Trial and Error #6

1496 Words
Thorne's POV   It was eleven in the evening when I finally made it to my house. Bumaba ako sa kotse at pumasok sa bahay. Napakadilim at tahimik. Hindi na 'ko nag-abalang magbukas ng ilaw. Tatlumpung taon na 'kong nakatira dito kaya memoryado ko na bawat parte at sulok. Thirty years... thinking about my age... perhaps I really need to settle down. Hindi na 'ko bumabata. At para na din mapuno ng tawanan ng mga bata ang bahay na 'to.. Pero sino namang pwedeng maging Mrs. Thorne Salvatore? Of course, there will be many willing candidates. At iyon ay kung magpapalathala ako sa dyaryo at magpapa-audition. But that will be a stupid idea. Kung basta naman ako mag-aalok ng kasal... meron sigurong tatanggap. Lalo na si Charm. Pero wala nga 'kong balak na makasama siya ng matagal, habang buhay pa kaya? Hell! Mamamatay ako sa inip.  Meron sana 'kong naiisip na babae pero kung aalukin ko siya ng kasal... baka mapahiya lang ako. She will only laugh at my face and curse me from head to toe. I sighed. I'm a fool. Bakit ko ba naisip ang pag-aasawa? I have a long way to go in the world of business. Marriage is definitely out of the line. Pumasok ako sa kwarto ko. And how I wish na maranasan ko din na may asawang naghihintay sa'kin na syang magtatanggal sa necktie at coat ko. A wife who will massage my back and ask about my work and if I ate on time and whose smile is enough to make my tiredness goes away... Damn! Stop it, man! You're thinking like a romantic fool! Para 'kong tanga! Kung malalaman ng kaibigan kong si Enero ang naiisip ko baka namatay na siya sa kakatawa. Samantalang kilala niya kong allergic sa seryosong relasyon, kasal pa kaya? Why the change of mind, Thorne? I asked myself. Hinubad ko ang coat at polo shirt ko. I'm about to unbuckle my belt when I heard something in the bathroom... I frowned. Bakit bukas ang shower? Sigurado naman akong pinatay ko iyon kanina? Lumapit ako sa banyo at nakita ko sa ibaba ng pinto na bukas ang ilaw sa loob. Nakiramdam ako sa paligid. At mayamaya ay tumigil ang lagaslas ng tubig at bumukas ang pinto... And came the wife I'm dreaming a while ago... Wearing a soft red lingerie... At basa pa ang buhok... But Nekoda Rose La Voie? I can smell thick trouble...   ******************** Kody's POV   "Hello, Thorne. Ba't parang na-engkanto ka? Nagulat ka ba? O natatakot lang?" Dahan-dahan kong sinuklay ng mga daliri ang basa kong buhok. Tsk, tsk, tsk! Mga lalake talaga. Pag nakakakita ng exposed na balat, daig pa ang na-tuod, hindi na gumagana ang isip, adam's apple lang ang gumagalaw. Pero at least, napatunayan kong may alindog pa 'ko...  Simula pa lang 'to pero sa tingin ko hindi na 'ko mahihirapan sa mga susunod kong plano. Bwahahaha! "Why are you here?" seryosong tanong niya, at hindi na tinuloy ang pag-aalis ng sinturon. He fixed his gaze to my face, and avoided looking at my body. Haay... Ang sarap pahirapan! Sorry na lang, Thorne, malandi na kung malandi pero babae lang ako at natural, ang man-seduce ang isa sa mga expertise ko para mapasuko ang isang lalake. At para manggalit na din. "Dito ako titira." "And who said that?" "Ako. Problem with that? Ikaw ang nagpalayas sa'kin di ba? Pina-demolish mo ang tirahan ko ng wala man lang relocation. Kaya dito ako nag-evacuate. Ikaw ang nagpalayas sa'kin, ikaw din ang tumanggap sa'kin!" at diretso 'ko sa kama niya. Pabayaan ng matulog na basa ang buhok, hindi pa naman siguro 'ko mababaliw. "Hey! What are you doing? Hindi ka pwedeng matulog dito!" "Goodnight, Thorne. Dream of me." Niyakap ko ang unan niya at pumikit. "Damn it, Kody! I'm a man..." he said in a resigned tone. "And you're a----" "Woman?" tanong ko. "No. A b***h!" "Well, alam ko na yan, Salvatore! Teenager pa lang tayo, 'yan na ang press release mo. Kaya nga walang gustong kumaibigan sa'kin eh, at hindi ako sineseryoso ng mga lalake dahil sinabi mo lang naman yan sa harap ng maraming tao. But that was past. At wag mo na 'kong abalahin, okay?! Pagod ako. Goodnight." Bago 'ko pumikit ulit, nakita ko pang minasahe niya ang pagitan ng mga kilay niya. Hindi pa din nagbabago ang ungas na 'to. Habit niya na iyon pag naiinis. "Alam mo bang pwede kitang gahasain? At walang makakapigil sa'kin. You're in my territory." pananakot niya. "Go, do that." sagot ko nang nakapikit. "Kapag ginawa mo yan... dalawa lang ang pupuntahan mo. Either makulong ka o makasal ka sa 'kin. At sinasabi ko sa'yo, mas magiging masaya ka pa sa kulungan kesa maging asawa mo 'ko. See? Either way, katapusan mo na. Kaya patulugin mo na 'ko, okay?!" Niyakap ko ang binti ko sa unan niya. At dahil wala akong kumot, alam kong kitang-kita niyang lumilis ang suot ko... exposing more of my skin... Pinakiramdaman ko siya. Nakatayo lang siya sa tabi ng kama at nang kumilos siya ay akala ko aalis na siya pero naramdaman ko na lang na umangat na lang ako. "Aaaahhh! Ibaba mo 'ko!" "I will let you in my house but not here in my room. Sumosobra ka ng babae ka." "Aaaahhhhh! Ibaba mo 'ko!" Nagpupumiglas ako. Nakalabas na kami ng kwarto niya at balewala niya kong sinampay sa balikat niya nang nasa hallway kami. "Thorne! Ibaba mo 'ko!" Ipinasok niya 'ko sa isa sa mga guest room at ibinagsak sa gitna ng kama. "Aaaaaaaahh! Aaaaaahhhh!" "Damn it! Bakit ka ba sigaw ng sigaw?!" Tumigil agad ako sa pagsigaw at nagcross-arms. "Wala lang, gusto ko lang ma-eskandalo ka sa mga katulong mong sobrang paggalang sa'yo. Pasalamat ka, wala sina Mommy sa kabilang bahay at hindi ako narinig. Kung hindi eh baka wala pang nangyayari sa 'tin mapikot ka na agad! Alam mo namang desperada siya na tayo ang magkakatuluyan di ba? See? Lahat ng ginagawa mo at nangyayari pumapanig sa'kin!" Bumuntong-hininga lang siya at sinamaan ako ng tingin. "Why are you doing all of these, Nekoda? Kung nagagalit ka na nawalan ka ng tirahan, then ibibili kita first hour in the morning!" "Ayoko!" "At anong gusto mo? Ang galitin ako araw-araw?" "Hmn... nagagalit ka na ba?" "Malapit na!" "Well, I'm expecting your wrath, Thorne and I'll be ready and glad when it comes." Nginitian ko siya nang nakakaloko. Bumuntong-hininga ulit siya. "Napalo ka man lang ba noong bata ka pa? Napaka-sutil mo! Kung hindi pa, ako ang gagawa non sa'yo." at hinawakan niya ang sinturon niya. "Ows?! Gusto mo ba talaga 'kong paluin sa pwet? My butt's too beautiful for that. O baka naman iba ang gusto mong gawin?" Sandali siyang natigilan, parang naisip din ang sinabi ko.  Bigla 'kong kinabahan. Syet! Baka mapikon na nga siya at gawin ang naglalaro sa isip ko! "P-Pero hindi mo gagawin iyon, Thorne! Dahil kapag inalis mo 'yang sinturon mo... mahuhubaran ka... lalabas ang ebidensya na attracted ka sa'kin, in an adult level of attraction, you know what I mean. At hindi mo ipapahiya ang sarili mo sa'kin di ba? Imagine... galit ka sa'kin tapos kunwari lang pala dahil... may hidden desire ka din sa'kin. Tsk, tsk, tsk!" "Damn you, bitch." Thorne said through gritted teeth and made his way out of the room. Binagsak niya ang pinto kasabay ng malakas kong pagtawa. Hindi soundproof ang guest room kaya sigurado 'kong rinig na rinig sa hallway ang pagtawa ko. At last, nanalo din ako sa verbal war naming dalawa. Ang saya!!! Hmn... I'm sure I will enjoy every minute of my stay here...   ******************** Kody's POV   Feel na feel kong maging senyorita sa bahay na 'to habang nag-aalmusal kinaumagahan. Hindi ko inintindi ang mga katulong na nakasimangot sa 'kin, syempre, sa pangunguna ni Nay Lydia. Si Tess lang ang magiliw sa 'kin. Bubuklatin ko na sana ang broadsheet nang nawala bigla iyon sa kamay ko. Tss! Kinuha pala ni Thorne na ngayon ay kasalo ko na sa hapag. Ngumiti agad ako sa kanya. "Good morning, honey! Nakatulog ka ba nang maayos?" "Stop acting, Kody, nalinaw ko na sa kanila na wala tayong relasyon katulad ng dinahilan mo sa kanila kagabi." Aaah... kaya pala nakasimangot sila sa 'kin. "Hindi mo dapat sila pinagalitan, hon---" "I did not. Biktima lang sila ng kamalditahan mo." Seryosong sagot ni Thorne at saka humigop ng kape. Nagkibit lang ako ng balikat at tinuloy ang pag-a-almusal. Ilang minuto lang at tumayo na si Thorne. "Remember this, Kody. Papayagan kitang tumira dito pero may kapalit." "Ano?"  "Alam na ni Nay Lydia iyon. Pero sinisigurado 'ko sa'yo, kapag umuwi sina Tito Ben, isosoli kita agad sa nanay mo, by hook or by crook." tinanguan nya lang si Nay Lydia at saka umalis na. "Bye, honey!" Ha! Kung mapapaalis mo 'ko dito. At kung malalaman din ni mommy na nandito ako! Tiningnan 'ko si Nay Lydia na seryosong nakatingin sa'kin at may hawak na... maid's uniform....? Ngeee! Ano 'to?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD