Ika Apatnapu't Pitong Yugto: Back at One Hindi alam ni Yuna kung ilang oras na siyang umiiyak magmula nang nakauwi sila sa Hacienda pero, bigla na lang din siyang napagod at natulala sa harap nang bintana niya kung saan matatanaw ang kalangitan na napapalibutan nang mga bituin at sa gitna ay ang maliwanag at bilog na buwan. She can't still get over it. Ayaw man niyang tanggapin alam naman niyang wala na silang magagawa ni Jeydee. Everything is over. Wala na. Tapos na. "Jeydee.." nasasaktan niyang ani at niyakap ang sarili sa pagkakahiga. Inalala niya ang pakiramdam na yakap-yakap siya ni Jeydee. Iyong pakiramdam ng mainit nitong hininga sa tenga niya na paulit ulit na bumubulong sa kaniya kung gaano siya nito kamahal. Sapat na ang mga ala-alang iyon para lalo siyang masaktan at mas lalo

