MIKA’S POV Pagkabalik ni Vince mula sa cr ay lumapit ang isang babae at inabot ang receipt ng nagastos naming pagkain, balak pa nitong iabot ito kay Vince kaya’t mabilis ko siyang tinawag at kinuha ito. Marami nang nagawang tulong sa ‘kin si Vince, lalo’t higit pa ng iligtas niya ang aking buhay mula sa bingit ng kamatayan. Ang simpleng hapunang ito ay simbolo ng pagtanaw ko ng mga kabutihang ginawa niya para sa akin. Nang tingnan ko na ang presyo ng nakain namin ay halos lumabas ang aking mga mata sa gulat. “Twenty thousand?!” Ngumisi si Vince at tumango lamang, tila ba parang alam niyang ganito talaga ang presyo ng pagkain dito. “Ano to cellphone?!” “Ginto pala ang pagkain dito. Sana nag street food na lang tayo!” pagbibiro ko. I sound so cheap pero saan naman ako kukuha

