YUGTO 3

1364 Words
Ikatlong Yugto : Girl, you are a virus Iminulat na agad ni Jeydee ang mata bago pa man siya gisingin ni Aika na noon ay nagulat sa biglang pagising niya. Hindi naman kasi siya tulog buong byahe. Pano siya makakatulog? Kung habang nakapikit siya eh mukha ng babaeng yun ang nakikita niya, at doon siya naguguluhan. 'What the f**k Dee? Probinsyana lang yun !' Parang tangang pangaral niya sa sarili niyang isip. "Dee?" Tila nagising naman siya ng marinig niya ang pagtawag ni Aika sa kaniya sa gitna ng lutang niyang pag-iisip He sighed. "Geh." Yun lang ang sinabi niya at lumabas na ng kotse papasok ng Valkrie Condo Building without making a second look to his P.A Sinuot niya ang bonnet niya at nag-iisip pa rin habang naglalakad sa building. Nagising lang siya ulit ng bumukas ang elevator at may nakasabay pa siyang babae papasok pero di na niya pinansin. "f*****g Strawberry" he whispered at napapikit ng mariin. *ting* Mabilis siyang lumabas ng elevator at pagkapasok niya ng Valkrie Suite ay nagulat siyang kumpleto ang mga pinsan niya doon--which is bihira lang mangyari. "Heyo heyo Mr. Actor.." ngisi agad ni Tey ang sumalubong sa kaniya habang ini angat ang isang kamay na may hawak na basong may laman na alak at prenteng naka dikwatro sa sofa. Ibinagsak niya ang sarili sa sofa din at sumalin din ng alak sabay straight itong tinungga. "Whoah~" sabay na untag ng apat na pinsan niya. "Problem ?" Nakahalukipkip na tanong ni Tabi na katapat lang niya. "Nah.." sumandal siya sa sofa at ilang minutong pinagmasdan muna ang kisame bago sumagot "just craving for.. err, strawberries ?" Kunot noo niyang turan. "Pft ! Strawberries ? Gayshit" "Shut up, Ri" tinignan niya ng masama si Riri na noo'y nakataas ang dalawang braso sa sandalan ng sofa at nakadikwatro..l Tumawa lang ito sa pang shashut up neto sa kaniya. Yan pa, eh hari ng pang iinis yan. Pag ininis mo, mas natutuwa pa. "Kompleto ata tayo ngayon ?" Tinignan niya sila isa isa bago nagsalita "magpapa lechon na ba ako? " Sa isang buwan kasi halos lima or tatlong beses lang sila nagiging kumpleto or nagkakasamang kumpleto dahil nga sa mga busy silang tao. At dalawa or isang beses lang sa isang buwan sila nakaka uwi ng Hacienda. Eh halos sunod sunod na gabi na silang nagiging kumpleto. "Ayaw mo nun man? Pwede pa tayong mang chiks ngayon eh 10 pa lang naman.." saad ni Tey na tumaas baba pa ang kilay. "Gago." Si Dae na isang propessor na matino sa kanilang lima "magsitulog na kamo tayo.." he said "Awts man ! TGIF pa naman ngayon, daming chikas na paparada ngayon sa ClubLight~" tukoy ni Tey sa Club na paborito nilang puntahan. Tumayo si Dae at ang akala nila na pupunta ito sa silid niya ay napatawa pa sila ng papunta ito sa pinto palabas ng Suite nila. "Ano tatawa na lang ba kayo jan ? Masamang pinaghihintay ang mga magagandang dilag man.." ngumisi pa ito "that's not the Valkrie way.." Nagsitawanan naman silang lahat at magkaka akbay na lumabas sa Valkrie Condo. Pagkarating sa parking area sabay sabay nilang pinatunog ang mga nagsisigandahan nilang kotse at lumarga papuntang ClubLight. 'This is more like it' sa isip ni Jeydee at pinalis ang lahat ng nasa isip niya kanina. Sa ngayon ang tanging nararamdaman na niya ay excitement na makipaglaro ulet sa mga dilag. ---- Buntong hininga at pagod na pagod na tumihaya pahiga si Aika sa kama niya pagkadating niya ng bahay nila. Bakas ang lungkot sa mukha niya ng basta na lang siyang iwan ni Jeydee kanina sa parking lot pagkatapos na iparada ng Driver nito ang Baby Lambo niya. Pagod na rin kasi si Jeydee kanina at tinawagan na lang niya ang driver nito na siya na ang magmaneho imbes ang amo. Pumikit siya at naramdaman ang isang mainit na bagay na tumakas sa mga mata niya, tumuloy hanggang pisnge hanggang sa tuloy tuloy na itong lumabas sa mga mata niya. 'Sobrang sakit na JeyDee.. sobrang sakit ang mahalin ka' naninibugho niyang turan sa sarili. Naitakip niya ang mga kamay sa mukha at doon inilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya. Alam niya at batid niya na ni minsan hindi siya neto tinignan ng may pagmamahal. Yun bang may linya sa pagitan nila at kahit ano mang gusto niyang tumawid sa pwesto neto eh kilos na mismo ni Jeydee ang nagsasabi na "sorry hanggang jan ka lang.." Di niya alam pero malakas ang kutob niya na binabagabag si Jeydee ng probinsyanang iyon. Pero bakit? Kanina niya lang nakita ang babae pero ganun na ang epekto niya kay Jeydee, pero siya? Halos buong buhay niya si Jeydee lang ang inaalala niya pero bakit ganun? Ni isang beses hindi niya manlang napatulala si Jeydee gaya kanina. Ang mas masakit pa dun iniwan niya lang siya neto kanina sa parking lot ng ganun ganun lang. Minulat niya ang mata niya at napangiti ng pagak ng maalala ang eksena kung saan una niyang nagustuhan ang isang Jeydee Valkrie.. "Ayan ! Linisan mo mag-isa tong classroom nerd !" Napadaing siya sa sakit ng ihagis mismo sa kaniya ng kaklase niya ang dustpan at walis tambo at tumama iyon sa tiyan at braso niya. "A-aray.." mahina niyang daing at hinimas himas pa ang braso niya.. "Hmmp ! Buti nga sayo.. girls let's go.." Umalis na ang mga kaklase niyang lagi siyang binubully at siya naman ay dahan dahang pinulot ang walis at dustpan habang papatulo na ang luha.. "Are you alright ?" Napa angat siya ng tingin ng may marinig siyang tinig ng lalaki.. At gayun na lang ang gulat niya ng mapagtanto kung sino ito.. Bahagya siyang napaatras dahil sa takot at tila napansin naman to ng lalaki. Bumuntong hininga ito at may dinukot sa bulsa. "Here.." may ini abot ito sa kaniya at nanginginig ang kamay na kinuha niya naman ito.. 'B-bandaid ?' Tanong niya sa isip niya.. "You're hurt. I hope it can lessen the pain.." turan neto bago umalis. Napalingon siya sa pader ng kwarto niya kung saan nakadikit doon ang isang kalumaan ng band aid. Napatawa siya ng konte habang panay lang ang tulo ng luha niya. 'Sign ba ang bandaid na yan na puro sakit lang ang mararamdaman ko mula sayo.. Jeydee ?' ---- Ingay. Alak. Sigarilyo at mga taong nagsasayawan agad ang bumungad sa magpipinsang Valkrie sa usual tambayan nila na ClubLight. Dito din nga minsan nagkakaroon ng gig ang ShutDown band na banda ng isa sa pinsan ni Jeydee na si RiRi. "Men.. look at those señoritas." saad ni Tey habang tinitignan ang mga babaeng nagsasayawan at mga naka short shorts pa. Naka upo na sila sa Second Floor ng club na pwesto mismo nila at tanaw na tanaw nila ang mga chikababes sa baba. "Hey balita ko pauwi daw dito ang anak ng may ari netong club.." sabi ni Dae habang nagsasalin ng Jack Daniels sa shot glass niya.. "Yeah at magkaka gig kami nun exclusively for her.." ani ni Riri na sinusundan ng tingin ang mga napapadaan na chikababe sa harap nila at ngingitian.. "Her ? Ibig sabihin chikababe ang anak ni Don Menesis ?" Tila excited na turan ni Tey at napaharap kela Riri at Dae "Malamang dude.. may Her bang maton ?" Tabi said as a matter of fact at inismiran lang siya ni Tey Siya naman ay nakatingin lang sa alak na hawak niya habang may malalim na iniisip. Isang bagay na kanina pa talaga bumabagabag sa kaniya.. "Sup Dee kanina ka pa ata tahimik. Problem ?" Tanong ni Tey na umakbay pa sa kaniya Ini staright niya ang hawak na alak at ramdam niya ang medyo manipis na hapdi na dumaan sa lalamunan niya.. "Nah.. it's just.." he paused at linihis ang atensyon sa baba ng naka kunot ang noo "girls here are kinda boring.." saad niya na dahilan ng pagtitinginan ng magpipinsan.. 'Damn.. what is wrong with me ?' Gulong tanong niya sa utak dahil pakiramdam niya parang inuutusan siya ng katawan niya na bumalik sa probinsiya at makita ulit ang babaeng iyon. It's like he was stabbed in the chest the moment that girl's eyes laid on his.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD