YUGTO 2

1310 Words
Ikalawang Yugto : Ang Pagtatagpo "Tay alis na po ako !" Sabi ni Yuna sumaludo sa tatay niya na noo'y sumasayaw sayaw pa habang nagluluto. "Aryt Miss byutipol ! See u latur !" Ani ng ama na nag flying kiss pa Natatawa at umiling iling na lang siya habang papalabas ng bahay. Nagsuot siya ng sumbrero at binitbit ang malaking basket para pumunta sa taniman ng bayan. Yun ang taniman na pinangangalagaan nila lahat at dun din sila namimitas ng hanapbuhay nila. "Ay Yuna ija !" Bumaling si Yuna sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Aling Nesa na papalapit sa kaniya. Lumawak ang ngiti niya. "Aling Nesa ! Uy ano tayo jan ? Haha !" Sabi niya pagkalapit nito. "Ikaw na bata ka. Oh heto ang iyong rasyon.." sabi ni Aling Nesa sa kaniya sabay abot ng balot ng sabon, lotion, shampoo, conditioner, at pabango na may strawberry na flavor. "Yes naman aling Nesa. Salamat ! Ika'y mabuting mamamayan. Haha !" Napa iling na lang ang matanda sa kaniya at pagkatapos ay nagpaalam na para mamigay pa sa ibang dalagita. Si aling Nesa ay mayaman at meron silang plantasyon ng Strawberry sa Baguio. Ngunit mabait si aling Nesa at sa katunayan lagi niya silang binibigyan ng stawberry na produkto pag nauwi ito dito. Libre pa. Maya maya pa ay narating na ni Yuna ang taniman at nagsimula ng mamitas doon. Marami siyang pinitas dahil makikipagkompetensiya pa siya sa kababata niyang si Layz. 'Humanda ka kapreng Layz! Mwahaha !' malakas niyang muwestra sa isip. Ngunit sa dami ng pinamitas niya ay sobrang bigat ng basket niya at nahirapan pa siyang bumaba. Kamalas malasang nabutas pa ang basket niya sa bigat at nagsigulong ang mga ito! "Ah ang mga paninda ko !" Sigaw ni Yuna at dali daling hinabol ang mga papalayo ng paninda niya. "Sandale !" Hingal na hingal na ani niya pagkababa at mabuti na lang ay tumigil na iyon. Isa isa niyang pinulot ang mga yun ngunit.. "Ehem" tumingala siya sa boses na tumikhim ngunit nasilaw siya sa liwanag ng araw na nasa likuran nito. Iginala niya na lang ang paningin niys at gayon na lang ang panlalaki ng mata ni Yuna ng marami siyang nakitang ileganteng mga tao at may mga camera pa! 'Hala may taping ata dito ng artista !' Sigaw niya sa isip. "Miss is this yours?" Nilingon niya ang boses na yun at halos nakalimutan niya kung ano ang ginagawa niya dito sa sobrang gwapong nilalang na nasa harap niya. Ang kinis, ang tangos ng ilong at ang pula ng labi nito na mamasa masa pa. Ilang segundo din silang nagkatitigan at merong pakiramdam na bumalot sa kaniya 'K-kilala ko ba to ?' Gulo niyang ani sa isip. Napa iling siya at kinuha ang paninda niya sa kamay nito na ini abot din nito. "S-salamat.." Ani ni Yuna pagkatapos niyang kuhain yun. Pinamulot niya pa ang iba na malapit sa lalaki at natutuliro siya kasi nakatitig ito. Pinulot ni Yuna ang isa na nasa paanan lang nito at natigilan siya ng maramdaman niya ang hininga nito sa ulo niya. "You.. smelled nice.." anito. Napalayo siya. Napalunok siya at di makatingin ng diretso sa kaniya. 'Maniyak yata to ! Tsh !' Inis niyang ani sa isip. "Jeydee anong ginagawa mo !" Lumapit ang isang magandang babae na may dalang bata sa lalaking tinawag nitong Jeydee. 'Familiar ah ? San ko nga narinig yun ?' Tanong niya sa isip, pinagkatitigang maigi ang kaharap niya. "Miss nakuha mo na ba lahat ng prutas mo ? May taping pa kasi kami at nakakaistorbo ka.." sabi ng isang katandaan na lalaki at di niya maiwasang mapahiya. "S-sorry po.." aalis na sana siya kaso may humablot sa braso niya. "Wait. Tell me you're name, bella." Sabi ng lalaking tinawag nilang Jeydee kay Yuna. "Hindi bella ang ngalan ko. Yuna, Yu-Na.." sabi niya. Bahagya itong natawa. "Cute. Bella, means beautiful sweetie.." anito at umangat pa ang sulok ng labi nito "can I.." napaatras siya ng lumapit ito sa kaniya "have a scent of you're fragrance again ? You smelled like strawberry and it takes me away.." he said looking at her. 'Ang maniyak ! English yun pero alam kong kamanyakan yun !' Disgustong ani ni Yuna sa isip. "Jeydee !" Natinag siya ng may pumagitnang babae sa kanila. "What the hell Aik's ? This ain't no time to be jealous.. haha !" Ani nito sa babaeng nasa gitna. Napansin niya ang pagpula ng tenga ng babaeng tinawag nitong Aik's ngunit si Yuna lang yata ang nakapansin. "Don't jerk around Jeydee. You're Valkrie Hormones is starting again." Natahimik ang lalaking si Jeydee at sumeryoso ang mukha, tila may naisip bigla. Seryoso ang mukha niya at tinitigan muna si Yuna bago nagsalita. "Sorry miss pero makakaalis ka na" ani ng babaeng nagngagalang Aika sa kaniya. Di na nagpaligoy ligoy pa si Yuna at tinalikuran na sila. Feeling niya napahiya at nabastos siya doon. 'Mga mayayaman eh ' napa irap siya sa kawalan. "Oh ! Pang byernes santo ang mukha naten ah ! Haha.. anyare ha payatot ?" Dinig niyang sabe ni Kapreng Layz ba kababata niya habang inaayos niya na ang mga paninda niya. Napa tsk na lang siya ng maalala niya ang nangyare kanina at mas lalo lang nainis ng maalala niya ang gwapong mukha ng lalaking iyon. "Hoo~ panget na nga mas pumapanget pa.." Inis siyang tumingin kay Layz na ngayo'y sumisipol sipol na parang wala siyang sinabe. "Pwede ba Kapre sira na nga ang araw ko mas sinisira mo pa !" Pasiring niyang sigaw sa kaniya. Ngumuso lang ito habang nakangisi pa at parang tuwang tuwa pa siya na mainis si Yuna Pinagpatuloy niya na lang ang ginagawa niya at di na ulit sila nagkibuan. ---- "Jeydee ! Hoy Jeydee !" Tawag pansin ni Aika sa hot niyang amo na ngayo'y nakatulala sa kawalan at parang ayaw pang umalis sa set. Maayos namang naitapos ang shoot ni Jeydee kaso nagmula ng encounter sa babaeng probinsiyana na iyon ay hindi na maka usap ng maayos si Jeydee. "Aika.." Tawag pansin nito kay Aika. Napakislot siya ng tinawag nito ang pangalan niya. Hindi Aik's kundi Aika talaga. Meaning seryosong usapan ito. "B-baket ?" Tanong niya. Tinignan siya nito at may kung anong meron sa mata nito na parang naghahanap. Kinabahan siya dahil nagkaroon siya ng kutob. Umiling muna ito, yumuko at tumingin ulit sa kaniya. Parang pinag iisipan pa niya ang sasabihin. "Is.. love at first sight.. possible ?" He said. Nanlamig si Aika. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabi nito. 'No.. no Jeydee..' Sumamo niya sa isip. Natulala lang siya sa kaniya at hindi mahanap ang mga salitang sasabihin. Parang namimilipit ang dila niya at may kung anong bumara sa lalamunan niya. Pinada usdos niya ang mga daliri nito sa buhok nito at pumikit. He bite his lip and opened his eyes again. This time normal na ulit ang aura nito at ang mga mata nito ay bumalik na ulit sa dati. "Maybe not.. Nakakatawa namang isipin kong magmahal ka agad pagkakita mo sa tao. Baka namangha lang ako sa mukha ng babaeng yun.." naglakad na ito at nilagpasan siya "Let's go Aik's ! Forget that I even said that nonsense.." Pahabol pa nito. Nanghina siya at napabuntong hininga. 'Akala ko mawawala na siya sa akin' kabado niyang ani sa isip. "Aika ? Ok ka lang.. Si Jeydee asan na ?" Tiningala niya si Manager Alex na noo'y karga karga ang natutulog nang si Chi. "A-ah nasa sasakyan na Ms. Pa-papunta na rin ako dun.." She looked at her for a second at tumango din bago umalis. Sumunod na rin siya at naabutan si Jeydee sa sasakyan na naka headset na at nakapikit. 'Parang ayaw ko na magmamahal ka.. gusto ko akin ka lang Dee' Napapikit siya ng mariin habang papaalis na sila sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD