Ika pitong yugto : White Bear
Halos hindi na maalis ang ngiti sa mukha ni Yuna ng matanggap siya bilang janitress sa WhyG Entertainment ! Mabuti na lang at sobrang bait ng boss niya na si Mr. Gillardo Perez. Akalain mong tinanong lang siya kung ba't niya naisipang pumasok bilang janitress sa kompanya niya ay agad nitong binitiwan ang linyang.. "You're hired".
"Ay aba ke bata pa pala tong bagong janitress na pinapasok ni Sir. Perez.." sabi ng matandang janitress din na makakasama niya.
Tinuro kasi sa kaniya kung saan ang lugar na parang locker room ng mga nagtatrabaho ditong Janitress. Lahat sila ay pawang matatanda na, siguro ay mga nasa 30-40 years old na. Samantalang siya ay 21 anyos pa lang.
Isang damit na kulay krema ang uniporme nila at itim na pantalon. May maliit na logo sa gilid ng uniporme nilang damit na letter "G" na may korona sa taas--crowning Glory daw ang ibig sabihin noon.
"Ilang taon ka na ba ija ?" Tanong ulit ng kasama niyang matandang janitress habang abala siya sa pag-ayos ng mga gamit niya sa locker room nila, may uniporme na rin kasi siya.
"Ah 22 anyos na po ako.." sagot niya sa matanda
"Aba'y magkasing edad lang pala kayo ni Bryce !" Magiliw na ani ng matanda na tila tuwang tuwa
"Narinig ko yata ang pangalan ko Nanay Ana ah !"
Napalingon siya sa pinto ng locker room nila at natanaw niya mula doon ang isang binata na may dala dalang timba at mop ng sahig habang may puting tuwalya na nakasabit sa isang balikat neto. Pero hindi iyon ang ikinalunok niya kundi dahil topless ito !
'Jusko mahabaging langit ganito ba ang mga lalaki sa syudad ?'
Litanya niya sa utak
"Ay Bryce ijo halika !" Yaya ni Nanay Ana na head ng mga janitress doon at agad namang lumapit sa kanila si Bryce. "Eto nga pala si Yuna ang bago nating makakasama, at Yuna eto pala si Bryce ang pinakamasipag at matulungin na janitor dito. Magkasing edad lang kayo.."
Pinunasan muna ng Bryce ang kamay niya bago iyon inilahad sa harap ni Yuna.
"Ako nga pala si Bryce" ngumiti ito dahilan ng pagsingkit pa ng singkit na nitong mata "kinagagalak kitang makilala.."
Ngumiti din siya at tinanggap ang kamay nito..
"Ako nga pala si Yuna, kinagagalak din kitang makilala.." ani niya
"Magsisimula ka na ba ngayon ?" Biglang tanong ni Bryce na may soot ng uniporme at sumbrero, may dala din itong panyo at pang spray ng mga glass na bintana.
Ngayon naman daw kasing hapon ay na assign siya sa pagpapakintab ng glass window sa first floor ng building.
Umiling siya dito bago sumagot..
"Hindi bukas pa.. maghahanap na lang muna ako ng matutuluyan.." turo niya sa bitbit niyang mga bagahe.
Nakipagkilanlan na rin siya sa ibang janitress na makakasama niya at tanging sila lang ni Bryce ang bata. Pinakilala din siya nito sa ibang staff at maging sa guard ng building at nagpapasalamat siya na mababait sila hindi gaya ng inaakala niya.
Nagpaalam na siya kay Bryce at maging sa babae sa front desk na kinausap siya kanina at lumabas na. Nginitian pa siya ng guard ngunit biglang naagaw ng atensyon niya ang isang babaeng may hawak hawak na white bear na custom at tila problemado. Nakita niyang nasa tapat siya ng parang coffee latte na katabi lang ng WhyG Building.
"Ok lang po ba kayo ?" Tanong niya dito at napaatras siya ng konti ng sinalubong siya ng nag aalab na titig
"TangIna yan. Mukha ba akong ok bata ?" Maangas na turan neto sa kaniya.
May kagat kagat pa itong sigarilyo na wala namang sinde at para itong lalaki kahit sa pagtayo niya. May apron pa nga itong itim na nakalagay sa bewang niya. Pero nakakamangha dahil maganda ang mukha ng babae kahit sa tantiya niya ay mid30's na eto.
"Ah eh.. pasensya na po.. baka lang po kasi may maitulong ako.."
Natigilan siya ng bigla itong ngumisi at tila may isang ideyang pumasok sa isip nito na ikinaatras niya pa ulit.
"Good timing ka bata.." nakangising sambit neto
----
Humihikab si Jeydee habang hinihintay na bumukas ang elevator sa harap niya.
Kakatapos lang ng prescon niya at napagod siya sa kakasagot sa mga tanong sa kaniya. Mas lalo siyang mapapagod dahil magkaka concert siya next week.
He sigh at hinilot niya bahagya ang batok niya dahil talagang na stress siya. Alas tres na rin kasi ng hapon at gusto niya muna magkape.
"May pictorial ka for your concert after neto.." yan ang sabi ng Manager niya kanina pagkatapos niyang magbihis at bumaba to take a break for a couple of minute.
Bumukas ang elevator at dagli siyang nagsoot ng shades na siya din ang nag eendorse para di masyadong makilala paglabas ng WhyG. May bonnet din siya at kumikinang ang round gold piercing niya sa right ear.
"Ayon oh ! Gwapong gwapo kahit stress.." bati ni Bryce sa kaniya at nag high five pa sila.
"Ofcourse man yan nga ang puhunan ko eh.." then they both laugh
"Aba himala wala ang buntot mo ah ?" Sabi neto na lumilinga linga pa
Kumunot naman ang noo ni Jeydee..
"Who ?" He asked kaya napatingin si Bryce sa kaniya
"Sino pa edi si Aika ! Susme hanggang ngayon ba di mo parin alam na--"
"Bisugo !"
Kapwa sila napatigil sa malakas na sigaw na yun at nakita nila si Aika na may galit na galit na titig kay Bryce na ngayon ay tatawa tawa.
"Haha.. hello Ms. Bigo.. ooops" biro neto kaya nakatanggap siya ng sapak galing kay Aika
Di na to bago kay Jeydee dahil simula college ganito na silang dalawa. Sa pagkakaalam ni Jeydee ay magkaklase na sila Aika at Bryce since elementary. Same school lang sila tatlo since elem, hs at tertiary pero college lang sila naging magkakaclose kasi di naman sila classmates noon dahil star section sila Jeydee noon with his cousins ofcourse. Ni di nga niya natandaang may Aika na nag eexist ng HS at elem siya dahil parang college niya lang to nakita.
"Ano nga ulit yung sasabihin mo man ?" Tanong ni Jeydee kay Bryce
Pero nagulat siya ng tinulak tulak siya bigla ni Aika.
"Wag mong pansinin yan at bilisan mo ng magkape dahil busy ka pa !" Galit nitong turan kay Jeydee habang namumula
Nagtataka man ay natatawang naglakad narin si Jeydee habang katabi na niya si Aika maglakad at papunta sa coffee latte na katabi ng WhyG.
"Duda talaga ako sa inyo niyang ni Bryce since college Aiks eh.. tell me are you two.." pambibitin niya na tila nanunukso
"Tigilan mo kung ano man yang iniisip mo Valkrie, hindi ganun at walang ganun !" Nakanguso at humalukipkip nitong turan na kinatawa naman ni Jeydee.
"Para kasing may lihim kayo na kayo lang ang nakakaalam.. haha"
Napabuntong hininga na lang si Aika at napa iling.
'Kasi manhid ka ! Buti pa siya matagal ng alam ang feelings ko pero ikaw.. haayy' malungkot na saad ni Aika sa isip.
Nang nakarating na sila sa coffee latte ay ang white bear na naka custom agad ang bumungad sa kanila. Kumakaway kaway ito sa mga taong dumadaan na tila nang eenganyo ito ng costumer.p..
Ito kasing white bear ang logo ng coffee shop at White Bear din ang pangalan ng kapihan.
Hindi naman napapansin noon ni Jeydee ang bear pero napatigil at napatitig siya sa white bear nayon habang nakakunot ang noo. Tila ba sinusuri niya to..
'Bumaba yata ang tao sa loob ng bear ? Medyo mataas to dati eh' sa isip niya
Hinawakan ng isang daliri niya ang labi niya at sinusuri parin to. May kung ano sa kaniya na gustong tanggaling ang ulo ng costum para makita ang tao sa loob..
"Hoy Dee tara na ! Magagalit na naman si Ms. Alex mamaya pag nalate ka !"
Kahit naka order at naka upo na siya sa may glass window ng coffee shop ay tinitignan niya parin ang white bear na nasa labas ng kapihan.
Maya maya pa ay may lalaking hingal na hingal na pumasok sa shop na agad namang kinausap ng Tita Thea niya--ang may-ari netong coffee shop na Mommy ni Tey. Hula niya ay yun talaga ang original na nagsusuot ng costum na yun at nalate lang..
'f**k now I can see you' nag aabang niyang saad sa utak
Maging si Aika ay napatingin na rin sa tinitignan ni Jeydee at kumunot ang noo ng makitang ang white bear ang tinitignan neto..
Unti-unting tinanggal ni Yuna ang napaka init na costum na pinasuot sa kaniya kanina ng maangas na may ari ng kapihan dahil akala neto ay di na dadating ang empleyado niyang sumusuot neto..
"Salamat bata ha. At gaya ng pangako ko sayo pwede kang magtarabaho dito tuwing weekend bilang delivery girl.."
Napangiti ng malapad si Yuna dun dahil Lunes hanggang byernes lang ang trabaho niya sa WhyG at talagang gusto niyang kumayod pa dahil para ito sa ama..
"Talaga po ?! Naku salamat po--"
"Thea" pagpuputol sa kaniya ng maangas na si Thea
"Maam Thea.."
Binigay na niya sa lalaki ang costum at nagpaalam na rin kay Thea para makahanap na ng matutuluyan ng biglang may humigit sa braso niya na ikinagulat niya..
"Damn, what are you doing here ?"
And again natulala siya sa mukhang iyon.
'Yung artista !' Gulat niyang usal sa isip.