Nissan's POV "Sakin 'to!" "No sakin ito!" "Sakin nga 'to, ang kulit mo!" "Hindi ako makulit, nakakatatlo ka na, ako dalawa pa lang." "Bakit kaninong bahay ba ito? akin diba? kaya akin 'to. Ako masusunod dito!" "Wag mong kalimutan ang sinabi ni Tito. I can do whatever I want here." "I don't care, pera ko ang ginamit sa pamimili ng pagkain dito!" "Liar, kinukuha mo lang din naman ang mga pagkain na to sa grocery store nyo. So, sa kanila Tito pa din galing." "For your information ang layo ng grocery namin dito kaya sa palengke bumibili si maid! bitawanan mo na ang manok ko!" Nakatingin lang ako sa dalawang nag aaway sa isang manok na natitira sa lamesa. Simula kahapon, nag babangayan na yung dalawa at nagtatalo sa maliit na bagay. Para silang mga bata. "Tig tatatlo lang tayo kaya a

