YUGTO 22

1162 Words
Ika Dalawampu't Dalawang Yugto: The guy in black Napabuntong hininga si Aika at sinalpak ang earphones sa magkabilang tenga niya para di marinig ang talak ng talak na si Alex. Pagkatapos kasi ng interview ay agad na lumabas si Jeydee at may ideya na agad siya kung saan iyon papunta. 'Napakaswerte talaga ng probinsiyanang yun.' Napangiti na lang siya sa sarili niya at tumayo para lumabas na din. Ngunit pagkalabas niya ay nanlaki ang mata niya ng makita si Bryce na may kaakbay na lalaki. Nasa tapat sila ng elevator at tila hinihintay iyon na bumukas. Namukhaan niya ang lalaking kasama nito. Iyon ang lalaking naka usap niya sa park, sabado ng gabi. Kinuha niya ang earphone sa magkabilang tenga niya at hinayaan iyong mahulog sa leeg niya. Agad siyang napatakbo sa direksyon ng mga ito. "Ah ! Ms. Bigo !" Nakita siya ni Bryce at kinuha agad nito ang pansin niya. Ngunit ang paningin niya ay di naalis sa lalaking kasama nito. Halatang nagulat din ang lalaki ng makita siya. Ng nagkatitigan sila ay nakaramdam siya ng isang lukso mula sa puso niya. "Ikaw nga!" Nakangiti niyang turan dito. Di niya alam pero tuwang tuwa siya. Nacucutan kasi siya dito. Sobrang taas nito at ang laki ng dalawang tenga niya. Para siyang si Jerry ! "Ah Ms. Aika ?" Nakangiting sambit nito sa pangalan niya. Bigla naman siyang nahiya. Nagpabalik balik lang ang tingin ni Bryce sa kanila na naka kunot ang noo. "Magkakilala kayo ?" Tanong nito. "Ah oo. Nakita ko kasi siya noong sabado ng gabi sa park. Sinamahan ko siya." Narinig niyang sabi nito kay Bryce. Nagulat naman siya ng tignan siya ng masama ni Bryce. Di niya alam kong anong ginawa niyang masama para tignan niya siya nito ng ganiyan. "Matapos mo kong pagtulakan noong sabado Aiks tapos.." tila nagtatanrums na saad nito. Napairap naman siya. "Whatever bisugo. Nga pala Layz ? Layz diba ? Ba't ka nga pala nandirito ?" Tanong niya "Ah dito na rin ako magtatrabaho eh bilang janitor." Tila nahihiya nitong ani. 'A-ang cute' "Talaga ? Naku P.A din kasi ako ng isang artista dito. Magkikita pala tayo niyan paminsan minsan." "Wow talaga ? Sinong artista naman ?" "Si Jeydee. Jeydee Valkrie." Nakita niyang tila natigilan ito kung kaya't napakunot ang noo niya. "May problema ba ?" Tanong niya "H-ha ? Ah wala tila narinig ko na kasi ang pangalang yun." "Ha ? Syempre artista siya ano kaba.." natatawa niyang ani pero seryoso parin ang mukha nito. "Hindi. Mula sa kababata kong si Yuna." Ngayon siya naman ang natigilan ng marinig ang sinabi nito. Di niya alam pero tila nalungkot siya. 'Siya na naman.' **** May talim ngunit narerepleka ng liwanag ng buwan ang kakaibang kinang sa mga mata ni Jeydee. Alas dose na ng hatinggabi at tanging isang itim na makapal na roba lang ang suot niya habang naka-upo sa labas ng terrace ng kwarto niya. Sa harap niya ay ang isang baso ng red whine. Hindi niya alam kong nariyan na ba ang iba niyang pinsan ngunit masyado siyang maraming iniisip para alalahanin pa iyon. Napabuntong hininga siya at pina ikot ikot ang baso ng whine pagkatapos ay ininom iyon. Ang init na binigay noon ay nagpabalik sa kaniya sa isang bagay na kanina niya pa iniisip. "So Mr. Jeydee Valkrie, totoo nga ba ang kumakalat na balita na ikaw ay may napupusuan na ?" Bahagya siyang napakislot sa tanong na iyon. Ngumiti siya ng kay tamis at pinagsiklop ang mga daliri sa taas ng naka ekis niyang mga binti. "Wala." Isang salita niyang sabi na nakapag pawi bahagya ng ngiti sa nag iinterview sa kaniya. Hindi rin nakatakas sa paningin niya ang pag-irap ni Aika sa isang tabi kung kaya't bahagya siyang natawa. "Ngunit ang iyong mga binitiwang salita sa iyong concert ay nagpapatunay na meron nga." Tumingin siya sa camera at mas lalo pang ngumiti ng kay tamis. Ang ngiting nagpapabihag sa mga kababaihan. Well, sanay na siya dahil ng hindi niya pa nakikilala si Yuna noo'y isa talaga siyang playboy. "Ah yun ba ? It was just a fan service. You know how I love my fans right ? For me they are my girlfriend." Ani niya sabay kindat pa sa camera. Impit namang tumili ang ilang mga staff doon. Alam niyang dahil mahal siya ng mga fans niya ay kahit anong sabihin niya ay maniniwala sila kahit pa na ang sinabi niya ay obvious na obvious na meron nga siyang napupusuan. Alam niyang meron talagang hindi parin maniniwala pero sa tingin niya ay majority parin ang papanig sa sinabi niyang para lang yun sa mga fan. Agad siyang tumayo pagkatapos ng interview at napawi ang ngiti niya. 'Hinding hindi ko hahayaan na makilala niyo ang babaeng mahal ko' Hindi niya alam kong ano pa ang mangyayari sa mga susunod na araw ngunit ang importante lamang sa kaniya ngayon ay ang maparamdam kay Yuna kung gaano niya to iniibig. She adore her so much. Pero ang isang bumabagabag pa sa kaniya ngayon ay ang mensaheng nagmula sa ina niya kanina lang. "Jeydee anak kelan ka uuwi dito sa Hacienda ? I heard you're having a break. I miss you son. And ! I have something to tell you. Please go home soon." Napapikit siya. He miss his Mom. He miss their home. He miss everyone there. Pero ang isiping mawawala si Yuna sa paningin niya ng matagal ay sumasakit ang dibdib niya. **** "Ah ! Tapos nagulat ako na nandoon din pala yung babaeng sinasabi ko na nakilala ko sa park. Si Aika Feliciano." Masayang kwento ni Layz kay Yuna. Naglalakad na sila ngayon patungo sa boarding house nila ngunit, ng nabanggit ni Layz ang ngalan ni Aika ay bahagya siyang natigilan. "Magkakilala kayo ng P.A ni sir Jeydee ?" Nagugulat niyang tanong. Alam na rin niyang P.A lang ito ni Jeydee dahil dati ay akala niya'y kasintahan niya ito. "Oo siya nga yung-- teka, teka nga payatot bago ko makalimutan. Yung sir Jeydee pala na naghatid sayo noong sabado ng gabi ay yung artistang sinasabi ni Aika ?" Sasagot na sana siya sa katanungan ni Layz ng kapwa sila natigilan dahil may lalaking naka itim ang nakatayo sa labas ng boarding house nila. Bigla siyang kinabahan ng napatingin ito sa direksiyon nila, lalo na sa kaniya. "Sino yan ? Kilala mo ba siya payatot ?" Tanong ng kababata niya at sunod sunod naman siyang umiling. "H-hindi ko siya kilala.. hindi kaya may pakay siya dito ?" "Sino ka at ba't ka nandito ?" Tanong ni Layz dito. Humakbang ang ginoo palapit sa kanila at nakatingin parin ito sa kaniya. "Ms. Jaycee.." dinig niyang ani nito at mas lalo siyang kinabahan sa di malaman na dahilan. "Oy hindi siya si Jaycee ! Walang jaycee dito.. halika na nga payatot." Hinila siya paalis ni Layz at pumasok na sila sa boarding house pero nilingon niya ulit ang lalaki na nakatingin parin sa kanila. 'Sino ka ? At sinong.. Jaycee?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD