Trial and Error #8

1266 Words
Thorne's POV Kapapasok ko lang sa bahay at nasa sala na 'ko nang salubungin ako ni Nay Lydia. Her expression was unusual... At parang gusto kong i-massage ang batok ko. Tsk, I'm sure it was about my brat guest, Kody. Bakit ko nga ba naisipang paturuan ang babaeng iyon ng mga gawain? With her naughtiness... nagpapasalamat ako at nakatayo pa ang  bahay ko. "Thorne, hijo, nasira ang vacuum, labinlimang crystal plate ang nabasag at isang vase." "Which vase?" Tanong ko at ginala ang paningin sa sala. "Ang paborito ni Señora, the Qing Dynasty vase..." "Sh!t." Tinanguan ko lang si Nay Lydia at nagtuloy na sa taas. Damn. Alam ko kung gano kamahal ni Mama ang mga koleksyon nya. At kahit nasa ibang bansa, hindi niya nakakalimutang kumustahin ang mga iyon kapag tumatawag sa akin. And her collection is also the reason why I didn't change the house interior. Bumibisi-bisita sya sa Pilipinas at gusto niyang nakikita ang mga iyon. Hinayaan ko na lang tutal nagpapagawa na 'ko ng sarili kong bahay sa Alabang.  At ngayon, nabasag ang isa sa mga paborito niya. Tsk, tsk, tsk. Buti na lang hindi pa ko inaabisuhan ni Mama na balak nyang magbakasyon dito. Kung hindi... it will be another war  between my Mom and Kody... Ang nanay kong reyna ng pagiging matapobre at katarayan versus Kody, ang babaeng di magpapatalo  at papatulan kahit siguro pang-aasar ng Presidente ng bansa. At malamang katakut-takot na tanong din ang ikukulit ni Mama sa 'kin kung bakit ko pinatira dito si Kody. At wala akong isasagot sa kanya dahil maski ako, hindi ko din alam. Or maybe, I just don't wanna deal with the reason why? Tsss... Women, women... they are absolute pain in the neck. My mother, Charm, na walang-balak akong tigilan, and Kody, who topped them all. At buong-buhay ko ng pinoproblema.... Pinag-iisipan ko kung itutuloy pa ang pagtuturo sa kanya. Hell! Baka walang matirang gamit sa bahay. I sighed and stepped in my room. I rested my file case on the sofa and was about to undress when I noticed Kody. In my bed... and sleeping like a sweet babe... I frowned. Lumapit ako sa kama. Bakit nandito na naman 'tong babaeng to? Umupo ako sa gilid at hinawi ang buhok na tumabing sa mukha nya. "Kody..." tawag ko sa kanya pero hindi man lang sya nagising o kumilos. She seemed so tired. Nakasuot pa din sya ng maid uniform. Bakit ang ganda niyang magdala kahit simpleng tela lang ang suot nya? At dahil matangkad, hanggang kalahati ng mga hita ang damit. Damn... she carried the maid's uniform like no other business..... at naka-stilletos pa. Kahit siguro sako ang ipasuot sa kanya... Tss... Why am I making descriptions about this girl? Matagal ng maganda at sexy ang babaeng to, so what? I cleared my throat and dismissed my silly thoughts. Pagod lang to. "Hey, Kody." Tawag ko ulit sa kanya pero bumuntong-hininga lang siya at nag-iba ng posisyon ng higa. Tumagilid siya paharap sa'kin at sinampay ang isang braso sa kandungan ko... D. A. M.N. *Hard breathing. Sh!t..... konti na lang at malapit na ang kamay nya sa hindi dapat... "Damn it, Kody, wake up." I said in a ragged breath while trying to put her hand away from my crotch. Pero umungol lang siya kaya pinisil ko ang ilong niya para magising siya. Hindi ko tinigilan hanggang hindi sya bumabangon at nagwawala. "Appfff.. Aaaah!" *************** Kody's POV Nagising ako dahil hindi ako makahinga kaya nagpupumiglas ako hanggang sa makita ko si Thorne sa harapan ko. "Ano ba!? Papatayin mo ba ko?" "No. You're too beautiful to die early, ginigising lang kita." "Nakikita mo ng natutulog ako ah!" "Yeah. You're sleeping. In my room. Again." Binigyang-diin nya ang mga salita. Nilibot ko ang paningin ko. Hmn... Oo nga pala dito nga pala ko pumasok kanina. "Dito talaga ko natulog dahil hinihintay kita. Gusto kitang kausapin." "No need. Alam ko na ang mga ginawa mong kapalpakan. Mapapalagpas ko ang vacuum at mga plato but the vase? That one already costs a fortune. At bilang bayad magsisilbi ka sa 'kin ng tatlong taon. Now get out." Balewala niyang sabi habang naghuhubad. "Magsilbi? Tatlong taon? Are you high with something? Kaya nga ko nandito dahil gusto kong sabihin sayo that I quit! Bigyan mo na lang ako ng ibang trabaho!" Gusto kong maiyak dahil sa pagod. Kinabog ni Nay Lydia ang infamous stepmother ni Cinderella. Hindi niya ako tinigilan hanggang gabi, kung anu-ano ang inuutos. Pagod na pagod tuloy ako. "And why? Sumusuko ka na?" Thorne asked in a mocking tone. I just gave him dagger looks and stood up in front of him. Syempre hindi ko masasabi sa kanya na maldita ang mayordoma niya. Pagtatawanan niya lang ako at nunca na maniwala sya sa 'kin! "Doing households doesn't suit me. Bakit di mo ko bigyan ng ibang trabaho? In your office maybe? O sa kahit anong business mo?" "Wait... what? Did I hear it right? In my office?" "Oo." Nagkaroon ako ng pag-asa nang parang pinag-isipan nya ang sinabi ko. Pero gumuho ang lahat ng yun nang... bigla syang tumawa ng malakas... "Humor me more, Kody. Hahaha! In my office? Thanks but no thanks, babe, wala 'kong balak na magulo ang imperyo ko. And besides...." pinasingkit niya ang mga mata niya bago.... "Anong alam mong gawin?" And that really hit a raw nerve! Tumayo ako at buong lakas ko siyang tinulak sa dibdib. Pero ang walanghiya, ni hindi man lang natinag! "Damn you! Ang sama mo! Hindi por que hindi ako nakatapos ng college ay pwede mo na kong hamakin. Ang yabang mo! Marami akong kayang gawin no!" Susuntukin ko sana sya sa dibdib pero sinalo nya ang mga kamao ko. "Like what?" Napaisip ako.... Ano nga ba? Saan nga ba ko magaling? Ilang segundo akong hindi nakaimik. Tiningala ko si Thorne. I could see challenge in his dark eyes. Hinila ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak nya. "Well.... kaya kong... kaya kong...." Ano nga ba? "Magmahal ng totoo! Yeah right, kaya kong magmahal ng totoo." Tinaasan ko siya ng kilay. That's pure talent, right? Gah! Ang baduy ng sinabi ko. Pwede ba iyong sabihin sa mga job interview bilang special skill? "Ugh, don't fool me, Kody, sarili mo lang ang kaya mong mahalin. And it's not a talent." "Sinong may sabi sa 'yo? Trust me, I'm really good at that. Palibhasa wala kang puso." "You sure? I tell you, mas magaling ako sa bagay na iyan." "Talaga? Hindi halata, duda nga ako kung minahal mo lahat ng naging girlfriend mo." "I'm not talking about them... Ikaw... sigurado ka bang iyon lang ang kaya mo? Bakit iniwan ka ng boyfriend mo?" I was stunned for a while. Feeling ko umakyat ulit ang dugo ko sa ulo ko. "That was a low blow!" He just arched an eyebrow and walked pass me. "Paano mo nalaman? Hindi ko alam na updated ka sa buhay ko." "Your mom told me. Wag kang mag-alala hindi ako interesado sa buhay mo. Know what, Kody, this conversation bores me. Matulog ka na and please stop pestering me at least for the following days." That's it! Matapos niyang husgahan ang kakayahan ko basta niya na lang ako itataboy! Drat this man. "Papatunayan ko sa 'yong may kaya akong gawin, Thorne! At kung ayaw mo kong bigyan ng ibang trabaho, fine!" Nagsimula 'kong maglakad papunta sa pintuan nang matigilan ako. Mabilis akong bumalik sa harap nya at tinapakan sya sa paa. "Aw, sh!t! You, b***h!" "That's for belittling me!" I made a face and walked out of his room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD