YUGTO 19

1150 Words
Ika Labing Siyam na Yugto : I am Layz Ocampo "..you'll be a costumer too for today. Sit." Naestatwa si Yuna sa narinig niya mula kay Jeydee. Hindi niya mahinuha kung nagbibiro lang ba ito o hindi. "S-sir Jeydee ano pong--" Muntik ng mapatili si Yuna ng hapitin siya ni Jeydee sa bewang at mabilis na iginiya paupo sa upuan. Kinuha neto ang tray na hawak niya at ibinigay sa isa sa mga waiter ng cafe. Napapalunok niyang nilingon si Thea na noo'y kinindatan lang siya at pagkatapos ay pumasok ito sa maliit niyang opisina. "Please look only at me for today my lady." Jeydee's husky voice sent shiver down her spine. His whisper is like a bolt of electricity and the heat of his breath gave her goosebumps. He heard him chuckle at naglakad na ito pabalik sa dati niyang kinauupuan. "Bon appetite?" He asked. Hindi niya alam kung tama bang gawin ito gayong oras ito ng pagtatarabaho niya. Feeling niya'y hindi tama itong ginagawa niya lalo na't hindi ordinaryong tao ang kaharap niya. At isa pa'y bumabagabag din sa kaniya kung ba't ito ginagawa ni Jeydee. Ni hindi niya magawang galawin ang pagkain niya dahilan para matigilan din si Jeydee. "Is anything wrong Yuna ? You don't like the food ?" He sound so worried. 'bakit? Anong kailangan mo sakin?' Naiinis siya sa isiping yun. Naguguluhan siya. Nalilito. "Ba't mo to ginagawa?" She seriously said while looking into his eyes. She saw him stiffened for some second pero nakabawi din. Maingat nitong nilapag ang hawak nitong mga kubyertos at pagkatapos ay pinagsiklop ang mga daliri at ipinatong ang baba doon. "Why ? You don't like it ?" He said. "Mawalang galang na po sir Jeydee pero hindi po yata magandang tignan na kumakain kayo kasama ang isang tulad ko." Nakita niyang nanliit ang mga mata ni Jeydee sa kaniya. Like he doesn't like what she just said. "Are you belittling yourself Yuna ? Kung ang iniisip mo'y baka may mga fans na makakakita satin ay pinapribado ko na ang cafe." He intently said. Napakagat siya sa ibabang labi niya tanda ng pagpipigil niya ng irita. "Bakit ? Bakit mo to ginagawa ?" she managed to ask again. "I told you right ? I like you Yuna. I really do." He seriously said. Nakita niya ang mumunting kinang na iyon sa mga mata nito. Sa isip niya ay hindi tama iyon. Na baka akala lang nito na gusto niya siya pero hindi pala. O di kaya'y nagbibiro lang siya pero, she can sense seriousness on his eyes. "Hindi mo ako lubusang kilala kaya paano mo nasabing gusto mo nga ako?" She asked. He leaned forward dahilan para mas bumilis ang t***k ng puso niya. Nakakapanghina. Nakakakiliti. Di niya alam kung saan nangagaling ang nararamdaman niya ngayon. "My heart can't lie on me Yuna. No requirements needed. If I said I like you, I really mean it. You can't do anything about it.." Napayuko siya. She saw her hands trembled kung kaya pinagdikit niya iyon. Bigla ay napapikit siya ng mariin. 'Kung ganoon.. ang puso ko ba ay hindi din nagsisinungaling ngayon?' **** Papauwi na si Aika bitbit ang mga pinamili at mugto ang mga mata sa kakaiyak kanina ng madaanan niya ang park kung saan nawasak ang puso niya. Dahil gusto niyang mapag-isa'y pinaki usapan niya si Bryce kanina na iwan muna siyang mag-isa. Napabuntong hininga siya at naupo sa swing at pilit na napangiti sa sarili niya. Napaka martyr niya, yun ang nasa isip niya. Gusto man niya maiyak ngunit tila pagod na ang mahahapdi niyang mga mata. Napatigil siya sa mahinang pagtulak sa swing gamit ang mga paa ng tumambad sa harap niya ang isang panyo. Tiningala niya ang taong may hawak noon at nakita niya ang isang lalaking may dala dalang mga bagahe. "Masyado kang maganda para umiyak Miss." Ani nito. Sa sinabi nito ay bahagya siyang natawa. "Talaga ? Kung maganda ako ba't di niya ako gusto ?" Malungkot niyang ani. Nakita niyang umupo ang lalaki sa tabi niya kung saan nakapwesto si Jeydee kagabi at hawak narin niya ang panyo neto. "Sa waks nakaupo din" mahina nitong ani at nilingon siya "alam mo Miss sa pag-ibig hindi lang panlabas na anyo ang basehan." Ani nito na may pag-iingat. Napangiti naman siya. "Eh paano mo masasabi na gusto mo nga ang isang tao kahit paman di mo pa ito lubusang kilala ?" Tanong niya. Naisip niya na kung hindi lang pala panlabas na anyo ang pagababasihan, bakit nagustuhan ni Jeydee si Yuna gayong mas matagal parin siyang nakilala ni Jeydee. Mas kilala niya si Jeydee at gayun din si Jeydee sa kaniya. Unlike kay Yuna na ngayon lang pumasok sa buhay ni Jeydee. "Dahil ang pag-ibig ay walang basehan. Hindi ito nasusukat, kusa lang itong nararamdaman." Natigilan siya sa sinabi ng taong kasama niya. Dahil doon ay may napagtanto siya. Tama nga naman. Nagustuhan nga lang din niya si Jeydee ng tinulungan lang siya nito kahit di pa nila kilala ang isa't-isa. Dahil doo'y natawa siya. 'I'm so stupid.' Ngayon ay nakangiti na siyang hinarap ang lalaking nasa tabi niya. Totoo nga ang sabi nila na talking to a stranger is sometimes much better. Di mo siya kilala, di ka niya kilala kung kaya't di niyo basta basta mahuhusgahan ang isa't isa. "Oh mukhang di mo na kelangan ang panyo ko Miss.." nakangiting sambit nito. "Salamat ha ? Ahmm I'm Aika by the way. Aika Feliciano. Ikaw ano pangalan mo ?" Nakita niyang pinunasan muna ng lalaki ang kamay neto bago nakipagkamay sa kaniya kung kaya't natawa siya. "Layz. Layz Ocampo miss Aika. Kinagagalak kitang makilala." 'Layz Ocampo huh ? Salamat.' **** "I found him Ma'am" saad ng isang naka itim na lalaki at medyo matipuno. May nakasabit ding earpiece sa isang tenga neto. Agad na napalingon sa kaniya ang isang napakagandang ginang na napaka sopistikada sa kaniyang suot. "Finally ! So where is he ? Is my daughter with him ?" Nagbabakasakaling tanong nito. Bahagyang napayuko ang lalaki at lumungkot ang mukha nito. "Kinalulungkot ko po Ma'am pero magtatatlong linggo nang patay si Ginoong Kristof Legazpi." Nagulat ang ginang sa narinig. Nanghihinang napaupo siya sa sofa sa gilid niya. Her eyes became teary. "Oh Kristof.." mahina niyang tugon habang lumuluha "h-how about my daughter ?" "Wala na siya sa kanilang probinsiya Ma'am.. napag alaman kung ang inyong anak ay nasa Maynila at kasalukuyang naghahanapbuhay doon." "Maynila ?" She asked.. Tumango lang pabalik ang lalaki sa kaniya. "Kung gayun ay hanapin mo siya sa Maynila.. kapag nahanap mo na siya ay saka ko lang haharapin ang lapida ni Kristof." Nasaktan man siya sa balitang patay na ito ay may mumunting galit parin sa puso niya sapagkat ito ang naghiwalay sa kaniya at sa kaniyang anak. "Sana walang makakaalam nito.. lalo na ang anak kong si Jeydee. Di niya pa maaaring malaman na may kakambal siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD