YUGTO 18

1082 Words
Ika Labing Walong Yugto : When he's inlove Hangover. Hirap man ay unti-unting bumangon si Jeydee mula sa higaan niya. Ang puting kumot ay bumagsak mula sa dibdib, niya papuntang hita, niya revealing his tattooed body. Napabuntong hininga siya. Remembering last night's event made his head ache again. He was angry at his self and at the same time he is worried about Aika. He's blaming his self for not seeing how Aika felt about him. Thinking how hurt she is made him devastated. She is one of his great friend and thinking that he only felt that way towards her made him feel worst. 'I'm sorry Aiks but someone like me don't deserve your love.' Naisip niya na mas mabuti na sigurong iwasan muna siya ni Aika. If she's angry with him, then it's much better. Sa tingin niya kasi ay mas mabuti na yun para makalimutan nito na mahal niya siya kundi habang buhay lang siyang masasaktan. Good thing may 2 months break siya bago ang next comeback niya. Di na siya umaasa na sa 2 months na yun ay magpapakita or magtetxt manlang si Aika sa kaniya. Mamomroblema na lang siya ulit pag nag comeback na siya. 'Maybe she'll consider retiring ?' But then he think na hindi naman siguro ganoong tao si Aika. He better trust on her and everything will be ok. 'We'll be ok.' Thinking on how he could get over his hang over, napangiti siyang naalalang Sabado ngayon. Tumayo siya para maligo. 'A cup of hot coffee and a glance of her will do.' **** 2 months. Yan ang panahon na meron si Aika para makapag-move-on. Nagpapasalamat siya at saktong break na ni Jeydee kung hindi ay hindi niya alam ang gagawin pag kaharap ito. Bukod sa nasaktan kasi siya ay medyo nahihiya siya since alam na ni Jeydee ang feelings niya. Pero.. "Mukhang bad mood na bad mood ka yata Ms. Bigo. Miss mo na ba agad ang palalabs mo ? Hahaha !" Inis niyang nilapag ang de latang nakuha niya at nilagay niya sa cart niya. Nandito kasi siya ngayon sa Department Store at namimili ng saktong nagkasalubong sila ni Bryce. "Pwede ba Bisugo tigilan mo na ang kakasunod sakin ? Wala kanang bibilhin diba ? Magbayad kana !" Inis niyang singhal dito na tinawanan lang ng isa. Kahit saan siya magpunta ay nakabuntot ito sa kaniya kaya sa huli ay di nalang niya ito pinansin at kunyari ay di niya to kilala. "Oi Ms. Bigo. Ganiyan kana ba kabigo at parang galit kana sa mundo? Haha.." Halos pabagsak na ang bawat lakad niya palabas ng mall dala dala ang mga pinamili. Ngunit sa sinabing yun ni Bryce ay tila napigtas na talaga ang iniingatan niyang pasensiya. Hinarap niya ito kung kayat nagulat namang tumigil ang binata sa paglalakad. "Oo ! Bigong bigo na ako Bryce ! Sinabi na niya mismo sa mukha ko na kaibigan lang ako sa kaniya ! Ano masaya kana ha ? Ha ?!" Inis niyang tinulak tulak si Bryce na noo'y natigilan. Her eyes pooled with tears again. Akala niya wala na siyang maiiyak pa pero meron pa pala. Iniisip niya kung gaano paba karaming sakit ang natitira sa puso niya ? Gusto na niya iyong mawala at sana ang pag-iyak ang makapagpabawas ng pighating nararamdaman niya. Hinawakan ni Bryce ang kamay niya at hinatak siya papuntang dibdib nito. He burried her face on his chest and she felt at ease all of a sudden. "I'm sorry." He heard him say. **** Kakabalik lang ni Yuna sa White Bear cafe pagkatapos niyang ihatid ang isang delivery ng mga cupcakes kanina. Pagkapasok niya ay tinawag agad siya ni Thea na noo'y kakalapag lang ng isang tray na may hot coffee at isang bluberry cupcake sa counter. "Oi sakto bata. Ikaw daw ang magbigay netong order." Napakunot ang noo niya sa sinabi neto. "Po ? Ako ? Eh diba ho tagalinis at delivery lang ang nakalaan para sakin dito ?" Tanong niya Yun lang kasi ang ibinigay na trabaho noon ni Thea sa kaniya. Tagalinis ng mesa at siya din ang naglilinis ng lahat kapag magsasara na ang cafe at syempre delivery girl. Iba din ang uniform niya sa mga waiter at waitress dito kung kayat nagtataka siya kung bakit inutusan siya nitong mag waiter. "Eh sa yun ang gusto eh. May reklamo ka ? Ano sagot ?" Dali dali naman siyang sumunod dito dahil sa takot nito sa kaniya. Mabait si Thea oo, pero siyempre dahil sa personalidad nitong mala maton eh nakatakot din siya minsan. "Saan po ba banda ?" Tanong niya dahil nga first time lang niya magbibigay ng order. "Ayun sa dulo sa may glass window." Turo niya gamit ang nguso nito. Halos mabitawan niya ang tray na hawak ng makilala kung sino ang taong nasa dulo. Nakasiklop ang mga kamay sa taas ng mesa at ang mga mata'y seryoso siyang tinitignan. His legs are crossed and the 3 unbuttoned buttons of his white polo shirt got her distracted. She wondered kung bakit walang fans ang nakapansin sa kaniya at dun lang niya napansing wala ni isang tao sa loob nang cafe. Nang tinignan niya ang sign board sa may pinto ay naka close pala iyon ! Gulat siyang lumingon kay Thea and the latter give her a smirk. "Mukhang trip ka ni Jeydee." She cooly said na tila parang wala lang ito sa kaniya. 'Pano niya nasabi yan ng ganoon lang ?! Imposible yang sinasabi niya ! Tsaka Tita ka niya oi !' Napabuntong hininga na lang si Yuna at nagtungo na sa pwesto ni Jeydee dala ang order neto. Inisip na lang niya na baka nagtetake lang ito ng break ngayon sa showbiz at dahil baka ayaw netong masira ang relaxing time niya ay pinaprivate niya muna ang cafe. "Here's your order sir." Sinikap niyang hindi nito mapansin ang panginginig ng kamay niya habang nilalapag ang mga order nito. Titig na titig kasi ito sa kaniya. Nang nalapag na niya lahat ay akma na sana siyang tatalikod ng.. "Wait." Napatigil siya sa pagtawag nito sa kaniya. "Yes sir ? May kailangan pa ho ba kayo ?" "Please don't call me sir Yuna." "Pero costumer po kayo, sir." "Then in that case.." Nagulat siya ng tumayo si Jeydee at hinila ang upuang nasa harap niya. His silver cross earring on his right ear sways on his every move. Napalunok siya ng tinignan siya neto ng seryoso. "..you'll be a costumer too for today. Sit." 'Ha??!!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD