YUGTO 23

1083 Words
Ika Dalawampu't Tatlong Yugto : Jaycee Valkrie Legazpi ? Kakatapos lang ni Yuna na tumungo kay Lola Soledad para bumili ng pananghalian at doon na rin siya kumain ng may itim na sasakyan ang biglang humarang sa pagtawid niya. Bigla siyang kinabahan ng maalala ang lalaking naka itim na nakita nila kagabi. Bumaba ang bintana ng sasakyan at ng bumungad ang nakangiting mukha ni Jeydee sa kaniya ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya hindi dahil sa kaba kundi dahil sa epekto ni Jeydee sa kaniya. "Hello baby girl." Mapaglaro na ani nito. Pakiramdam niya ay uminit ang pisngi niya sa tinawag nito sa kaniya. Dapat magalit siya dahil pang bata ang tawag nito sa kaniya pero kilig ang binigay na pakiramdam noon sa kaniya. "A-anong ginagawa mo dito ? Diba break mo na ?" Ani niya na lumilingon sa paligid dahil baka may makakita sa kanila. "Kaya nga pumasok ka na dahil akin ka ngayong araw." Sabi nito na kinagulat niya. "Ha ?! P-pero may trabaho pa ako at--" Di na natapos ang sasabihin niya ng mabilisang bumaba si Jeydee sa sasakyan niya at pinapasok siya sa passenger seat sa harap katabi nito. Kinabahan siya dahil baka may makakita sa kanila ngunit sa kabutihang palad ay wala namang dumadaan sa may banda nila. Iniiwasan lang niya ang magka issue ulit si Jeydee ng dahil sa kaniya. "Saan tayo pupunta ?" Tanong niya dito. "Sa lugar kung saan walang makakakita sa atin." He said with a sexy smile on his face. Napalunok si Yuna at agad bumilis ang t***k ng puso niya. Naramdaman din niya ang mumunting mga pawis na namuo sa noo niya. Kalahating oras din ang tinagal nila bago sila nakarating sa basement ng Valkrie building. Bahagyang nabawasan ang kaba niya ngunit ng naisip niyang baka may makakita sa kanila ay kinabahan siya. "J-jeydee yung--" "Don't worry baby, I got you" he said. Nanlaki ang mata niya sa gulat dahil bigla na lang siya nito nilagyan ng sumbrero sa ulo at isang shades. "You go up first. Alam mo naman kung saan ang suite namin diba ?" Tumango lang siya at sinunod ang sinabi nito. Lumabas siya sa sasakyan at pagkatapos ay dali daling pumanhik papunta sa suite nila. Pagkarating niya doon ay ang tahimik na suite ang sumalubong sa kaniya. Wala siyang nararamdaman na may tao doon ni isa. Lumapit siya sa malaking glass window ng suite kung saan matatanaw ang napakagandang tanawin ng buong siyudad sa labas. At sa ganoong estado ay na estatwa siya ng maramdaman niya ang mga bisig na pumulupot sa bewang niya. She felt a warm presence at her back and a tingling breath on her neck. "J-jeydee anong ginagawa mo?" she tried to escape pero mas humigpit ang yakap nito. "Be my girl Yuna." He said sa mismong tenga niya. It is not a question, it is a command. It is like he already declared na sa kaniya na siya. Napalunok siya. Gusto niyang tumanggi dahil ang mahalin ang isang Jeydee Valkrie ay isang napakalaking sugal. Ngunit ng mga oras na iyon ay alam niya at naramdaman niya ang iisang t***k ng puso nila. **** "Sasabihin ko na kay Jeydee ang pagkatao ng ama niya pag-uwi niya.." ani ng isang ginang na nuo'y naka upo sa swivel chair at nakaharap sa malaking glass window sa gilid ng silid kung saan tanaw ang maaliwalas na kalangitan. Sa harap niya ay isang lalaki na nakasuot ng purong itim na kasuotan. Tumikhim ito ng bahagya bago sinagot ang ginang. "Eh ano po ang balak niyo sa kakambal niya Maam ?" Medyo nag aalangan niyang tanong. "Ipapakilala ko rin siya sa kaniya sa tamang panahon. I know it is my fault na inilihim ko kay Jeydee na may kakambal siya." Ani nito Humarap siya sa table niya at may kinuha mula sa taas noon. Kuminang ang isang gold necklace na hawak hawak na niya ngayon na may "J" na pendant. "Jaycee Valkrie Legazpi. I'm sure nasa anak ko ang pares nito. I'm also planning na i-register ulit si Jeydee bilang Jeydee Valkrie Legazpi." **** "I'm planning to go back in our Hacienda." Ani ni Jeydee kay Yuna na noo'y naka-upo sa sofa habang ang ulo niya ay naka-unan sa mga hita nito. Tumingala siya para makita ang reaksyon nito. Bahagya itong ngumiti kaya napangiti din siya. "Mas mahalaga lagi ang pamilya Jeydee kung kaya't kailangan mo rin silang makasama at bawiin ang mga oras na di mo sila nakasama.." He's the luckiest guy to meet a girl like her. Yan ang nasa isip niya ng puntong iyon. He's thanking fate for bringing this girl to a guy like him. He hold her hand and kiss the back of it. "Thanks baby girl. I promise you I'll be back for you. Just be a good girl and wait for me kay'?" He said. Napangiti naman si Yuna at tumango sa sinabi ni Jeydee. Hindi pa man mapapangalanan ang relasyon na meron sila sa ngayon pero batid nila sa mga puso nila na iisa lang ang t***k ng mga ito. Alas otso na ng gabi ng makabalik si Yuna sa boarding house nila. Tiyak na bubungangaan na naman siya ni Layz sapagkat nawala siya ng hapon. Naisip din niya na baka nag aalala ang mga katrabaho niya dahil nawala na lang siya bigla. Malungkot man dahil matagal pa siguro bago niya makita at makasama ulit si Jeydee pero naiintindihan naman niya. Kanina ay binilhan pa siya ng cellphone nito para makapag usap sila kahit magkalayo sila sa isa't isa. Ayaw niya ito tanggapin ng una pero dahil mapilit talaga si Jeydee ay sumuko na lang siya. A beep from her phone stop her from going inside the gate. From Baby Boy: Goodnight baby girl. <3 See you in my dreams. Iloveyou :* Sa simpleng mensahe na iyon at bumilis ang t***k ng puso niya. Parang gusto niyang tumili sa kilig ! To Baby Boy: Goodnight din sayo <3 ingat sa pag uwi. Mahal din kita :) Nilagay niya ang cellphone niya sa bulsa pagkatapos noon pero napatigil siya dahil sa isang lalaki na nakasuot ng purong itim na nakatayo sa gilid niya. Muntik na siyang mapatili sa takot ng mamukhaan niya ito. Yun ang lalaki na nakita din nila ni Layz dati sa labas ng board nila. "S-sino ka ?" Lakas luob niyang tanong. "Maaari ba kitang maka-usap saglit ? Tungkol ito sa ina mo Ms. Legazpi" She froze upon hearing him say "ina" Buhay nga si Nanay ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD