YUGTO 16

1408 Words
Ika Labing Anim na Yugto : Concert Bakas na bakas sa mukha ni Aika ang pagkagulat ng sa pagbukas ng elevator sa harap niya ay tumambad sa kaniya si Jeydee at Yuna na magkaharap. Gulat na nakatingin si Yuna sa kaniya na napakapula ng mukha habang si Jeydee ay di manlang inalis ang paningin sa dalaga. "What.." walang ibang lumabas sa bibig ni Aika kundi yun lang. Masyado siyang gulat sa nakita. Nakita niya kung paanong mabilis na inalis ni Yuna ang mga kamay ni Jeydee sa mukha neto at nakayukong umalis. Aika felt her heart shattered when he saw the sparks on Jeydee's eyes habang sinusundan niya ng tingin ang papalayong si Yuna. She bit her lower lip at napakuyom ang dalawa niyang kamay. "What was that Dee ?" She tried to sound as calm as she can kahit deep inside napakasakit ng nararamdaman niya. She saw Jeydee run his slender hands through his hair at tinalikuran siya. "Nothing. Let's go baka hinihintay na tayo ni Alex." Tears fell from her eyes as she stared at his back. Sa isip niya ay lagi na lang bang ganun ? Can loving him from behind is all she can do ? Why is she so weak ? All she have to do is tell him how she love him pero ba't di niya magawa ? It's because she is scared. She's scared, dahil kahit sa sarili niya alam niyang kahit kailan hinding hindi siya titignan ni Jeydee ng may pagmamahal. 'Pero bakit ang babaeng yun ?' "Aiks ?" Napayuko siya ng tawagin siya ni Jeydee na noo'y hinihintay na siya sa loob ng elevator. Mabibigat ang hakbang na pumasok siya sa elevator at tumabi sa binata. "Are you ok Aiks ?" 'Don't sound as if you're concerned at me asshole! Ofcourse I'm not ok! Dammit!' she want to burst it out pero, humigpit lang ang pagkakakuyom ng kamao niya. Ngunit, nagulat siya ng hawakan siya ni Jeydee sa braso at pinaharap sa kaniya. Mabilis siyang nakabawi sa gulat at marahas na tinabing ang kamay nito at tumalikod sa kaniya para ipalis ang luha niya. 'He saw it! s**t s**t s**t' "What the? Why are you crying?" "W-wala ! Naalala ko lang yung Who Are You na Kdrama na pinanuod ko kagabi.." pagpapalusot niya. "Ohh, adik ka talaga sa mga koreano na yan. Tch. Bakit ano ba ang nangyari ?" Jeydee asked. "S-si Eunbi kasi di niya pinili si Taekwang, samantalang mas ginawa niya ang lahat kesa kay Hee Yan." pagmamaktol niya. Narinig niyang natawa si Jeydee kaya humarap siya dito, naiinis. "Pft. Eh baka naman kasi mas mahal talaga ni Eunbi yung Hee Yan. Tch. Love is unpredictable Aiks." 'Gago ! Magsama kayo ni Eunbi mga bulag kayo !' Inis niyang singhal sa isip. Ngunit ang sakit at lungkot ay unti unti siyang kinakain sapagkat naisip niya na baka ang kahahantungan niya ay maging kagaya ng kay Taekwang. **** Abot abot ang tahip ng dibdib at nanghihinang sumandal si Yuna sa kanilang locker. Naitakip niya ang isang kamay sa bibig at ramdam niya ang pag iinit ng mga pisngi. "I think I like you, Yuna" Naipikit niya ang mata ng maalala ang mga katagang yun. Ang dalawang kamay ay tinakip niya sa magkabilang tenga na tila ayaw niyang marinig yun. 'Nahihibang lang siya ! Ako g-gusto niya ? Baliw ba siya ? Adik ba siya ?' Umiling iling siya at kinalma ang sarili. Bumuga siya ng hininga at tinapik tapik ang pisngi niya. "Wala yun. Nagbibiro lang ang taong yun Yuna. Hindi ka niya gusto." "Sino ang hindi gusto ?" Ganoon na lang ang gulat ni Yuna ng bigla na lang sumulpot si Bryce sa harapan niya. Napasigaw siya ng bahagya pero nakabawi naman agad. "K-kanina ka pa ba jan ?!" Natataranta niyang tanong, nahihiya na baka nakita siya neto kanina. "Bago lang. So, sino ang hindi gusto nino ?" Tanong nito at inilapag ang dalang timba kung saan din nakalagay ang mop. "W-wala !" pagmamaang maangan niya at nagkunwari na may kinakalikot sa locker niya. "Ay sus masyadong defensive.. hahaha" Hindi na lang niya pinansin si Bryce at nagpatuloy sa pag ayos ng mga gamit sa locker niya. "Si Jeydee.." Natigil si Yuna sa ginagawa ng magsalita ulit si Bryce. Nanlaki ang mata niya at nanginginig ang kamay na hinawakan ang uniporme na nasa loob ng locker. "B-bakit ? A-ano si Sir Jeydee?" her voice is shaking kung kaya't naikagat niya ang labi. Hinarap niya si Bryce dahil sa matagal na pananahimik nito. Halos umugat siya sa kinatatayuan niya sa seryosong tingin nito sa kaniya pero, di kalaunan ay ngumiti din. "Wala. Hinahanap ka kasi niya kanina.." Napalunok siya at medyo nakahinga ng maluwag. 'Napansin kaya niya? Hindi naman siguro.' Isip niya dahil baka nahalata ng binata ang panginginig niya kanina. "Ah g-ganon ba ? Bakit kaya. he-he-he. Ah, bihis lang muna ako." Papalabas na sana siya ng locker room ng magsalita ulit si Bryce. "Hayy ang hirap siguro makipagrelasyon sa isang artista ng gaya natin noh ?" Napaharap siya ng di oras dahil sa mga katagang binitawan nito. Tila ang dating noon sa kaniya ay may nais itong ipahiwatig. "Oh ? Akala ko ba magbibihis ka ?" Dali dali siyang lumabas doon para tumungo sa comfort room at magbihis. 'Bakit ganito ? Ba't ganito ang nararamdaman ko ?' **** "Jeydee" Nangingiti si Jeydee sa harap ng salamin habang inaayusan siya ng stylist. Di mawala sa isip niya ang namumulang mukha ni Yuna kahapon ng sinabi niya dito na gusto niya ito. Di niya alam pero grabe ang usbong ng kaligayahan na nararamdaman niya. "Jeydee" Concert niya ngayon at may balak siyang gawin mamaya sa talk part ng concert niya. Iniisip niya palang ang magiging reaksyon ni Yuna sa gagawin niya ay di niya napigilang mas mapangiti ng malapad. 'I'll definitely make you mine.' "Jeydee !" Natigil si Jeydee sa pag-iisip ng makuha ang atensyon niya ng sigaw ng manager niyang si Alex. Hinarap niya ito at natawa siya dahil nakapamaywang ito at bakas na bakas ang iritasyon sa mukha. "Wag kang tumawa jan Valkrie ! Nasaan kako si Aika at ba't wala pa siya ?" Natigilan si Jeydee sa sinabi ng manager. Doon lang din niya napansin na wala pa nga doon si Aika. "Hindi ba siya nagtxt sayo ?" Balik niyang tanong sa manager kung kaya't nakatanggap siya ng batok mula dito. "Magtatanong ba ko sayo kung alam ko !" Inis na singhal ng manager niya. Umismid na lang si Jeydee sa kaniya at kinuha ang cellphone niya. Tinignan niya kung may txt or tawag mula kay Aika pero wala. 'Aiks..' **** Natigilan si Yuna sa akmang pagpasok sa locker room para sana mag-ayos na para umuwi. Mag aalas otso na rin ng gabi ngunit nagtaka siya kung bakit nandito pa lahat ng gamit ng mga kasama niya at ang mas nakakapagtaka'y nagkukumpulan sila sa malaking flat screen TV sa lobby ng first floor. "Nanay Fe! Nanay Ana! Ano pong meron ?" Tanong niya sa dalawang matandang kasamahan niya. "Ay naku Yuna ija ! Aba'y concert ni Jeydee ngayon di mo ba alam ?" Sagot sa kaniya ni Nanay Ana. "Alam po pero.." nagtataka niyang ani. "Ay oo nga pala. Kapag kasi may concert ang sino mang artist ng WhyG pinapalabas yan dito ni Sir Perez ng live." Si nanay Fe na tinanguan din niya. Napatingin siya sa flat screen tv at nakita niya doon si Jeydee na naka-upo at parang kinakausap ang mga fans. Medyo may mga butil ito ng pawis sa noo pero gwapo padin. Iba ang hairstyle niya ngayon. Para siyang isang lalaki na kinuha mula sa manga. Naka black siyang polo na bukas ang tatlong butones. May puting coat na nakapatong lang sa balikat niya. Then a black fitted jeans and a pair of black boots na abot hanggang ibaba ng tuhod. Ang mas nakapagpamangha pa sa kaniya ay ang eyeliner neto na nakapagpadepina sa mga mata niya at ang isang silver na cross earring na nasa right ear niya. "This last song for tonight is for the girl who caught my attention.." ngiting ngiti na sabi niya na nakapagpatili sa mga kasama niya "I really hope na paniwalaan mo ako. I really do, Like you." Bumilis ang t***k ng puso niya at nanghina siya. Tumalikod siya at naglakad palayo doon. Napahawak siya sa dibdib niya at pumikit ng mariin. 'Ano bang nangyayari sakin.. ba't parang may kumikiliti sa tiyan ko? '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD