong nakagawa ng kasalanan at sinusumbong nya ako. Tumingin ako kay Gia dahil sya na lang ang hindi nagsasalita pero inirapan nya lang ako. Ang arte talaga! Akala mo ah, hindi rin kita papansinin! "Pwede pa? Ano naman paki nyo-" "May pake kami kasi kaibigan ka namin!" napangiwi ako sa lakas ng boses ni Jade. Harap harapan? Tapos talsik laway pa, kababaeng tao. "At may paki kami dahil hindi ka man lang namimigay ng sagot!" nagtaka ako sa sinabi ni Fin. Anong sagot? "Oo nga! Edi sana mataas din ang nakuha naming grade!" reklamo ni Veron. Hala sila, anong pinagsasabi ng mga 'to? Pero okay na rin yon, akala ko tungkol kay maid eh. "Pinagsasabi nyo ba huh?" mataray na sabi ko, kung kanina medyo kinakabahan pa ako dahil akala ko tungkol don kay maid ngayon ay hindi na, pwede ko ng paltukan si Jade sa pagsigaw sakin. "Yung Plus Exam! Naka-perfect ka don, hindi ka man lang nagbigay ng sagot! Hirap na hirap kaya kami don." sabi ni Veron. Ah yun lang pala. "Malay ko bang tama yung mga sagot ko don." bored kong sabi. Two weeks before pasukan nagkakaroon ng Plus Exam ang school para naman tumaas taas yung grade ng mga estudyante dito. Eh mga gago itong mga ito, walang review review na nagyayang mag-exam ang resulta, kulelat sila. Ako naman hula hula lang yon dahil ayoko naman talaga mag-take ng exam dahil mataas naman ng grade ko. Edi mas lalong tumaas ang grade ko dahil naka-perfect daw ako. "Nakakainis ka! Zero tuloy ako don." sabi ni Fin. Natawa naman ako don. Nag-take pa sya ng exam kung zero din naman pala score nya. "Ako nga one eh." proud pang sabi ni Veron. "Ako two panis!" tuwang tuwa pang sabi ni Jade. Mga gago talaga. Si Gia hindi sya nakapag-exam dahil not in good terms kami non at iyak sya ng iyak dahil kay Teron. Buong araw wala kaming ginawa kundi magpakilala sa harapan. Mas madami kasing bago sa section namin kaya balik introduce yourself kami. Last year na namin sa college kaya hayahay muna daw sa unang linggo dahil sa susunod na linggo daw mahihirapan na kami lalo na sa thesis. Pagkatapos ng klase nagyaya pa sila na magmall kami. At ang mga gago hindi pa ako pumapayag dahil alam kong kotse ko na naman ang gagamitin, ayun nasa loob na sila ng kotse ko. Mga letche 'di ba? Ang yayaman na tao pero walang sariling kotse. Pumunta na kami ng mall. Pagka-park ko ng kotse ay rumampa na yung mga bugok sa loob. Mga hindi man lang naghintay. Iwan ko kaya mga ito dito? Nailing na sumunod na lang ako sa kanila. Una nilang pinasukan ay ang supermarket, bibili muna daw sa ng pagkain para habang naglalakad ay may kinakain. Dahil ako lang ang matino sa kanila, humiwalay ako sa kanila dahil puro kaabnormalan na naman ang gagawin nila. Katulad ng sasakay si Jade at Veron sa cart tapos mag-uunahan sila. Ginawang playground ang supermarket. "Wiwooo! Wiwoo!" napa-facepalm ako nung marinig ko ang boses ni Jade at yung mga tawa nila Fin. Nakita ko pang napadaan sila sa pwesto ko pero hindi nila ako napansin dahil nag-uunahan sila. Hindi sila masita ng mga staff dito dahil mall ito ng kuya ni Jade kaya okay lang na maging baliw sila dito. Pumunta ako sa junkfood para bumili ng mga chitchirya. Hanggang dito rinig ko pa din sila Jade. "Ano ba naman ang mga batang yon, hindi na nahiya." napatingin ako sa nagsalita dahil parang pamilyar yun sakin. "Hayaan mo na sinusulit lang nila yung araw na hindi pa sila pinapahirapan sa thesis." mygod! Sila Mama! Anong ginagawa nila dito? "Oo nga naman mare, tignan mo, nagkakasayahan sila kaya hayaan mo na. Pagka-graduate nilang lahat ay may kanya kanya na silang buhay at hindi na nila mararanasan ang ginagawa nila ngayon." sabi ni Tita Jo, mama ni Jade. Sa tingin ko, paulit ulit na gagawin nga mga anak nyo ito. "Sabagay, kung tayo nga ganyan din ang ginawa natin noon." sabi ni Tita Velcia, mama ni Veron. Kaya pala may pinagmanahan. Napatingin ako sa taong kumalibit sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko na makit si maid. Anong ginagawa nya dito?! "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa bahay ka lang?" tanong ko kay maid. s**t naman oh, nakaligtas nga kanina pero nandito naman sya ngayon. Sinama po ako ng Ma'am Letti na mag-grocery. Sinama sya? alam na kaya nila Tita na maid ko sya? Panigurado yon, madaldal si Mama eh. Napatingin ako sa direction nila Fin. Ibinaba ko ang dala nya mini cart at hinila ko sya palabas ng supermarket. Naramdaman kong hinigpitan nya ang pagkahawak sa kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Ano problema?" nakakunot noo kong tanong. Tinuro nya ang paa nya. "Oh?" hindi sya mapakali na tila kiti kiti. Problema nito? "Pwede ba sabihin mo na ku- oh pipe ka nga pala, nasaan ba sketchpad mo?" napakagat sya ng labi bago ituro ang pinanggalingan namin which is supermarket. "Bakit mo iniwan? Hays!" hindi ako pwedeng bumalik don dahil baka hanapin na ni Mama si maid at kapag nakita ako malamang sa malamang mababanggit nya si maid at malalaman ng mga gago na may maid ako. "Wait here and don't ever talk- tsk nevermind hintayin mo ako dito. Dito ka lang." bago ako umalis, isinuot ko muna ang sumbrero ko sa kanya tsaka ako nagmadaling pumunta sa National bookstore. Bumili ako ng maliit na white board at marker with eraser. Sayang naman kasi yung papel kung sketchpad ang bibiliin ko. Mas okay na ito na ang marker lang ang nauubos. Pagkabili ko ng gamit ni maid ay binalikan ko na sya kung saan ko sya iniwan. "Oh." tinignan nya lang yung binili ko "Kung kinukuha mo na kaya ito na malaman ko kung ano problema mo 'no?" agad naman nya kinuha ang hawak ko. Napairap ako sa kanya at nag-cross arms. Hinintay ko na matapos sya magsulat. Hindi ko maiwasan magtaka kung bakit sya napangiti pagkakita nya sa binili ko. Nababaliw na ata 'to. Natapilok po kasi ako nung pagkahila nyo sakin. Medyo sumasakit po ang paa ko. Tinignan ko ang paa nya. Medyo namamaga. Bakit hindi ko napansin na natapilok sya? Natural hinila hila mo eh. Sagot ng epal sa utak ko. Napairap ako. "Makakalakad ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Minsan may pagkaengot din ako, alam na masakit ang paa natural na hindi sya makakalakad. Kaya ko po pa naman. Tumayo sya at bigla din napaupo. Kaya pa huh? Tumalikod ako at umupo. "Sakay." sambit ko. Tumingin ako kay maid na hindi kumikilos. "Sabi ko sakay, nabingi ka na ba?" inis na sabi ko. Nag-aalanganin pa sya kung sasakay ba sya. "Ano ba? Gusto ko ng umuwi. Sumakay ka na." hindi pa din sya kumikilos. Naiinis akong hinila sya. Ang arte ang putek. Binuhat ko sya at naglakad na ako papunta sa parking lot. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD