Ika Labingtatlong Yugto : Paalam
"Sandali" natigilan si Yuna sa akmang pagsuot ng helmet niya ng may humablot sa braso niya. Bumilis ang t***k ng puso niya at di niya magawang harapin ang taong nakahawak sa kaniya.
"P-payatot ?" Ngunit biglang natigil sa pagtibok ang puso niya ng marinig ang salitang isang tao lang ang tumatawag sa kaniya.
Ganoon na lang ang gulat ni Yuna ng sa pagharap niya ay ang mukha ng kababata ang bumungad sa kaniya !
"K-kapre ?! Anong ginagawa mo dito sa siyudad?!" Sigaw niya sa kababatang si Layz na noo'y nabitawan ang bibit niyang mga bagahe at agad siyang niyakap.
Di agad nakagalaw si Yuna sa yakap nito at bigla na lang din sumakit ang dibdib niya sa di malaman na dahilan. Tinulak niya ng bahagya ang kababata ng bumalik na ulit siya sa katinuan.
"T-teka nga kapre ! Ano kako ang ginagawa mo dito sa siyudad? Si tatay kamusta na siya ? Ba't mo siya iniwan dun !" Inis niyang sabi sabay palo niya dito sa balikat.
"Sandali isa isa lang ang tanong payatot pagod pa ang kalaban mo !" Inis na turan ng kababata niya sa kaniya pagkatapos ay pinulot ang mga bagahe nito at luminga linga sa paligid na tila may hinahanap. "Wala bang malapit na kainan dito payatot ? Gutom na kasi ako, tsaka para makapag-usap narin tayo ng ayos.." seryosong ani nito sa kaniya.
****
Agad napatayo si Jeydee sa kina uupu-ang sofa ng bigla na lang tumalikod si Yuna sa kanila at agad na sumakay ng elevator para bumaba.
"Oh bro saan ka pupunta ?" Tanong ni Tabi ng bigla na lang siyang napatayo
"Ah I'll just gonna pay for our pizza.." he said na ikinataka ng mga pinsan niya.
"Hey bro wag mo na baya-- hey bro !" Di na niya narinig pa ang boses ni Tey dahil pumasok na agad siya ng elevator at dagling pinindot ang button para sa ground floor.
Pinaglaruan niya ang labi habang tintignan ang numero sa itaas ng elevator na pababa. He is also tapping his right foot on the floor tanda na hindi na siya mapakali.
"Aish.." mahina niyang usal sabay gulo ng buhok but still his hair fall back on the right place. Malambot kasi to at hindi madaling magulo.
He immediately dash out of the elevator ng bumukas ito. His large steps immediately brought him outside the building at agad siyang napahinto ng nakita niya si Yuna na yakap yakap ng lalaking nakita din niya sa probinsiya.
"Why the f**k is that guy here ?" He silently curse under his breath as he watch them talking di kalayuan sa pinagtatayuan niya.
"Is he really your boyfriend huh ?" He asked himself as he watched them sharply.
He can feel irritation inside him habang nakikita niya kung gaano kalapit ang lalaki kay Yuna. He doesn't like the sight of Yuna watching any man. He wants her attention so bad. Di niya alam kung bakit pero inis na inis siya sa nakikita.
Napahakbang siya ng makita niyang hinila ng lalaki si Yuna. Pero dahil di naman niya alam ang sasabihin pag nakalapit siya sa mga ito ay napakagat na lang siya sa labi dahil sa inis.
Tumalikod siya sa direksyon nila at napahawak sa bewang ang isang kamay at ang isa nama'y marahan na napasabunot sa buhok.
"Damn, damn, damn it!" He silently curse.
****
"Ano ang ibig mong sabihin ?" Naiinis na tanong ni Yuna sa kababata na noo'y nakayuko lang at pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay.
Nasa 7/11 sila ngayon di kalayuan sa Valkrie Building para makapag-usap. Ni hindi inaalis ni Yuna ang paningin sa kababata at ni kahit kumurap ay ayaw niyang gawin.
"Tinatanong kita Layz. Ano ang ibig mong sabihin ?" Pag-uulit niya sa tanong kanina..
"Patawarin mo ako payatot. Ayaw kong maglihim sayo ! Ayaw kong itago sayo kaya't ilang araw ko tong pinag-isipan pero parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip at di na rin kaya ng konsyensiya ko." He finally looked at Yuna na noo'y nag-aabang lang sa sasabihin niya. "Nangako ako sa tatay mo pero mas importanteng malaman mo." He paused. "Payatot kasi.. malala na si Tito Kristof, I'm sorry."
Napabagsak ang balikat ni Yuna sa narinig. Tila lahat ng pagod at sakit ng katawan mula ng pumunta siyang syudad ay naramdaman na niya bigla.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo ?" Mariin niyang tanong habang nag-uunahan sa pagtulo ang luha niya.
"Malala na siya Yuna hindi na siya kaya pang operahan I'm so--"
"Hindi totoo yan !" Sigaw ni Yuna sabay hagis ng slurpy na may laman pa kay Layz na noo'y hindi manlang umiwas at hinayaang lang na tumulo ang slurpy mula sa ulo niya.
"Sinungaling ka hindi totoo yan !" Sugaw ulit ni Yuna na nakapatahimik sa loob ng 7/11. "Bawiin mo yan kapre dahil alam kong hindi totoo yan ! Gagaling pa si Tatay eh, gagaling pa siya.." iyak niya.
Tumayo si Layz at niyakap si Yuna dahil di na to masyadong makapagsalita dahil sa kakaiyak. Hinayaan na lang ni Yuna na yakapin siya ng kababata dahil bigla siyang nanghina sa balitang dala ng kababata sa kaniya.
"Hindi totoo yan.. tatay.." mahina niyang usal habag umiiyak sa bisig ng kababata.
****
Di alam ni Lays kung kakausapin ba niya ang kababata na nasa kabilang bahagi ng bus na sinasakyan nila. Silang dalawa lang ang tao sa dulong bahagi ng bus ngunit nasa kabilang upuan naman nakapwesto ang kababata.
Tulala lang tong nakamasid sa labas ng bus ng mga madadaanan nila at nakita pa nitong pinalis ang luhang lumandas sa pisngi. Napabuntong hininga siya at napayuko sa mga bagahe ng pinsan na nasa paanan niya.
Matapos ng eksena sa 7/11 ay dali dali itong umalis para pumunta sa mga pinagtatrabahuhan niya para mag leave muna. Di niya alam kong may plano pa bang bumalik ang pinsan dito sa siyudad o wala na pero sa tingin niya ay di nito iiwan ang amang mahina na.
Umalis din siya sa tinutuluyan nitong boarding house at tahimik niya lang itong sinusundan dahil simula pa kanina ay cold na to sa kaniya. Ni hindi na nga nito siya tinitignan. Alam niyang galit ito sa kaniya at kahit man siya ay naiinis sa sarili dahil sa pagsisinungaling niya sa kababata.
'Patawarin mo ko payatot'
Di rin nagtagal ang byahe ay nakarating na sila sa probinsiya nila at dali daling sumakay ang kababata patungong hospital. Di naman siya magkanda ugaga sa pagsunod dito dahil dala dala din niya ang mga bagahe.
Pagkarating nila sa hospital ay ganoon na lang ang gulat nila dahil nakita nila sila Mang Neri, Aling Nesa at iba pa nilang kabarangay na nagkakagulo sa labas ng kwarto ni Mang Kristof.
"Aling Nesa ! Mang Neri !" Tawag ni Yuna sa mga ito.
"Jusko Yuna anak !" Agad na lumapit si Aling Nesa kay Yuna at niyakap ito.
"Ang tatay ? Anong nangyayari ?!" Sigaw ng kababata
"Yuna anak kasi ang tatay mo--Yuna ija sandali !"
Di na pinatapos ng kababata sa pagsasalita si Aling Nesa at tumakbo na papunta sa kwarto ng ama. Agad niyang binitawan ang mga bagahe na hawak para sundan ang kababata.
"Aish.."
Ng mabuksan ng kababata ang pinto ay isang nakakabingi at mahabang tunog galing sa isang makina ang narinig nila at kasabay noon ang mga salitang nagpahina sa kanilang lahat..
"Time of death.."