Ika Dalawampu't Limang Yugto : First Love Habang tinatahak ng ginang na si Eliza Valkrie ang daan patungong Maynila, ay abot langit ang nararamdaman niyang magkahalong kaba at excitement. Ngayong araw na niya makikita ang kaniyang anak na babaeng matagal na nawalay sa kaniya. Ang kakambal ni Jeydee. Sinabi man ni Jeydee na siya na ang maghahanap sa kakambal ay hindi na niya pinaalam na nauna na siyang mahanap ito. Nais niya itong sorpresahin. "Di na ako makapaghintay na makita ang anak ko Benjie." ani niya sa nagmamanehong pinakakaasahan niya mula noon pang assistant na pinakamatalik ding kaibigan ng pinakamamahal niyang si Kristof. Napatingin si Benjie kay Eliza mula sa salamin ng kotse at di niya napigilang mapabuntong hininga. "Masaya ako para sayo Ma'am pero.." kunot noong ani niy

