Ika Dalawampu't Isang Yugto : The one who'll protect her
"Sino yun payatot ?"
Laking gulat ni Yuna ng sa pagka alis ng sasakyan ni Jeydee ay tumambad sa kaniya ang kababata niyang nakasandal sa bungad ng boarding house na tinutuluyan niya, naka cross arm pa. Pero ang mas pumukaw ng atensiyon niya ay nakasuot na ito ng pambahay na tila nasa bahay lang.
"A-anong ginagawa mo dito Layz ? B-bakit ?" Ani niya habang nakaturo pa sa kaniya.
Umayos ito ng tayo at naglakad palapit sa kaniya. Napapikit siya ng pitikin siya nito sa noo.
"Aray ano ba ?!"
"Wag mo nga akong sagutin ng tanong din ! Tinatanong kita payatot kung sino yun ?" Iritableng tanong nito.
"W-wala yun ahmm, hinatid lang ako ni sir Jeydee.." naka-iwas tingin niyang ani
Pilit namang hinagilap ni Layz ang paningin niya na noo'y kunot na kunot na ang noo.
"Sinong Jeydee yan ha ?" Medyo mataas na ang tono ng boses nitong ani.
Medyo nainis naman siya dahil sa pagiging makulit ng kababata niya, kung kaya't mahina niya itong tinulak na kinabigla naman ng isa. She crossed her arm at tinaasan ito ng kilay.
"Wala ka na doon kapre. Tinatanong kita kung anong ginagawa mo dito."
Nakita niyang napabuntong hininga ang kababata niya at tila pinipilit na walain ang iritasyon sa mukha nito.
"Dito na ako magtatrabaho." Nakatingin sa gilid habang nakahawak sa batok niyang sabi. Natigilan naman siya sa sinabi nito.
"Ha ?! Ibig sabihin dito ka na rin tutuloy sa boarding house na to ?" Turo niya sa boarding house sa likod nito.
"Ganoon na nga. At sa lunes mag-aaply din ako sa pinagtatrabahuhan mo." Saad nito.
Hindi niya alam, pero bigla na lang siyang kinabahan. Tila maraming hindi magandang mangyayari sa mga darating na araw.
****
Flashes of camera. Napakaraming media kaliwa't kanan. Nagsisigawang mga fans.
Yan agad ang sumalubong kay Jeydee pagkababa niya ng Van nila. He's up for his interview this early Monday morning sa first day ng break niya. Ito ay dahil sa kumalat na article about sa ginawa niya sa concert niya.
He calmly walked papasok ng WhyG Building. Nasa likod niya ang manager niyang si Alex at ang nakabusangot na si Aika na isa sa pinaghihinalaan ng mga fans na napupusuan daw ni Jeydee. Gaganapin ang interview niya sa isang pribadong silid sa ika-apat na palapag ng building. Kasama ang manager niya at si Mr. Gillardo Perez.
For today he is only wearing a Large white t-shirt, a pair of maong pants, and a brown timberland. Pero di maitatanggi ang lakas ng dating niya kahit sa simpleng kasuotan.
Habang naglalakad ay nahagip niya ang pigura ni Yuna na noo'y gulong-gulo habang nakatingin sa paligid. May hawak itong mop at may kaunting pawis sa noo. A small smile escaped his lips.
'Ah.. that's my girl.'
Natigil siya sa pagtingin sa direksyon ni Yuna ng masilaw siya sa flash ng camera doon sa may side ni Yuna. Nakita niyang pumasok na ang ilang media at mas sumikip pa sa may entrance. Pero natigil siya sa paglalakad ng makita niyang halos mabundol narin nila si Yuna.
'I'll kill this bastards if they'll hurt Yuna.' Inis niyang ani sa isip.
He can't stand it. Seeing her getting squashed in the side and seeing her pained reaction made him irritated. Sa isip niya ay kailangan niyang ilayo siya doon.
Ngunit ng makita niya ang isang lalaking humawak sa braso ni Yuna at inilayo siya sa nagkakagulong media doon ay na estatwa siya. His fist turned to balls at kumunot ang noo niya.
"Jeydee ? Ba't ka tumigil diyan ? Hurry up at malalate ka na !" Narinig niyang sabi ng manager.
Bago sila pumasok sa elevator ay tinignan niya muli ang pwesto nila Yuna at nakitang alalang-alala ang lalaking pinagkamalan niyang boyfriend nito na kababata lang pala.
'Why is he here?'
****
"Grabe di ko akalaing tatanggpain agad ako ng boss natin payatot. Mababait din pala ang mga tao sa siyudad." Ngiting ngiting ani ng kababata niyang si Layz.
Nag-apply kasi siya ngayon sa WhyG bilang janitor din gaya niya at kagaya niya rin noo'y natanggap agad siya ng mabait nilang CEO. Kakarating lang ni Layz at dahil nga magiging busy maya-maya si Mr. Perez dahil sa scheduled interview daw, dali dali niyang hinila si Layz papunta sa opisina nito.
"Pero grabe ang nangyaring komusyon kanina ah.. buti na lang nahila agad kita kanina kundi naapakan kana kanina ng mga tao payatot kapa naman.. haha"
Ang tinutukoy nito ay ng dumating si Jeydee kanina. Kararating lang din ni Layz noon at hinila nga niya siya nito paalis doon at pagkatapos ay hinatak agad niya to para sa interview niya sa CEO habang di pa nag ii-start ang interview ni Jeydee sa media. Mukhang hindi napansin ni Layz na si Jeydee ang dahilan ng komusyon kanina.
"Syempre dumating kasi si--"
"Ah ! Ikaw pala ang bagong myembro bro ! Kababata ka ni Yuna diba ?" Umalingaw ngaw ang boses ni Bryce at inakbayan si Layz na sinamaan siya ng tingin.
"Op ? Wag ka namang ganiyan kung tumingin bro.. haha! Halika ipapakilala kita kela Nanay Ana."
Agad hinila ni Bryce si Layz na nanlalaban pa at tila huminhingi ng tulong sa kaniya. Natawa na lamang siya at pagkatapos ay napatingin sa malaking orasan sa may front desk. Magdadalawang oras na ang nakalipas magmula ng mag-umpisa ang interview ni Jeydee siguro ay patapos na iyon.
Napabuntong hininga siya at binitbit ang timba at mop niya para dalhin iyon sa storage room ng mga panlinis. Tapos na kasi niyang linisin ang first floor at ngayo'y kukuha siya ng pang spray sa glass window at yung wiper para dun.
Hindi niya alam pero nais niyang makita ang mukha ni Jeydee ngayon. Nais niya tong titigan. Nais niyang marinig ang boses nito. Ito ba ang sinasabi nilang pagka miss ?
Napapikit siya. 'Jeydee.'
Ng banggitin niya ang ngalang iyon ay nagulat siya ng sumara ang pinto ng storage room at sobrang bilis ng pangyayari dahil nakasandal na siya sa pader and is now lock in between Jeydee's arms. Hapong hapo ito at tila galing sa pagtakbo.
Kanina ay nais niya itong makita pero, ngayong naririto na ito ay tila nagsisi siyang naisip niya iyon. Ang sakit ng dibdib niya dahil sa sobrang bilis ng t***k ng kaniyang puso.
"J-jeydee.."
"Don't worry walang makakakita satin dito."
Natigilan siya ng pinatong ni Jeyded ang ulo nito sa balikat niya. Tila hindi na rin ito hapo. Di niya alam ang gagawing kung kaya't nakatayo lang siya doon.
"I'll protect you.." narinig niyang ani nito sa mababang boses.
Walang lumabas na salita sa bibig niya kahit di niya alam ang ibig nitong sabihin. Hinayaan niya lang itong magsalita.
"I'll try my best to protect you Yuna so please, I want you to need only me. I can't help but feel jealous when some other man holds you." He said while staring intently at her.
'Other man ?' Sa isip niya 'hindi kaya nakita niya kanina ng hinatak ako ni Layz?'
Bago kasi sila nawala ni Layz kanina sa kumpulan ng mga tao ay tila nakita niya si Jeydee na nakatitig sa kanila na may malulungkot na mga mata. Akala niya ay guni-guni lamang niya iyon. Ngayon, napagtanto niya ganito pala magselos ang isang Jeydee Valkrie. Naisip niya na kung ganito siya ay baka tuluyan na niya itong sagutin. Pero ang isiping isa itong artista ay pumipigil sa kaniya sa umuusbong niyang nararamdaman para dito.
'Tama nga kayang tanggapin ka Jeydee?'
"Wag kang mag-alala kababata ko lamang si Layz." Sabi niya at agad siya nitong niyakap. Di niya mapigilang mapangiti.
Sa isip niya ay makasarili din siya dahil kahit alam niyang hindi ito tama at maaaring makasira kay Jeydee pag nalaman ng lahat na ang isang artista gaya niya ay umiibig sa isang janitress lamang. Pero, nais niya munang maging masaya sa nararamdaman niya ngayon. Hindi niya man alam kung magiging sila nga ba pero alam niyang masaya siya kay Jeydee.
'Sa ngayon maaari ko ba munang panghawakan ang mga sinabi mo sa akin?'