Ika-Dalawampu't Anim na Yugto: Never be your last. "Sino ka ba't ka nandito? " isang masungit na Jeydee ang tumambad sa isang batang babae na nasa ibaba ng hagdan ng kanilang malaking mansion. Nakatingala ang batang babae sa batang Jeydee na noo'y nakaternong blue na pajamas at may yakap yakap na brown na teddy bear. Mukhang kakagising lang nito. Matagal na natulala ang batang babae sa kaniya bago ito nakapagsalita. "B-bianca.. Bianca ang pangalan ko.." ngumiti ito ng matamis sa batang Jeydee "Ikaw anong pangalan mo? " ani niya sa maliit na boses. Bahagyang natigilan ang batang Jeydee. Ngayon lang siya nakaharap ng batang kasing edad niya dahil ang mga pinsan niya lang ang lagi niyang nakakasama. Bahagyang uminit ang pisngi niya ng ngumiti ang batang Bianca sa kaniya. Di maipagkakaila

