Ika Apatnapu't Walong Yugto: Kristof's Letter Yuna anak, Alam ko kapag nabasa mo na ang liham na ito ay wala na ako jan sa piling mo. Marami akong gustong ihingi nang tawad sa iyo, ija. Una sa lahat, matagal ko nang alam na ako ay may malubhang karamdaman. Hindi sa ayaw kong ipaalam sa iyo pero kilala kita ija, igugugol mo lang ang sarili mo sa pag-aalala sa akin at ayaw na ayaw ko iyon. At ang pinakamalaking bagay na gusto kong ihingi nang tawad sa iyo ay ang pinakamalaking lihim na inilihim ko sa iyo. Yuna ija, huwag ka sanang mabibigla pero, hindi kita tunay na anak. Ikaw ay anak nila Eulices at Nami na mga matalik kong kaibigan na nagmagandang loob na patuluyin ako sa tahanan nila noong mga oras na wala akong mapupuntahan. Hindi ko pinaalam noong araw na iyon na umalis ako sa Hacien

