Ika Apatnapu't Siyam na Yugto: Back To You.. Or Not? Yuna was dombfounded sa reaksyon ni Eliza matapos niyang ibigay dito ang sulat at litrato na nakita niya sa kwarto ni Kristof. Pagkarating na pagkarating nga niya kanina sa Hacienda, natagpuan niya ang mga nagkakagulo nilang maid at guards dahil sa paghahanap sa kaniya matapos niya mawala nang hatinggabi. Pero hindi na niya pinansin pa iyon dahil agad niyang hinarap si Eliza na noo'y nag-aalala din. Ngayon ay nasa harap na niya ito. Nanghihina itong napa-upo nang makita ang ibinigay ni Yuna, at hindi na tapos makatingin sa kaniya. Bigla ay may nahinuha ang dalaga. "A-alam niyo na po ba? " magalang niyang ani. May kaunting ngiti sa mukha niya pero bakas din ang kakaibang pagtataka. Bigla ay napaiyak si Eliza at napahigpit ang hawak sa

