YUGTO 14

1295 Words
Ika Labing-Apat na Yugto : Downfall Tulala lang si Yuna sa harap ng larawan ng ama na nakapatong sa itaas ng kabaong nito. Wala siyang marinig, ni wala din siyang maramdaman kahit sakit. Tila nawala bigla ang kaluluwa sa katawan niya. She feels so hollow. Kanina lang ay nasaksihan mismo ng mga mata niya kung paano bawian ng buhay ang ama. Ni hindi manlang niya ito naka usap kahit sa huling pagkakataon. Ni hindi manlang niya narinig ang boses nito sa huling pagkakataon. Ni hindi manlang niya nasabi kung gaano niya kamahal ang ama sa huling pagkakataon. "Ang daya mo tay.." a tear fell from her eyes as she uttered those words. "Natutuwa ka ba ngayon tay na nakikita ang anak mo na nasasaktan ?" She painfully said. "Paano mo nagawang maglihim sakin tay ? Ang sakit eh..ang sakit sakit.." pinalis niya ang luhang nagsisilabasan mula sa mga mata niya. Akala niya naiyak na niya lahat kanina pero hindi pa pala. "Sana sinabi mo na lang tay eh.. hindi yung.." she took a deep breath dahil medyo pumiyok na siya sa kakaiyak.. "hindi yung ganito.. paano na ako ngayon tay ?" She buried her face on her palms as her cry filled the night. Naramdaman niya ang mainit na bisig na yumakap sa kaniya at kahit papaano'y naramdaman niya na di siya nag-iisa. She felt tired yet she felt the comfort. "Payatot.." mahinang bulong ng kababata niyang nakayakap sa kaniya. Alam niyang may mali ang kababata sa kaniya pero alam din niyang sumusunod lang ito sa sinabi ng ama ngunit huli na rin ang lahat ng umamin ito sa kaniya. Sila Mang Neri at Aling Nesa pati narin ang mga magulang ni Layz ang abala sa pag-aasikaso ng mga nakikiramay na mga kabaro nila. Maging sila may nagulat din sa pagpanaw ng kaniyang ama. "Patawad payatot.." tila naging musika sa pandinig niya ang boses ni Layz ng mga oras na iyon at ang mainit na yakap nito ang nagparamdam sa kaniya ng hina at antok dahilan para bumigay na ang mga talukap niya sa pagod at kaiiyak. **** Screams filled the entrance of WhyG Entertainment as the superstar Jeydee Valkrie got out of his car. He immediately wear his rayban the moment the clicks of cameras touch his eyesight. Araw araw namang ganito ang eksena sa labas ng building pag darating siya. Flocks of fans always looking forward to see him every morning. "Jeydee yah~" "OMG ! Ang gwapo mo talaga !" Jeydee waved his hand on the fans at mas umingay pa ang huli. Body guards are on his side para maiwasan ang pagdumog ng mga tagahanga sa kaniya. He heave out a sigh the moment he entered the building. Pagkapasok niya ay agad na luminga linga ang paningin niya na tila may hinahanap. "What's wrong Dee ?" Aika's concerned voice stopped him from wandering. "Uh, nothing Aiks." Ngumuso lang ng bahagya si Aika sa kaniya pagkatapos ay nanguna na patungong elevator bitbit ang dalawamg bottled water at isang katamtaman na laki ng towel niya. Ang totoo niyan he wants to see Yuna. He want to ask about his boyfriend and why is he here. He silently curse under his breath. Inis niyang naikagat ang ibabang labi habang tinitignan ang numero sa taas ng elevator. Pagkalabas nila ni Aika sa elevator papunta sa dressing room niya kung saan naroon na ang manager na si Alex ay natanaw niya si Nanay Ana na nag mamop sa labas ng practice room di gaanong kalayo sa pinagtatayuan niya. "Nanay Ana !" He called and waved at her. Napatingin naman ang matanda sa direksyon niya sabay napangiti. Lumapit siya dito pagkatapos ay napatingin sa likuran nito tila may hinahanap. "Ikaw ba'y may hinahanap Jeydee ?" Makahulugang ngiti ang ibinigay ng matanda sa kaniya. He clears his throat before answering. "I just noticed na parang kulang po yata kayo ngayon Nanay Ana." Nanay Ana chuckled that makes Jeydee pout a little bit. "Si Fe kasi sumakit bigla ang balakang eh nagpahinga muna saglit sa baba.." the old woman paused and looked at Jeydee "kung ang magandang dilag naman na si Yuna ang tatanungin mo.." His heart bounce a bit on the mention of her name. He saw the womans face saddened and it alarmed him.. "Why ? What's wrong Nanay Ana ?" He asked with concern. "Narinig ko kasi ijo na umuwi siya sa probinsiya nila kasi pumanaw na ang ama neto.." napailing ang matanda "nakakaawang bata" He was taken aback on what the old woman just said. Maybe it's the reason why he saw Yuna with that guy yesterday. He didn't know but he feels a weight on his heart all of a sudden. **** Kanina pa napapansin ni Aika ang pananahimik ni Jeydee at ilang ulit na netong pagbuntong hininga. Napapatulala din ito paminsan minsan at napapapikit rin ng mariin. Dahil curious na.curious na siya dito ay di na niya maiwasang magtanong. "Is anything wrong Dee ?" She asked Nilingon naman siya ni Jeydee. Umiling muna ang binata bago sinagot si Aika. "Uhh nah. Nothing Aiks. Nag-iisip lang ako ng maaring next genre ng kanta ko. Yeah yun lang." He.said pero di kumbinsido dito si Aika sapagkat feeling niya ay may ibang dahilan. Nasa dressing room sila ngayon at inaayusan si Jeydee ng mga stylist niya sapagkat magkakaroon ng meet and greet ang binata sa mga fan sa isang mall bago ang nalalapit na concert nito. Nasa malapit lang na mall ang magiging venue. "Ok if you say so.." Napatingin na lang siya ulit sa binata kahit paman binabagabag parin siya sa kung anuman ang iniisip nito. Narinig kasi niya kanina na nag leave daw ang janitress na si Yuna kung kaya't.. 'Hindi kaya yun ang iniisip niya kanina pa?' Her heart aches again at the thought at medyo napahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone niyang hawak. **** "Sigurado ka na ba sa desisyon mo na yan payatot ?" Sabi ni Layz kay Yuna na noo'y nag eempake na naman ng bagahe dahil napagdesisyunan niyang mamuhay na sa siyudad. "Ako na lang ang bubuhay sa sarili ko Layz. Bubuhayin ko ang sarili ko dahil ikalulungkot ni tatay kapag iiyak lang ako ng iiyak." Sagot niya na nakapagpabuntong hininga sa kababata. Dalawang linggo na ang nakalipas ng ilibing ang ama ni Yuna and though she is still breaking up inside alam niya na hindi ikakatahimik ng kaluluwa ng ama kung magiging mahina na lang siya habang buhay. All she got right now is herself. "Ayaw ko man ba umalis ka pero kung iyan ang gusto mo ay susuportahan kita." Malungkot na hinaing ni Layz. Ngumiti si Yuna sa kababata na hindi siya iniwan noong mga oras na wasak na wasak siya dahil sa pagpanaw ng ama. Isa ang kababata sa tumulong sa kaniya para kahit papaano ay maibsan ang sakit na dulot ng pagpanaw ng ama. Lumapit siya kay Layz at niyakap ito na kinagulat naman ng huli. Malulungkot man siya dahil maiiwan niya ito pati ang mga taong malapit sa kaniya dito, ahe knows thia decision is for the best. At isa pa babalik naman siya dito para dumalaw. Naramdaman niyang yinakap din siya ng pabalik ng mahigpit ng kababata. Ramdam niya ang lungkot nito sa pag-alis niya. "Ma mimiss kita payatot." "Ma mimiss din kita kapre." Hinarap niya ito ng may ngiti sa mga labi at humanda na para sa pag-alis. Sa huling pagkakataon ay tinignan niya ang kanilang baryo bago lumisan. "Bumalik ka ha ! Or baka dadalawin din kita jan !" Sigaw ng kababata at kinawayan niya ito bago pumasok sa bus. Noong una umalis siya baon ang pag-asang maisasalba ang ama. Ngayon umalis siya baon ang pag-asang maisasalba ang sarili sa sakit na dulot ng pagkawala ng nag-iisang taong natira sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD