Trial and Error #7

791 Words
Nekoda's POV Pinilit kong hindi umikot ang mga eyeballs ko habang pinapaliwanag ni Nay Lydia kung paano ang tamang pagpunas ng mga vase. Duh! Siguro naman basic knowledge na kahit kanino ang gawaing 'to, di ba? Pero si Nay Lydia, c-in-areer ang pagpapaliwanag sakin. Feeling ko tuloy ang tanga-tanga ko. Kung di lang to matanda.... at kung di ko lang alam na ibibitin ako patiwarik ni Thorne kapag nalaman nIyang pinatulan ko ang nanay-nanayan nya...Naku! Tanghali na at bukod sa tinatamad na ko, pagod na pagod na din ako. Kung anu-anong tinuturo at pinapagawa niya sa 'kin at luckily.... I've finished them with flying colors!  Ewan ko lang kung bakit walang natuwa sa ginawa ko samantalang napakintab ko naman ang sahig, iyon nga lang, napasukan ng kung ano ang vacuum tapos nag-tsug-tsug-tsug at umusok. Nasira man, at least nagawa ko ang pinagawa sa akin, bahala sila sa amo nila, at bahala si Thorne, makakabili naman siguro siya ng bago, kahit sampu. At nakapaghugas na din ako ng mga pinggan... 15:13 ang ratio..... ng nabasag na pinggan at mga naligtas...  Whatever. Alam ko namang sinusubukan lang ni Thorne ang itatagal ko sa bahay nya. Ha! "Gawin mo nga po, Miss Kody, katulad ng sinabi ko." Nakangiting sabi ni Nay Lydia, halata ang sarcasm. "Sure, Nay." Sagot ko, with equal sarcasm. Inabot ko ang pamunas at sinapo ang malaking vase, a very antique one. At mabigat. Ang alam ko, ang socialite na nanay ni Thorne ang mahilig sa mga ganito. Hmn.... Come to think of it, bata pa lang ako ganito na ang ayos ng mansyon nila. And that was years years ago. Ang tagal na. Bakit kaya hindi niya pinapabago ang ayos ng buong bahay kahit matagal ng naninirahan si Mrs. Salvatore sa ibang bansa? Ganon ba sya ka-busy sa business nya? Tsk. Tsk. Tsk. Kelangan na talagang mag-asawa ng lalakeng iyon. Kung may makakatagal sa kasamaan nya. Bwahaha! Hmmm... sino nga ba? Si Charm kaya? Uhm..  pwede din. Dominanteng lalake plus sweet little wife. Bagay nga silang magsama.... Napakunot-noo ako.... Bakit parang noong naisip ko iyon ay hindi ako masyadong natuwa?  Bakit may part sakin na tumanggi? Bakit parang ang idea na magkaka-asawa siya ay... Hindi. Hindi! Siguro... ayoko lang na liligaya siya tapos ako wala pang direksyon sa buhay! Tama! Hindi pwedeng maunahan nya kong lumigaya! No! Hindi ako nagseselos sa ideyang magpapakasal sya sa iba! Hindi. Hindi talaga! "Hindi!!!" Hindi ko namalayan na nai-voice out ko na ang iniisip ko... at dahil na-carried away ako sa iniisip ko... Napayuko ako. Damn... Napatitig ako sa sahig at nakita ko ang kalahating mukha ng babaeng nasa vase... nakatingin sa akin, parang kinokondena 'ko kung bakit sya nabasag ... ang iba pang basag na parte nito ay tumalsik naman malapit sa grand stair case.... Shucks! Buo pa yan kanina ah, bakit.... bakit.... dumami? Hindi ko namalayang nabitiwan ko! Parang bumalik sa akin noong anim na taong gulang ako. May party dito. Hinahabol ko si Thorne hindi dahil naglalaro kami, kundi dahil nag-aaway kami. Hindi ko sinasadyang nasagi ko ang isang antigong vase at nabasag yon. Katakut-takot ang inabot kong sermon mula kay Mrs. Nelly Salvatore, nanay ni Thorne. At simula noon bad vibes na kami sa isa't-isa. Pero hindi siya ang problema ko tutal nag-migrate na siya. Ang problema ay ang bakulaw ng bahay na to! Si Thorne! Malamang singilin niya ko! O idemanda kaya? Nasalubong ko ang madilim na tingin ni Nay Lydia, parang kinakabahan siya... Syet, patunay na hindi basta-basta ang nabasag ko. With the Salvatores' taste and eyes for expensive art.... malamang sampung doble ang mahal nito sa pinakamahal kong bag na branded! Lagot... Parang iiyak na ang mga katulong sa paligid ko. Natatakot siguro sa magiging reaksyon ni Thorne kapag nalaman ang nangyari. Hindi ba dapat ako ang matakot? Teka.... No! Ba't ako matatakot sa lalakeng iyon!? Lumunok ako at tiningnan ang nabasag na pigurin atsaka ginala ang paningin sa paligid at nag-landing ang paningin ko kay Nay Lydia na umiiling. "Tess, tulungan mong maglinis nito si Miss Kody." Iyon lang at dramatic siyang nag-walk-out. Nilapitan ako ni Tess. "Miss Kody..." "Don't worry, Tess, a-akong bahala sa amo nyo, ako ang may kasalanan, walang masisisante." Nakataas-noo kong plataporma sa mga katulong na nasa paligid. Weh? Ako ba iyon? Paano ko iyon mapapanindigan samantalang alam kong ako ang ay kasalanan? Naglakad ako papunta sa cupboard para kumuha ng walis at dustpan. Tsk, tsk, nasirang vacuum, labinlimang nabasag na pinggan at nabasag na vase... Strike three na 'ko. Malamang-lamang aalis ako sa bahay na ito ngayong gabi... Papalayasin ako ni Thorne! Papalayasin ako ng taong nagpalayas sakin sa sarili kong tirahan!  Papalayasin niya ako for the second time around! No! Hindi ako natatakot sa kanya. Hindi ako natatakot sa kanya....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD