Ika-anim na Yugto : For just a second..
"Damn Dee asan ka na ba ?!" Kanina pang iritang sigaw ni Aika at halatang gigil sa kanina niya pang tinatawagan.
Pabalik balik siya sa sala ng Suite ng mga Valkrie at kinakabahang pinapasadahan ng tingin ang wallclock doon, halos mag aalas nwebe na at alas dyes ang prescon ni Jeydee pero ang hot niyang amo ay missing in action at worst hindi pa macontact !
"Urghh !" Frustrated niyang daing at napasalampak ng upo sa sofa "asan na ba yang hinayupak niyong pinsan at ng masakal ko na !"
"Relax Aiks.." tinignan niya si Riri na noo'y gising na dahil sa kaingayan niya "tawagan mo kaya ang manager niya baka nandoon.."
"Wala siya doon ! Natawagan ko na si Ms. Alex at ayon galit na naman ! Ayy leche.." problemadong problemado niyang saad.
Kapagka kasi di makapunta o talagang busy si Alex ay nagiging dalawa ang trabaho ni Aika. P.A na instant substitute Manager pa. Nakakatuwa ba ? Pwes para kay Aika delubyo yun lalo na't she got a one stubborn hot headed sexy boss. Na mahal niya naman.
Nasa ganoong sitwasyon ng bumukas ang pinto sa harap nila at niluwa ang sexy oozling hot na si Jeydee Valkrie.
"Jeydee Valkrie, where the hell have you been ?! Goodness alam mo ba na galit na galit si Ms. Alex ?! May prescon ka today ng ten !" Sunod sunod na sigaw ni Aika habang pinipigilan naman siya ni Riri na sugurin si Jeydee.
Napatingin si Jeydee sa wristwach niya at nakitang pasado alas nwebe na at baka magwala na ang buong WhyG Entertainment kung wala parin siya doon.
"Alright, I'll just take a quick shower then we'll go.." natatawang tinignan niya si Aika na noo'y umuusok na ang ilong sa galit "cute mo talaga Aiks.." sabay kurot nito sa ilong niya bago ito pumihit papasok sa kwarto niya.
Natigilan naman doon si Aika at napalingon kay Riri ng marinig itong tumatawa.
"What's funny ?" Tanong niya sa halos maluha ng tumatawang si Riri.
"You ! Haha! Isang pisilan sa ilong ka lang pala eh ! Pft.."
Binatukan nga ni Aika dahilan para lumayo ito sa kaniya pero nakatawa parin.
Pero sa totoo lang pinipigilan niya lang na magtititili at magpagulong gulong sa kama sa sobrang kilig. Ikaw kaya sabihan ni crush na cute with pisil pa sa ilong kakayanin mo ba ?
'Cute daw ako. Myghad Dee don't me !'
****
Halos malaglag ang panga ni Yuna at nabitawan niya pa ang dalang mga bagahe ng makaapak na siya ng lupa ng syudad. First time niya lang dito kaya napaka ignorante niya sa itsura neto.
Nanliliit siya, feeling niya di siya nababagay dito--ang gaya niyang taga probinsiya.
'Para kay tatay to'
Kinakabahan man at napapalunok sa paligid at mga tao ay kailangan niyang lakasan ang loob niya, kung hindi sisisihin niya ang sarili pag wala manlang siyang nagawa para sa ama.
Dahil medyo nagugutom na siya ay naglakad lakad muna siya para makahanap ng mabibilhan kahit tinapay at tubig manlang. Di kalaunan ay may nakita naman siya.
"Ah lola, magkano po to ?" Tanong niya sa matandang nagtitinda ng mga tinapay sa gilid ng kalsada
"Ay bente lang iyang tinapay na may pansit ija.." nakangiti namang turan ng matanda "ikaw ba ay galing pa sa probinsiya ?"
"Ay opo.."
"Siya ibibigay ko itong tinapay at tubig sayo ng libre.."
Nanlaki ang mata at gulat siyang tumingin sa matanda na noo'y pinagtutulakan na sa kamay niya ang isang tinapay at mineral na tubig.
"Naku lola wag po. Magbabayad po ako.." pagpipilit naman niya sa matanda
"Ano ka ba ija, alam kong nakikipagsapalaran ka dito sa syudad. At alam kong may paghihirap kang pinagdadaanan.." natigilan siya sa sinabi neto "sige na tanggapin mo na" ani ng matanda sa malumanay na boses.
Gusto niyang maiyak. Di niya kasi akalain na may mga katulad pa pala ni Lola Solidad na ganito kabait na taga syudad. Akala niya kasi mga matapobre ang mga tao dito.
"Naghahanap ka ba kamo ng trabaho ?" Tanong ng matanda sa kaniya habang kumakain na siya sa tabi nito, kapwa sila naka upo sa harap ng paninda niya.
"Opo.. nasa ospital po kasi si Tatay.."
Bakas sa mukha ng matanda ang pagka-awa kay Yuna. Hinawakan neto ang isang kamay ni Yuna sabay turo ng building na nasa kabilang kalsada.
"Nakikita mo ba yang malaking building sa harap natin ija ?"
Agad naman siyang napatingin sa matayog na building sa harap nila sabay bumaling ulit sa matanda at tumango.
"Kahapon ay narinig kong naghahanap sila ng janitress. Pwede ka jan ija.."
Nabuhayan siya ng loob sa sinabi ng matanda ! Napakaswerte niya dahil nakahanap agad siya ng trabaho !
"Talaga ho ?!" Masayang masaya niyang sabi
"Oo ija. Kaya tumayo ka na jan at pumunta ka doon. Aba'y baka maunahan ka pa mahirap na.." tapik ng matanda sa balikat niya.
Agad naman siyang tumayo at niyakap ang matanda.
"Salamat po lola ! Maraming marami pong salamat !"
Kinawayan niya ang matanda pagkatapos ay mabilis na tumawid sa kabilang bahagi ng kalsada habang bitbit ang mabigat niyang bagahe.
'Di ko kayo kakalimutan lola. Pag nakaahon kami sa hirap sa hinaharap isa ka sa mga babalikan ko..'
Halos maputol ang leeg niya ng tinanaw ang kabuuan ng matayog na building. Feeling pa nga niya ay malapit na neto maabot ang langit. Nakakamangha !
"WhyG Entertainment.." basa niya sa malaking sign na nakalagay sa building.
May nakita pa siyang mga posters at standee sa may intrada ng building at may isa doong mukha na ikinapako ng paningin niya. Nilapitan niya ang poster ng isang gwapong nilalang na nandoon ngunit bago pa niya to malapitan ng husto ay..
"Miss may kailangan ka ba dito ?"
Napalingon siya sa likuran at nakakita siya ng sa tingin niya ay guard ng building.
"Ah eh.. mag a-apply po sana ako bilang janitress..
"Ah talaga ? Tara pasok ka para maka usap ka nila.."
Kinakabahan man ay sumama siya sa guard at mas namangha pa siya sa nakita pagkapasok. Sobrang ganda at parang palasyo ! Di niya akalaing makapasok siya sa ganitong lugar.
Inikot niya ang buong paningin sa loob ng building..
"Wow.." mangha niyang bulong sa sarili
"Miss ?"
Agad siyang napabalik sa ulirat ng tawagin siya ng babae sa front desk.
"A-ay sorry.." pagpahingi niya ng paumanhin
Ngumiti naman ang babae sa kaniya at bigla siyang dinapuan ng inggit dahil sa ganda nito. Samantalang siya mukhang basahan lang.
"Akyat ka na lang sa third floor para makausap ka ni Sir Gillardo patungkol sa papasukan mong trabaho.."
Habang binibigyan ng instruction ng babae si Yuna na noo'y nakatalikod sa entrance ay siya namang pasok noon nila Aika at Jeydee. Halata sa mukha ni Aika ang pagkairita na kasabay lang maglakad ni Jeydee at tila pinapagalitan niya pa ito habang si Jeydee naman ay kalmado lang ang mukha at tatawa tawa pa.
He is amazingly eye catching sa simple niyang suot, pero malakas ang dating na black V neck shirt at ripped jeans with boots for men. Amoy na amoy din ang nakakaadik niyang pabangong haplos ng champagne at mentol--in short nakakalasing.
Nakapamulsa lang siyang naglalakad habang nginingitian ang mga babaeng staff at ibang WhyG trainee na madadaanan nila.
Halos mangisay naman sila sa kilig.
"You're so handsome !"
"Jusko sir Jeydee sarap mong hubaran ! Kyaah !"
"Omaygad ang init bigla !"
Yan ang sigawan kaliwa't kanan.
"Jeydee are you even listening ?!" Sigaw ni Aika kay Jeydee na kanina pa dada ng dada
"What is it Aiks?" Baling niya ng nakangiti ng sobrang tamis kay Aika.
Natulala naman ang P.A niyang lumulundag lundag na naman ang puso. Nilapit ni Jeydee ang mukha sa P.A niya at impit namang tumili ang nasa paligid.
"You're red like an apple Aiks. Want me to bite you ?" He playfuly whisper !
Tila natuod naman dun si Aika at feeling niya matutumba siya any moment !
'Myghad Dee !!' Tili niya sa utak niya
"But before that harapin mo muna si Alex.." dagdag pa ng amo niya
Then she snapped at naalalang malalate na pala sila ! Inuna kasi ang kilig sa trabaho teh !
Hinampas nga niya ang amo niya sa balikat.
"Arggh ! That's a cheap move Valkrie !"
Natawa naman si Jeydee sa namumula paring si Aika at makikita naman ang pagkainggit ng iba kay Aika dahil siyempre kahit P.A siya, lagi naman silang napapansing close ni Jeydee. Minsan nga naiisip ng iba na mag bf-gf sila. But they didn't know, that it is a one sided love.
"Inlove ka na niyan sakin ?" Panunukso pa ni Dee kay Aika na mas kinainis naman ng dalaga.
'Matagal na gago !' Gustong isigaw ni Aika yun pero inirapan niya na lang to at nilagpasan.
Natawa naman si Jeydee doon at naglakad na rin para pumunta sa prescon niya sa Third Floor ng building.
Tila slow motion na nadaanan niya ang pwesto ni Yuna gaya ng mga nasa movie. Papasara na noon ang pinto ng elevator ng madapo ang paningin ni Jeydee sa may front desk at saktong tumama ang mata niya sa pares din ng mata.
'Whoah what was that ?' He asked his mind when he felt a sudden tugging of heartstrings in that mere second.
"Umingay yata ?" Tanong ni Yuna sa babaeng kaharap niya
"Ah.. hihi.. dumaan kasi si Sir Jeydee" tila kinikilig na bulong ng babae sa kaniya
'Jeydee ?' Sa isip niya at nagpalinga linga din sa paligid
"Ayun oh pumasok na siya.."
Agad din niyang tinignan ang elevator sa harap nila na tinuturo ng babae pero ang tanging nakita na lang niya ay ang papasarang pinto neto at ang pares ng mata na nakatingin din sa kaniya.
Bigla siyang napalunok ng sa ilang segundo ay tila sinuntok ang dibdib niya pero madali lang..
'Ano yun ?'
Napailing na lang siya at pumasok narin sa kabilang elevator papuntang third floor para kausapin si Mr. Gillardo, ang may ari daw netong entertainment para sa mga artist.
*ting*
Di alam nila Jeydee at Yuna na sa paghakbang nila palabas ng elevator na iyon ay ang pagliit ng mundong ginagalawan nila..
Natigilan si Jeydee at napalingon sa likuran niya ng malapit na sila sa dressing room niya para makapag ayos. At sa paglingon niya ay nakakita siya ng babaeng papasok na sa opisina ni Sir Gillardo. Nangunot ang noo niya at may nagtutulak sa kaniyang pumunta doon. He was about to step ng hilahin siya ni Aika.
"Ano ba Dee bilisan mo na !"
"Relax Aiks ! Eto na nga oh. Easy swettie.." natatawa niyang komento habang tinignan ulit ang opisina ng Handler niya.
'Who'se that girl ?' He asked himself .