Nissan's POV Pagkababa namin ng ferris wheel, tahimik lang si Left pero hinawakan nya pa din kamay ko para alalayan makababa. Akala ko kapag nakababa na ako bibitawanan nya pero hinawakan nya pa din. Napangiti ako at the same time namula nung maalala ko yung pagco-confess ni Left kanina. Unexpected yung nangyari, hindi ko talaga inasahan na sasabihin nya yung ganon sa oras na yon. Ang alam ko lang naman nung mga time na, mag enjoy kasama si Left. Pero kaya tahimik ngayon si Left dahil kasunod ng pag amin nya ay tanong na nakakabigla. "Do you like me too, maid?" Hindi ko sya sinagot non dahil malapit na din kami makababa at tsaka hindi ko alam kung ano isasagot ko. Kaya hindi nya ako iniimik dahil hanggang ngayon hindi ko pa din sinasagot yung tanong nya. "Let's go home, pagod na ako."

