YUGTO 15

1157 Words
Ika labing limang yugto : The Start Pagkababa ni Yuna sa bus na sinakyan niya pabalik ng siyudad ay tumama ang gold niyang necklace sa sinag ng araw dahilan para mapapikit ang isa niyang mata sa tumamang silaw dito. Hinawakan niya ang letter J na pendant nito at naalala ang sinabi ng kababata bago siya tumulak paalis kanina. "Payatot sandali.." Natigilan siya sa akmang paglabas ng bahay nila ng hawakan siya ng kababata. Nagtatanong ang mga matang bumaling siya dito. "Bakit ?"she asked him. Bumuntong hininga ang binata bago nag aalinlangang sabihin ang nais nitong iparating sa kaniya ngunit sa huli ay nagsalita din. "May sinabi sa akin ang iyong itay bago ako umalis papuntang siyudad para hanapin ka.." Bumilis ang t***k ng puso niya at nangilid ang luha. Ayaw man niyang marinig ang anumang sinabi ng ama ngunit naisip niyang baka importante iyon. "A-ano ?"her voice trembled. Nakita niyang napatingin ang kababata sa kwintas niya at dala ng instinct ay napahawak siya dito. "Ang sabi ng itay mo ay hanapin mo daw ang nagmamay-ari ng kwintas na yan."tumingin ang kabata niya sa kaniya at nagpatuloy sa pagsasalita."dalhin mo daw pagkatapos ang taong yun sa puntod niya at ihingi mo din daw siya ng kapatawaran sa kaniya.." Nanlalaki ang matang tumingin siya sa kababata ! Ang ina niya ang may-ari ng kwintas na suot niya at ang alam niya ay patay na ito ! "A-ano ang ibig niyang sabihin ?!"naluluhang ani niya Umiling muna ang kababata bago sumagot. "Hindi ko alam payatot pero.. humihingi din siya ng tawad sayo." Napakagat siya sa labi dahil sa sakit, inis at lungkot. Masakit dahil maraming inilihim ang ama sa kaniya. Inis dahil hindi niya alam kung ano ba talaga ang katotohanan at lungkot sapagkat anuman ang gawin niya'y wala na siyang taong masasandalan pa. All she got right now is herself. Pero isa lang ang nasa utak niya ngayon. Maaaring buhay pa ang ina niya. **** Kagat kagat ang kuko at salubong ang kilay ni Jeydee na kanina pa palakad lakad sa harap ng locker room ng mga janitor. Inaantay niya kasi si Bryce para magtanong kung nakabalik na ba si Yuna. Ilang araw na rin siyang nangangating magtanong pero di na niya talaga matiis. "Oh ! Sir dude, anong ginagawa mo dito sa harap ng locker room namin ?" Napalingon agad siya sa boses na yun na nagmumula sa likuran niya. Napatingin siya sa likuran ni Bryce at ng walang Yuna na makita ay humarap na siya sa binata. "W-wala parin ba siya ?"mahina at medyo nahihiya niyang tanong "H-ha ?" Bryce's face crumpled as if he don't want to laugh out loud but he didn't succeed, he burst out laughing dahilan para mamula ang mga tenga ni Jeydee sa hiya. "Grabe dude ! Ngayon lang kita nakitang parang babaeng nahihiyang magbigay ng love letter sa crush niya.. haha ! Teka sino ba hinahanap mo ?" Ani ni bryce na tinanggal pa ang ilang luha sa gilid ng mata. Jeydee glared at him before answering. "Yuna" on a serious tone. Bahagyang nagulat si Bryce pero di kalaunan ay sumeryoso din ang mukha. "Bakit dude ? May kelangan ka ba sa kaniya ?" Nang-uusisang tanong neto Jeydee's lips pouted a bit upon hearing Bryce tone of voice. His eyes remained serious and his jaw slowy clenched. "Nothing. Just.. never mind then." He said with a bit of accent on the last word of his sentence. Tumalikod siya kay Bryce at nakapamulsang nagtungo sa elevator para pumunta sa taas dahil ngayon na ang last rehearsals niya para sa concert niya bukas. **** Kunot noong sinundan ng tingin ni Bryce ang papalayong si Jeydee. Ngayon niya lang nakita ang binata na ganun. Nanliit ang mata niya ng may napagtanto. 'Hindi kaya'y may gusto siya kay Yuna ? Pero.. si Aika.." "Oi ba't ka nakatulala jan Bisugo ?" Natigilan siya sa pag-iisip niya ng marinig niya ang boses ni Aika mula sa likuran. Hinarap niya ito at nakita niya ang salubong nitong kilay at naka cross na mga braso habang nakatingin sa kaniya. Di niya maiwasang matawa ng bahagya dahil sa mataray nitong aura. "Ikaw ang ano ang ginagawa jan Ms. Bigo. Mukhang yung palalabs mo may pinagkakaabalahan ng bago." Nanunukso niyang ani na inirapan lang ng dalaga. "Whatever. Maglinis ka na nga lang Bisugo. Hmp!" Inis siyang nilagpasan ni Aika at bahagya pa nitong sinangga ang balikat niya kung kaya't natawa ulit siya. Sinundan niya na lang ng tingin ang papalayong pigura nito. 'Mukhang hindi mo talaga siya maipapanalo Aika.' "Ay ! Nakalimutan kong nasa taas na pala si Yuna.. hmm oh well makapaglinis na nga lang.." **** Katatapos lang ni Yuna na pumunta sa opisina ni Mr. Gillardo Perez, ang may-ari ng WhyG Entertainment para humingi ng paumanhin sa dalawang linggo niyang pagkawala. Mabuti na lang at mabait ito sa kaniya kung kaya't naintindihan naman nito ang rason niya. Napabuntong hininga siya at ibinalik ang tingin sa pinto ng elevator para bumukas. Bababa siyang locker room nila para makapagpalit at makapagsimula na ulit sa trabaho. Ngunit sa pagbukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang pigura ni Jeydee na noo'y nagulat din na makita siya. Napalunok siya at kahit kinabahan ay dahan dahan parin siyang pumasok sa elevator. Akala niya'y lalabas ito ngunit nagtaka ito ng di manlang ito gumalaw mula sa kinatatayuan niya. "Ah s-sir Jeydee ba't hindi po kayo lumabas ?" Tanong niya ngunit di manlang ito sumagot. Di nalang siya pinansin ni Yuna at pinindot na lang ang button patungong first floor. Sa isip niya ay di na niya kasalanan kung hindi ito pumanhik kanina palabas ng elevator. Ngunit naestatwa siya sa kinatatayuan ng may pares ng braso ang yumakap sa kaniya ng mahigpit. Tila nanlabo ang numero ng elevator sa paningin niya na nasa likuran lang ni Jeydee. Her breathing became slower and her face heat up ng maramdaman niya ang hininga neto sa leeg niya. Hindi niya magalaw ang katawan niya. Kahit ang magsalita ay tila di na niya nagawa. She was caught off guard, para siyang naparaliso. "5 minutes. Let me hug you for 5 minutes." His husky voice sent shiver down her spine, it made her heartbeat rapid. Tinaas niya ang isang kamay papunta sa dibdib ni Jeydee para itulak ito ng bahagya ngunit mas niyakap pa siya nito ng mahigpit. Hindi niya alam ang gagawing ngayong natatakot siya na baka maramdaman nito ang t***k ng puso niya. 'B-bakit niya to ginagawa?' she can almost feel the shaking of her voice on her mind. "I missed you." The beating of her heart stopped. Ang kamay niyang nasa dibdib ni Jeydee ay nanghina at dahan dahang nahulog pabalik sa gilid niya. 'Namiss niya ko ? Ano ang ibig niyang sabihin?' Inalis ni Jeydee ang pagkakayap sa kaniya at dahan dahang tinaas ang dalawang kamay papunta sa pisngi niya. Halos maduling siya sa pagtitig neto diretso sa mga mata niya. "I think I like you, Yuna."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD