YUGTO 12

1126 Words
Ika-labindalawang yugto : Delivery Girl Sabado. Weekend at wala ng trabaho si Yuna sa WhyG pero heto siya ngayon at nasa harap ng White Bear coffee shop na pag-aari ni Thea Valkrie--ang nanay ng great cassanova ng Valkrie cousins na si Tey Valkrie. Naalala niya kasi na every weekend ay nakipagkasundo siya kay Thea na magiging delivery girl siya sa coffee shop neto. Lalo na't nalalapit na ang operasyon ng ama kung kaya't mas lalo siyang magsisipag at pagkatapos ay uuwi siya para sa operasyon nito. "Oh bata ? Tutunganga ka na lang ba jan ?" Napatalon siya sa gulat ng marinig niya ang maangas na tinig ng babaeng yun. Hayun at nakita niya si Thea na nakasandal sa glass door ng shop niya habang may kagat kagat ulit na sigarilyong walang sindi. "Ah eh-- g-goodmorning po Miss Thea" she shyly said. She heared her "tss". "Wag mo akong mamiss miss jan bata. Thea na lang. Masyado kang pormal" "Ah eh, sorry po Thea.." "Anak ng, nag po ka sabi ko nga Thea lang diba?" nandidilat ang matang turan neto. Katakot naman. "Sorry Thea.." "Yan! Ayos yan bata. O siya mag-umpisa ka nang kumilos.." Napabuga siya ng hangin matapos nitong tumalikod paalis sa harap niya. Di niya alam kong bakit ganun na lang ito kasungit. Nasa kalagitnaan siya ng pagpupunas ng mesa ng katatapos lang na kumain ng costumer, ng marinig ni Yuna ang pagbagsak ng telepono ni Thea. Nilingon niya ang amo at halatang badtrip ito sa kung sino man ang tumawag sa kaniya. Halos mapatalon siya sa gulat ng tumingin ito sa kaniya at kunot na kunot pa ang noo. "Oy bata.." sinenyasan siya ni Thea na lumapit sa kaniya. "Bakit po- ah este bakit Thea ?" May isinulat si Thea sa isang papel at pabagsak itong ini abot sa kaniya pati ang limang box ng patong patong na pizza. "Oh ayan unang delivery mo ngayong araw. Idala mo sa address na yan. At wag na wag kang babalik ng di nagbabayad ang pinadalhan mo niyan. Malinaw ba bata ?!" Galit na ani ni Thea "Malinaw ba ?!" "O-oo ! Oo!" Agaran niyang sagot sa takot dito. "Good! Umalis ka na!" Hinablot niya ang pizza at dali dali siyang lumabas at sumakay sa motor ng White Bear Delivery. She knows how to drive. Tinuruan siya ni Layz noong highschool sila. "Valkrie.. Building ?" Basa niya sa nakasulat sa papel 'Valkrie?' **** "Ahhh !! No schedule day !" Masayang sigaw ni Riri Valkrie sabay hilata sa sofa ng suite nila. Halos lahat kasi silang magpipinsan ay walang appointment ngayong araw ng sabado kung saan once in a blue moon lang mangyari. Napatingin si Jeydee sa pinsan niyang si Tey na noo'y busy sa kalilipat ng channel sa T.V nila. Napag desisiyunan kasi nila na mag movie marathon ngayong araw dahil lahat sila ay tinatamad na lumabas para mag club or gumimik. "Yah, Tey ! Order ka ng pizza sa resto ni Tita Thea." Ani ni Jeydee sa pinsan nitong si Tey, tinutukoy ang cafe ng ina niya. Napatingin din ang iba nitong pinsan sa kaniya na noo'y mga kapwa nakahilata din sa carpeted floor ng suite. "Oo nga bro para naman may malamon pa tayo" ani ni Dae Valkrie na pinagmamasdan ang nakakalat na nilang mga supot ng chichirya sa sahig at mga canned beer. "Aryt I'll call Mom.." Tey "Goodluck Bro." Ani ni Tabi na sumusubo pa ng chichirya dahil alam naman nilang lahat kung gaano kasungit si Thea, ang Mommy ni Tey. "Yo Mom!" Nakita nila kung paano nilayo ni Tey ang cellphone niya sa tenga pagkatapos niyang batiin ang ina. Di nila maiwasang matawa. "Aish Mom ! Tsk. Pizza ! Uh-huh.. yeah yeah.. hawaiian overload.. 5 boxes.. tsk ! Aish ofcourse ! Kbye.." then the conversation ended there. "Tita Thea doesn't change at all.." iiling-iling na ani ni Dae "Yung anak din naman.. wahaha!" Inis na binato ni Tae ng unan si Riri na noo'y nabilaukan pa sa kakatawa. "Shut up Panda. Abangan mo na lang ang delivery dun sa labas." Natawa na lang din si Jeydee sa kakulitan ng mga pinsan niya ngunit may parte sa kaniya na tila kinabahan sa isiping may magdedeliver ng pizza sa unit nila. He can't pinpoint what it is but his heart feels excited out of nowhere. **** Nasa tapat na ng Valkrie Building si Yuna kung saan niya idedeliver ang 5 box ng pizza na dala niya. Lumapit siya sa FO ng building para ikompirma ang pakay niya at tinanong narin niya kung saang floor ang VIP Suite na nakalagay sa papel na bigay ni Thea. Laking gulat niya ng malamang nasa pinakataas to ng building. "Mga VIP siguro tong pagdadalhan ko eh.." Sa di malamang dahilan ay nakaramdam siya ng halong kaba at excitement sa bubungad sa kaniya pagkabukas ng elevator. Para bang may makikita siyang taong magpapakaba sa kaniya. At ganun na lang ang gulat niya ng hindi floor na may maraming rooms ang bumungad sa kaniya kundi bumungad sa kaniya ang isang malawak na sala pagkabukas ng elevator. Isang buong unit na pala ang pinakataas ng building ! VIP indeed ! Nakabukas ang malaking flat screen na tv kung saan may movie na nakapalabas. Nagkalat na mga chips na wala ng laman, at limang pares ng mata na sabay sabay na lumingon sa elevator na nilabasan niya. "Pizza !" Tumakbo si Riri Valkrie papunta kay Yuna at kinuha ang limang box ng pizza mula sa kaniya "thanks delivery girl ! Oy Tey bayaran mo na to !" 'Tey ? As in Tey Valkrie ? Valkrie.. Valkrie.. Valkrie Building !' Gulat na ani niya sa isip niya. Noon niya lang pinagtanto kung nasaang lugar siya. "Tch. Why do I have to pay my own Mom. Thanks delivery girl you can go now." 'Mom ?' Napatakip si Yuna ng bibig niya ng napagtanto niya kung sinong Mom ang tinutukoy ni Tey. Noon niya lang din napansin ang pagkakahawig ng mga to. Bumilis bigla ang t***k ng puso niya ng may pares ng mata ang natagpuan ng paningin niya. Tinititigan din siya nito na tila ba tutunawin siya nito sa kinatatayuan niya. 'J-jeydee Valkrie' Dali daling yumuko si Yuna at mabilis na pumasok ulit sa elevator. Mariin niyang pinindot ng ilang beses ang ground floor na button ng elevator at napahawak siya sa dibdib dahil sobrang lakas ng kabog ng puso niya. Di niya alam kung bakit ganoon nalang ang epekto ng mga titig ng isang Jeydee Valkrie sa kaniya. He is so intense, so dangerous yet his stares are so sexy that it can melt people. Ng makarating siya sa ground floor ay dali dali siyang lumabas para makaalis siya. She was about to wear her helmet ng may humablot sa kaniya. "Sandali.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD