YUGTO 20

1022 Words
Ika Dalawampung Yugto : Smells like trouble "Ah before I forgot.." napabaling si Yuna kay Jeydee ng magsalita ito. Alas syete na ng gabi at hinatid talaga siya ni Jeydee sa tinutuluyan niya na hindi naman gaanong kalayo sa pinanggalingan nila. Ilang beses narin siyang tumanggi pero nagpumilit talaga itong ihatid siya. Sa huli ay sumuko na lang din ang dalaga. "..you have a boyfriend right ?" Seryosong tanong nito na kinagulat niya. 'Nobyo ? Teka kelan pa ako nagka nobyo ?' Taka niyang tanong sa sarili. "W-wala akong boyfriend." Nakita niya ang gulat pero may halong tuwa sa mukha ni Jeydee sa sinabi niyang iyon. Lihim din siyang natawa sa sarili niya. "W-what ? So yung nakita kung lalaki na kasama mo noon ay ?" "Lalaki ?" "Yung unang beses kang nag deliver sa Condo namin. Nakita kitang may kayakap na lalaki sa labas." Umiwas ito ng tingin at diretsong tumitig sa harapan. Natigilan siya at inalala ang araw na sinasabi nito. Unti unting nanlaki ang mata niya ng mapagtanto na ang kababatang si Layz ang tinutukoy nito. 'N-nakita niya yun ?!' "Si Layz ba ? Kababata ko yun. Hindi ko siya syota." Ani niya. Napalingon si Jeydee sa kaniya at natigilan siya ng makita ang kakaibang galak sa mga mata nito. Napasandal ito sa kinauupuan niya at may bumalatay na ngiti sa labi nito. "s**t. Oh s**t, I'm so happy." She heard him say. Di niya alam pero may kung anong kumikiliti sa tiyan niya. Tila ba ang makita niya itong masaya ay nagbibigay kilig sa kaniya. Her heart beat rapidly ng lumapit si Jeydee sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang noo. Sa tanang buhay niya ay noon lang niya naranasan ang mahalikan doon! Hindi siya makahinga at tila na estatwa siya. "Would it be selfish of me to ask you na gusto ko sakin ka lang ? I want to invade your heart Yuna. Let me court you." Ayaw niyang maniwala sa narinig niya. Pero ng mga oras na iyon gusto niyang maniwala na ang isang Jeydee Valkrie ay liligawan ang ordinaryong babaeng gaya niya. **** Papatulog na sana si Aika ng binulabog siya ng tawag sa cellphone niya. Napakunot ang noo niya ng makita ang pangalan ng manager ni Jeydee na si Alex sa screen. "Hello Ms. Ale--" "AIKA DI KO MACONTACT SI JEYDEE ! TAWAGAN MO ANG MAGALING KONG ALAGA AT SABIHIN MO NA MAG OPEN SA SOCIAL MEDIA DAHIL TRENDING SIYA ! PAG DI NIYA YAN NAGAWAN NG PARAAN MALILINTIKAN TALAGA SIYA SAKIN!" Halos mabingi si Aika sa lakas ng boses ni Alex. Pagkatapos niyang magsisigaw sa galit ay binabaan agad siya nito. Ngunit ng maalala niya ang sinabi nito ay agad siyang nag open ng account niya. "Superstar Jeydee Valkrie, may babae nga bang napupusuan ?" Yun ang title ng trending na trending na article ngayon sa social media. Sa ibaba noon ay ang video clip ng concert niya kung saan ay dinidicate niya ang isang kanta niya para sa babaeng gusto niya daw. Napa tampal siya sa noo dahil napanuod niya rin ito sa araw ng concert niya. Nakalimutan nilang lahat na maari itong pagmulan ng issue ! Sari sari ang naging spekulasyon ng fans sa issue na iyon. May positibo at merong negatibo. May nagsasabi na baka ang babae daw na nakasama niya sa huling MV niya or yung naging leading lady niya sa isang drama. Pero ang pumukaw ng atensiyon niya ay isang kumento doon. "Diba close sila ng PA niya ? At medyo ka edad lang din niya yun ? Hindi kaya siya ?" Napahawak siya ng mahigpit sa cellphone niya dahil sa inis. Hindi niya kinatuwa iyon sapagkat hindi iyon totoo. Kung alam lang nila na winasak ng lalaking yan ang puso niya. 'Hindi siya P.A janitress siya.' Napabuntong hininga siya at hinanap ang numero ni Jeydee para matawagan ito. Kahit sabihin pa mang nasaktan siya ay hindi siya ang klaseng babae na magpapaka bitter. It is a cheap move. Ayaw niyang lumabas na tanga kung kaya't she'll take everything smoothly hanggang sa maka move-on na siya. "Aiks ? Why did you ca--" "Manuod ka sa social media. May issue ka. Ayusin mo yan sabi ni Ms. Alex." She said at binaba ang tawag. 'You've like a wrong girl Dee.' **** Jeydee keeps on tapping his fingers on the table sa sala ng condo nila. His legs are crossed at sa isang kamay nito ay ang cellphone niya na kanina pa niya tinititigan. Hindi niya akalain na ang kaligayahan niya ngayong araw ay sasalubungin agad ng problema. He forgot about the possible issue that will go out the moment na may gawin siyang kahit maliit na bagay na kahina hinala. Nakalimutan niya na walang salitang pribado sa buhay niya. 'Damn. How can I protect my girl? Nanliligaw pa nga lang ako tapos.. damn it.' Marami na rin siyang natanggap na text at tawag kanina pa galing sa mga pinsan niya at sa iba. May mga missed calls sa manager niya. At nalaman nga niya ito kay Aika saktong pagkarating niya kanina sa Condo. Nagring ulit ang cellphone niya at nakitang ang manager niya iyon. He sigh and accepted the call. "JEYDEE VALKRIE SINABI KO NAMAN SAYO NA WAG MO YUNG GAGAWIN SA CONCERT DIBA ? LOOK AT WHAT HAPPENED ?! PAANO MO YAN GAGA--" "Prepare an interview for tomorrow." "HA?!" "Alex ang sabi ko magpapa interview ako bukas." "AT SINO KA PARA DIKTAHAN AKO NIYAN ?! MAGPAPAINTERVIEW KA TALAGA !" Inis siyang napapikit ng mata ng babaan siya nito. He touched his temples and he tried to calm himself down. He won't let Yuna to be found out by anyone. Hindi dahil kinahihiya niya ito or hindi din dahil para ma bash ito ng mga fans or pagkaguluhan sa social media, kundi dahil gusto niya siya lang ang nag-iisang tao na nakatingin sa kaniya. He don't want the whole world flock on his only world. He is selfish. He must protect her. He must protect his world. 'I won't let the whole world know about you. I won't let them invade your whole being. You're only for me Yuna.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD